π—œ’𝗠 π—›π—œπ—¦ 𝗣π—₯π—œπ—©π—”π—§π—˜ 𝗧𝗨𝗧𝗒π—₯


* 𝗣π—₯π—’π—Ÿπ—’π—šπ—¨π—˜*
Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sakin paggising ko….
Bahagya pa akong napangiti ng makita ko ang sikat ng araw na unti-unting dumadampi sa muka ko
“Apoooo!!…..gising naaa!!” isang malakas na sigaw ang narinig ko galing sa ibaba na alam kong galing kay Lola
“Opo La!” Pasigaw na sagot ko sakanya
Tuluyan na akong bumangon at agad na naligo, pagkatapos bumaba na rin
(●’◑’●)οΎ‰
“Morning Lola” bati ko sakanya pagkarating ko sa kusina
“Morning Apo…..kain kana dito” pagyayaya nya sakin sa hapag kainan
“Sige po” umupo na ako at kumuha ng plato saka nagsalin ng pagkain “Mmmm…mukang masarap ‘to Lola”
“Masarap talaga yan Apo” nakangiting sagot nya sakin
Ulam for today: Tuyo saka itlog(●’◑’●)οΎ‰
Sinimulan ko na nga ang pagkain..
“Apo, papasok ka ba ngayon sa eskwela??” biglang tanong ni Lola na kasalukuyang ngumunguya
“Papasok po ako Lola ng trabaho ngayon, ngayon po kasi ang duty ko doon…tapos pagkagaling ko ng trabaho, mag-aaral naman po ako…hanggang gabi na po yun”
Mahabang sagot ko na tinangu-tanguan naman ni Lola
“Dika ba nahihirapan apo??” may pag-aalalang tonong tanong nya ulit sakin..
Pumakawala pa ako ng hangin sa ere bago sumagot
“Hindi naman po Lola….kaya ko po” kahit labag man sa kalooban ko ang naging sagot kong yun, kailangan kong magsinungaling na kaya ko, kahit ang totoo nahihirapan na rin ako
Pero kakayanin ko yun……hinding hindi ako susuko
(●’◑’●)οΎ‰
(●’◑’●)οΎ‰
(●’◑’●)οΎ‰
(●’◑’●)οΎ‰
“Lola, una na po ako sainyo….pag may kailangan po kayo sakin, tawagan nyo lang po ako ah”
“oh sya sige na apo….baka malate kapa”
“Sige po, bye po Lola..ingat po kayo dito”
“Sige apo ingat rin” nakangit ko naman syang kinawayan bago ako nag-antay ng masasakyan sa may kanto
Naghintay lang ako ng ilang minuto hanggang sa may nakita na akong tricycle
Agad kong pinaypay ang kamay ko at eksaktong tumigil naman ito sa harap ko mismo
“Sa Johnny’s House po kuya” saad ko dun sa driver
Agad naman kaming umalis pagkatapos
(●’◑’●)οΎ‰
(●’◑’●)οΎ‰
(●’◑’●)οΎ‰
“Ito po kuya ang bayad” iniabot ko sakanya yung bayad pagkahinto namin….saka na sya umalis at pumasok na rin ako
May kalakihan na ang kainanang ito ni Kuya John, talagang kainan na sya ng mga tao na galing sa trabaho……at isa pa, nasa tapat lamang ito ng isang Mall kaya marami rin ang dumarayo para kumain dito, dahil.bukod sa malapit na sobrang sarap pa ng mga putahe..
“Oh nanjan kana pala” napalingon naman ako doon sa nagsalita
SI KUYA JOHN.
“Ah hello kuya” pagbati ko sakanya
“Kanina ka pa?”
“Kararating lang po”
“Oh sya sige….halika na dito at magsisimula na tayo, maya-maya nyan dudumugin na naman tayo ng mga costumer”
“Sige po” nauna syang naglakad papasok at sumunod naman ako
Pagkapasok ko agad akong nagsuot ng apron at dumeritso sa kusina…..nadatnan ko naman silang abala sa pagluluto…
“Good morning po sainyo!” masayang bati ko sakanila na ginantihan naman nila ng ngiti
“Morning din sayo”
Dumeritso na ako sa kusina at pagkapasok ko palang dun, bumungad na sakin ang sangkaterbang hugasin….
Isama mo pa yung mga kaldero’t kawaling naglalakihan
Di na ako nagsayang ng oras at sinimulan ko na ang paghuhugas….itinali ko muna ang buhok ko pagkatapos at nagsimulang kumuskos
Ako lang mag-isa ditong naghuhugas, di pa kasi sila nakakahanap ng isang katulong dito, kadalasan kasi ay ayaw sa pwestong ito kasi nga matrabaho at dapat mabilis ka sa paghuhugas dahil maya-maya ay ginagamit nila yun…
.
.
.
Nagsisimula ng magsitulo ang pawis ko sa muka pati na sa katawan pero diko na yun inintindi….ang kailangan ay matapos ko agad to
“Okay ka lang ba jan??” napahinto ako sa pagkuskos at nilingon sya
“Ah opo okay lang”
“Sige, ito pa oh...


hugasan mo…..marami ng nagsisidatingang costumer kaya medyo pakibilisan ang paghuhugas”
“Ahh sige po” pagkatapos nyang ilatag lahat ng hugasing dala nya kanina, halos manlumo ako
Marami pa akong huhugasan tapos may dumagdag na naman…..
Wala ba talaga ‘tong katapusan?!
Binalewala ko na lang yung pagod na naramdaman ko at pilit na tinatapos ang ginagawa ko
Ilang oras din ang lumipas at sunod-sunod na ang pagdadala nila ng hugasin sakin…puro mga plato, mangkok at baso at kutsara….siguro marami na ang nagsisidatingang costumer….kahit mga bigtime na tao ay dumadayo dito para lang kumain
“May nahugasan kana bang mga pinggan tsaka baso?!” pasigaw na usal ni ate Kaila, isa sa mga server dito habang papasok sa kusina….
“Ahh opo ate, yun po marami” turo ko dun sa mga nahugasan ko
“Sige salamat…….ayos ka lang ba dito??”
“Opo ayos lang”
“Sige…alis na ako” tinanguan ko na lamang sya at muling naghugas…
AYOS LANG AKO..
Maya-maya……..
“Tapos kana ba sa paghuhugas??” medyo gulat ko pa syang nilingon dahil sa biglaang pagpasok nya
“Ahh kuya, hindi pa po…marami pa po ito”
“Iwanan mo muna yan”
“Po?”
“May iuutos ako sayo”
“Ano po yun??”
“Ito…” inabot nya naman sakin yung isang kapirasong papel “bilhin mo yan dun sa katapat na mall”
Di ako sumagot at takang tinignan sya
“Di ko yan minamadali…..kapag wala kang nakuha okay lang”
“A-ahh sige po”
“Oh sige na…kami na ang bahala sa hugasing to”
“Sige po kuya”
“Sige”
Inalis ko na yung apron ko at saka nagsimulang maglakad palabas
*BEEP*
*BEEP*
*BEEP*
Halos di ako makatawid sa dami ng dumadaang kotse….
*BEEEEEEEEPP*
Pahinto-hinto pa ako sa pagtawid dahil sa mga kotseng nadaan habang yung braso ko ay bahagyang nakataas na sinesenyasan silang huminto……..hanggang sa nakatawid na ako at deritsong pumasok sa Mall
Sobrang dami ng tao…
Sinimulan ko na ang paghahanap nung item na yun na sa tingin ko diko naman mahahanap dito….pero susubukan ko parin
Sinimulan kong pumasok sa isang shop dito at nagtingin-tingin….
“Excuse me ma’am…may maitutulong po ba ako?” tanong sakin nung saleslady
“Ahm…meron po ba kayo nitong item na to??” ipinakita ko sakanya yung item
“Ah sorry ma’am pero hindi po yan available samin”
“Sige po salamat”
Lumabas na ako pagkatapos at tumitingin-tingin uli sa ibang shop dito
Hanggang sa…….
“What the hell?!!” nagulat ako nung may nakabunggo ako
“Ahh sorry sir” napayuko pa ako sakanya
“Sorry your face!…..di kasi tumitingin sa dinadaanan eh!”
“Pasensya na po”
“Tch!!…hampas lupa”
ANOO??!!! HAM—–ABA’Y GAGO YUN AH!!
“Hoy!!” sigaw ko sakanya dahil medyo may kalayuan na sya sakin
Wala na akong pakialam sa mga matang nakatingin samin dahil nainis talaga ako sa sinabi ng lalaking to
“Are you shouting at me??”
“Oo!……ang kapal naman ng mukha mo ano??….sinabihan ka na nga ng sorry at pasensya na……pero ang yabang yabang mo parin!”
“What the hell are you talkin’ about??”
Maang-maangan nya pa
Inis akong napangisi sa tagiliran ko at saka sya uli hinarap
“Porket bigtime ka, porket mas malinis ka tignan kesa sakin, may karapatan ka ng sabihan ako ng hampas lupa!!”
Napakunot ang noo nya sa pagsigaw ko pero nakabawi din agad
“Psh! I’m just stating the truth…….hampas lupa ka naman talaga eh”
TARANTADO!
“May trabaho pa ako kaya palalampasin ko tong ginawa mo….pero pag nagkita tayo ulit…humanda ka sakin!” naglakad ako palampas sakanya “TABI!!” sigaw ko sakanya at medyo itinulak pa sya
Bwisit ka ah……sobrang pagod ko sa pagkuskos ng mga hugasin tapos dumagdag kapa sa problem ako…lintik ka
Lamang ka lang ng isang daang ligong bwisit ka…kung makasalita ka ng hampas lupa…tch!
*END OF PROLOGUE*
✍️@Amirille_Writes
//GRAMMAR ERRORS and TYPOS ay hindi po sinasadya, dahil sa tamad akong mag-edit kaya pagpasensyahan nyo na//
COMMENT NAMAN PO KAYO JAN HEHEπŸ₯°πŸ₯°





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top