The_lost_daughter Chapter_5


Mabilis akong tumakbo sa taniman namin,pinuno ko nang siling pula ang spray bottle,at ginupit gupit ko pa ito nang maliit,saka nilagyan nang suka..
Kahit ako ay naluluha at nauubo sa ginawa ko dahil sa sobrang anghang..
Pero di bale panlaban ko ito kay boknoy!
Mayamaya ay nagtinda na nga ako,sinadya ko talaga dumaan kung saan lagi nakatambay si boknoy,pero wala ito.
Palakad lakad pako at hinanap si boknoy,maya maya ay natanaw ko na si boknoy na papalapit sakin,inihanda ko na sa ilalim nang basket ang spray..
Lumapit nga si boknoy,at ang tapang nang tingin sakin akmang kukuha nang paninda ko,ay mabilis ko naman inispray sa mga mata niya ang panlaban ko kaya nabitawan niya ang kinuha niya..
Aahhhh sigaw ni boknoy nang maramdaman ang anghang nang mata niya tumakbo ito nang mabilis.
Hahahaha buti nga sayo boknoy,kala mo ha makaisa ka ulit itong sayo habang tinataas ko ang kamao ko.
Naubos na rin ang paninda ko,masayang masaya akong umuwi may pasayaw sayaw pa ko sa daan..
Sino ba namang hindi sasaya naubos na ang paninda ko,nakaganti pa ko kay boknoy..
Hahaha
Napansin pala ni inay na umuwi akong masaya.
Chuchay masaya yata ang anak ko,agad na sabi ni inay na nakitang sumasayaw ako.
Nabenta ko lahat nang niluto mong banana cue Inay, at ito ang napagbentahan,sabay abot ko kay inay nang pera.
Ipunin mo nalang yan chuchay agad na sabi ni inay.
Siguradong makaka ipon na ako inay,dahil siguradong matatakot na si boknoy sakin.
Bakit ano ang ginawa mo kay boknoy anak,tanung ni inay na may pag aalala.
Inisprayhan ko nito inay,habang pinapakita ko kay inay ay diko mapigilan tumawa,nang maalala ko mukha ni boknoy kanina.
Anak diba sabi ko sayo masama ang gumanti,ipasa diyos mo na lang.
Inay ngayon lang nman po ito kay boknoy di na mauulit,paglalambing ko sa inay ko at niyakap ko siya.
Nasa sakahan kami ni inay,dahil walang pasok tinulungan ko muna si inay magtanim.
Nang biglang may tumawag kay inay na kapitbahay namin at...


inabot ang isang sobre.
Nakita kong nalungkot ang mukha ni inay pagkatapos basahin ang sulat.
Habang naghahapunan kami ay nagsalita si inay.
Chuchay bukas mag impake ka nang mga damit mo na dadalhin natin.
Bakit saan tayo pupunta inay agad kung tanung.
Pupunta tayo nang maynila kasi ang isa mong tyahin malubha narin ang sakit.
Nalungkot ako sa narinig ko,dahil yan nalang si tiyang Marie ang kapatid ni inay na natira.
Sa mansyon nang mga Fernandez.
Tulala na naman sa bintana si Don Federico habang iniisip ang mag iina niya,na sampung taon nang nawawala at hinahanap niya.
Natigil sa pag iisip si Don Federico nang tinawag siya ni Alex.
Sir pinapatawag niyo daw ho ako,bungad na tanung ni Alex.
Wala ka parin bang balita sa mag iina ko,agad na tanung ni Don Federico.
Pasensya na ho,Don federico pero wala parin ho.
Ano ba ang ginagawa niyo bat di niyo parin mahanap ang mag iina ko,sinasayang ko lang ba ang pera ko sa inyo,sigaw ni Don Federico.
Sige na umalis kana.
Agad naman umalis si Alex..
Sweetheart,tawag ni madam Mariel na nasa likod ni Don Federico.
Ang kinakasama ni Don federico.
Oo kinakasama niya lang ayaw siyang pakasalan ni Don federico dahil umaasa pa ito na makikita pa ang kanyang asawa at ang dalawa niyang anak.
Secretary niya lang noon si mariel,dahil sa lungkot niya ay araw araw na siya umiinom sa kanyang opisina..
Nang isang at araw pag gising niya nasa tabi na niya si Mariel na hubot hubad at ganun rin siya,at nakita ito nang ibang mga empleyado niya,kaya nagpasya na lang siyang iuwi si mariel sa mansyon,para matigil ang usap usapan.
Daddy,mommy hindi pa ba tayo aalis tawag ni Syra ang sampung taong gulang na anak ni mariel,na tinuring na rin na anak ni Don federico.
Dahil nakikita niya dito ang kanya anak na si baby Janelle,dahil magka edad lamang ito.
Ok let’s go sabi ni Don Federico,nangako kasi siya nito na kakain sila sa labas.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top