Alalang-alala na ang mga kapatid at ama ng dalaga sa kanya.. Hindi kasi niya nkauwi ng magdamag.. Aniya Hindi ugali ng ni Angela ang
Hindi umuwi, kaya naman Naghanap na sila.
Mula sa school, kaibigan sa mga at kung saan saan pa..Ngunit Hindi nila ito makita..
Wala na silang ibang lugar na maisip kung saan ngpunta ang dalaga.
Hindi na sila mapa lalo ng mga sandling iyon.
Hanggang nakasalubong nila si Mando.
“. Insan Anu bang atin, gabing-gabi na eh nandito pa kayo sa kalsada eh? Wika ni Mando.
” Insan baka nakita mo si Angela, kahapon pa dyan Hindi umuuwi eh?ani ni kulas
” Anu? Saan na nag punta yon? Baka naman nagtanan na!
” Hindi gagawin yon ng kapatid namin,!
Kung ganun saan nag punta yon?
” Yon nga ang ipinagtataka namin, nag alaala na kami. Baka napano na sya.. Ngababaka sakali kami na baka nakita mo sya..
” Sige, in San hayaan mo matatanong-tanong din ako.
” Salamat San!!
Maagang pumasok si Nelson ng araw na iyon
Papasok ng sa sa entrance ng tawagin sya ni
Mando, nakita niya kasi ang dalawa na minsang magkasama, kaya nabakas alive syan.
“Pare, sandali!
” Bakit?
“Nakita mo ba si Angela?
” Bakit ako ang tinatanong mo?sino ka b…. “Hindi ba ikaw yong driver ni sir?
” Ako nga, pinsan ko si Angela, nag-alaala na ang kapatid at ama niyang, baka naman nakita mo?
“Tanungin mo si sir Dilan , baka may alam sya!
” Anu?? Biglang kinabahan si Mando.. Sa ilang taon niyang kasama ang amo ay kilala nya ang ugali nito..
“Ikaw sabihin mo may alam ka ba??saan ni sir dinala ang pinsan ko??
” Nandito lang sya..
Magkasama ang dalawang lalaki na pumasok sa gusali na yon.. Pinuntahan ilang ang silid
Na pinagkulugan kay Angela.. May bantay
Iyon at sarado..
Naghahanap sila ng tyempo kung pano papasok.. Hangang sa nakita sila ni Dilan..
“anung ginagawa niyo dito!?
” Sir, Dilan totoo ba na ikinulong ninyo sa silid na yan ang pinsan ko?
Tiningnan muna ng lalaki ng masma si Mando bago ito nag salita.
” Mando,, alam mo naman na wla akong sinsanto kapag nagka sala.”
“pero sir, anung ka kasalanan ni Angela para ikulong nyo sya dyan?”
“Sabihin na nating, ginawa nya sakin ang
Ang ginawa ni Trexy.. Alam mo nman ang ginagawa ko sa mga traydor yon ang pinakayaw ko sa lahat ang inaahas ako!! Tiim bagang nitong wika at inilapit pa ang mukha sa kausap.. “kayo kung ayaw ni ni yong madamay manahimik kayo!!” Ani ng lalaki saka ito tumalikod.
Pero sir,, parang awa mo na huwag si Angela,
Huwag ang pinsan ko sir, ako na lang,
Kung anu man ang binibintang ninyo sa kanya
Nkatitiyak ako na inosente sya doon!! Pagmamakawa ni Mando.
Binalingan ng lalaki., ang mga bantay” Pati yan si Mando dalhin nyo yan sa kabilang silid,!!!!!
“Bitawan nyo ako bakit pati ako sir!! Nagpupumiglas na wika ni Mando.. “Bitawan nyo ako!!!
Isang makahuluhang tingin nman ang Ibinigay
Ni Nelson sa lalaki bago sya umalis..
” Anu masaya na kayo sa nangyari kay Angela?
Galit na galit pa rin si sir Dilan sa kanya!! Nakatiim bagang na wika ni Nelson kina
Wally Nicky at Melchol Na nooy nsa isang sulok nakikiramdam kung anu ang susunod na mqngyayari.
” Pero buhay pa naman sya Diba? Ani ni Melchor
Kung isa satin yon baka baka kung saang
Ilog, damuhan o kung San pa man tayo itonapon ng mga tauhan niya.. Dagdag pa ng lalaki..
” Walang kasalanan si Angela!giit ni Nelson
“Hayaan mo sya, patayin niya yong babaing kinlulukuhan niya, makaganti...
Thank you for the post on your blog. Do you provide an RSS feed?