Mafia boss missing wife Eighteen


by: Gail Montenegro

“mr.yuraki…. kasalukuyan po kayung ipinapahanap ni mr.weaver kaya hindi pa ho ligtas kung sakaling nais nyung lumabas at makipagtransaction sa labas” isa sa mga tauhan ni hutshimoto
“i know!!! alam na nya ang lahat kaya sigurado akong hahantingin nya ako hanggang sa matagpuan nya ako, pero bago paman iyun nakahanda na ako” nakangisi nyang sagot dito bago muling lumagok ng red wine mula sa hawak nyang glass na nasa kanang kamay nya
“basta bantayan nyu ang bawat galaw nya at laging mag update saakin upang alam ko ang ginagawa ko” muli nyang saad dito saka iminustra ang isang kamay pagpapahiwatig na lumabas na ito ,isa ito sa mga tauhan ni clark na nakuha nya sa malaking halaga upang bumaliktad laban sa amo nito at nagpasakop sakanya upang maglingkod base sa mga nangyayare sa loob mismo ng bahay ng kanyang kaibigan
“big boss….may kailangan pa po kayung malaman….” ani nito ngunit hindi nya pinagtuunan ng pansin ipinagpatuloy parin nya ang paglalaro sa glass at sa laman nito habang seryosong pinagmamasdan ang isang lumang litrato ,sariwang sariwa pa sakanyang diwa ang napakagandang mukha ng babae ang alindog nitong nagpabaliw sakanya ang pagiging maldita at mataray nito ay hindi nakahadlang upang di nya magutuhan ito dahil kung tutuusin narito na ang lahat ng maaaring magustuhan ng isang pihikan na katulad nya na napurnada pa dahil sa kaibigan nya at pinagsisisihan nya dahil sakanya kaya namatay ito
“big boss!!!! si edwin na hindi pa pala umaalis sa harapan nya “umalis kana bumalik kana lamang ulit kapag importante na ang mga sasabihin mo ng sagun hindi ka mahuli” matalim nyang wika dito
“cge po big boss ,syanga pala ,u-ung asawa ni mr.clark kasama puba sa mga babantayan ko?” nagkakamot sa ulo nitong tanong
gulat syang bumaling dito at matalim itong tinitigan “hindi ko nabalitaan na nagpakasal sya ulit!” galit nyang tanong dito
“i mean ,,ung asawa nya ho dati!”
“nahihibang kana ba! patay na ang asawa nya isang taon na ang nakakaraan!” napatayu nyang sigaw dito
“eh boss buhay ho ,nakaligtas sa aksidente kaso may amnesia po yata” seryoso nitong wika
pasalampak sya muling umupo sa kanyang swilve chair at nahimas ang sariling labi ,muling nabuhay at mabilis na tumibok ang patay nyang puso dahil sa mga narinig na hindi mapaniwalaan ,binalingan nya si edwin at matiim itong tinitigan kinakabisa kung nagsasabi ngaba ito ng katotohanan “wag na wag mo akong pinagloloko lalaki ,ililibing talaga kita ng buhay oras na nalaman kong nagsisinungaling ka” nagngangalit ang mga matang banta nya dito
“mr.yuraki ,nagsasabi po ako ng totoo ,buhay po ang dati nyang asawa ,actually hindi lamang po ang asawa nya ang nakasurvive sa nangyaring aksidente pati po ang mga sanggol na ipinagbubuntis noon ni miss bella” sagot nito
mas lalong nabaliw at natuliro sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa pagkakarinig sa magandang pangalan ng babae ,”mga sanggol??” ulit nyang hayag sa sinabi nito
“yes big boss….swerte pong nakaligtas si miss bella kasama ng mga anak nya ,napakaswerte po ni mr.clark dahil tatlong importanteng tao po sa buhay nya ang bumalik ang kaso ngalang ay hindi sya nito maalala” nakangiti nitong balita
malakas nyang naihampas ang isang palad sa sarling mesa ,bakit ba lagi nlang sinuswerte ang kaibigan nya ,kaya kaylaki ng galit nya dito dahil halos lahat napupunta na sakanya ang mga una ang mga natitipuhan nyang babae na nagiging kanya din at ngayun nagkaroon pa ng anak sa babaing dapat ay kanya “umalis kana at magmanman doon” utos nya dito binuksan nya ang isang drawer mula sa ibabang bahagi ng kanyang mesa saka kinuha ang isang sobre na naglalaman ng makapal na perang nagkakahalaga ng kalahating milyon at ibinagsak sa mesa malapit sa kinaroroonan ng tauha ni clark “alamin mong maige ang bawat binabalak ni clark at kaagad na ipaalam saakin pati ang sa asawa nya” tila may bikig sa lalamunang saad nya dito “kuhanan mu sya ng magandang anggulong litrato kung may pagkakataon ka gusto kong makita kung sya nga iyun” paninigurado nya dito ,ngtangka na nitong kunin ang pera ay kanya iyung hinawakan “gawin mo ng maayus ang trabaho mo at mas malaki pa dyan ang mapapala mo saakin” bulong nya dito bago muling binitiwan ang pera saka sumandal sa likod ng kanyang swilve habang matiim na nakatitig sa balat sibuyas na tauhan ni clark
“areglado big boss” nakangisi nitong saad habang kinukuha...


ang pera nagpaalam na ito sakanya na tinanguan lamang nya
kinuha at pinagmasdan nyang muli ang lawaran nila ni bella kuha ito mula sa probinsya ng minsang magawi sya sa kanyang province company doon sa laoag nueva vizcaya ,kung saan trabahador nya nga ito ,niligawan nya ito ngunit matigas ang naging tanggi nito dahil sa sinasabi nitong nobyo, huli na ng malaman kong si clark pala iyun ,nagresign ito sa ibinigay kong position at sa pagdalo ko sa mismong kasal ni clark ay diko alam na si bella pala ang binabanggit nitong lasintahan na iniwan nya pansamantala sa kanilang probinsya dati ,doon nagsimula ang lahat… ilang katok mula sa labas ng kanyang pintuan ang nagpagising sakanya mula sa kasalukuyan ,matapos ang ilang segundo ay pumasok mula doon ang isang magandang babae ,nakasuot ito ng tube dress kapit na kapit sa sexy nitong katawan ,matilamsik ang bawat indayog ng balakang nitong lumapit sa kinaroroonan ko at walang babalang kumandong saakin paharap
“hindi mo siguro ako namis noh ,hindi ka masaya eh” malandi nitong wika habang hinihimas ang aking batok
binuhat nya ito saka pinaupo sa kanyang mesa “sasya….babalik ka kay clark ,may ipapagawa ako sayu kung ayus lang sayu” ngisi nyang saad dito bago ito hinalikan sa labi ,tumagal sila sa ganoong ayus hanggang sa muling putulin ni hutshimoto at hawakan ang mukha ng babae paharap sakanya ,”buhay ang asawa nya… buhay si bella ,,bumalik ka at guluhin ang buhay nila para sakin para sa paghihiganti” wika nya dito habang himas himas ang makinis nitong pisngi
“bakit pa… nalalapit na ang kasal natin, ang akala koba ihihinto mona ang lahat ng balak mo at aalis tayu dito!!” maarte nitong saad kay hutshimoto
“gawin mo muna ang pinagagawa ko sayu at kapag nagawa muna doon natin itutuloy ang binabalak nating gawin ok but now tulungan mo muna ako!! hmmm.” nangaakit nyang titig sa mukha ng babae
“ibinasura na nya ako ,you know that!!” pahalukipkip nitong angil sakanya
“please!!” huli nyang pakiusap dito at tinitigan ito ng seryoso
…..matagal bago sumagot si sasya ,hindi nya alam ang isasagot dito at hindi rin nya alam kung anu ba ang nagpabago sa isip nito at ganito nanaman ang mga binabalak nya ,inis nyang ibinaling sa iba ang paningin “ok…. may magagawa ba ako para makatanggi” tangi nyang naisagot dito ,napaiktad pa sya ng bigla sya nitong dambahin sa leeg at walang pagiingat na kagat kagatin ,ito ang nagustuhan nya dito ,wala itong ipinagkaiba kay clark ,matipuno ,tahimik at gwapo na mejo bastos ,ito ang sumalo sakanya ng mga panahong durog na durog sya kaya gagawin nya ang nais nito kung anuman iyun.
____________________________________________
nagising si bella dahil sa matinding ngalay sumasakit ang leeg nya ang mukha kasi ni clark ay nakasubsob doon kaya nangangalay ito ,bigla ay napabalikwas sya ng bangon ng maalala ang mga anak nya na ikinagising narin ni clark ng balingan ko ito’y kunot ang nuo nito at masungit ang pagmumukhang nakatunghay saakin ,marahil dahil sa biglaang pagkagising nito
“good morning!!” nakangiting saad ni clark kay bella ,tinignan ko ito mula sa mukha hanggang sa malulusog na lantad nitong dibdib at ilang ulit na napalunok
pasinghap na kinuha ni carla ang kumot saka itinabing sa kahubdan “ang mga baby ko!!!” taranta nyang wika bago nagmamadaling tumayu habang hapit hapit ang kumot sa katawan “aaaah” tili nya ng mabalingan ang hubad na katawan ni clark ,namumula ang mukhang umatras sya ng ilang hakbang papalayu sa kinaroroonang kama ni clark ngunit sa hindi sinasadya ay naapakan nya ang laylayan ng kumot kaya tuluyang kumawala sa bibig nya ang isang malakas na tili ,ipinikit nya ng mariin ang kanyang mga mata kasabay ang matindi nyang pagkabagsak sa itim na carpet at pagbagok ng ulo nya
“bella….”malakas na sigaw ni clark huli ng maabot nya ito na tanging kumot nlang ang kanyang nahawakan “bella sweetheart….” nagaalala nyang tawag dito kaagad nya itong niyakap ng mahigpit ,mabalahibo at malambot ang carpet ngunit masasaktan parin ang likod at ulo nito kung sakali dahil sa tindi ng pagkabagsak nito
“aray ko ang ulo ko naalog na yata!!” daing ni bella habang sapo ang ulo, nanlalabo ang mga matang tumitig sya kay clark “babe anong nangyare??? asan ang mga armado? ang sumabog na kotse?” sunod sunod na tanong ni bella na nagpalito sa utak ni clark
“whaat!!!!” anas nya dito ,matiim na nakatitig sa inosenteng mukha ni bella na puno ng katanungan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top