The Man in my Dreams CHAPTER 4


Sobrang nanginginig ang tuhod ni Jera ng makita niyang nakatayo sa may hallway si drake..at hindi siya agad nakasagot sa tanong ni drake dahil parang inurungan siya ng dila sa sobrang takot.
.
Drake : saan ka galing, bakit hindi ka makakibo? (Pagalit niyang tanong, at nang-uusig ang mga mata)
.
Pinakalma ni Jera ang sarili, natakot siyang mahalata ni Drake na natatakot siya.
.
Jeralene : A-ah eh, nagising kasi ako kanina, at hindi naman na ako makatulog kaya pumunta ako sa kwarto mo, wala ka naman pala.kaya naisip kong hanapin kita sa labas.
Drake : at hindi mo ako nakita sa cottage ni kuya george?
Jeralene : nakita, kaya lang nahiya naman akong pumunta dun para tawagin ka kasi marami kang kasamang kainuman, kaya naisipan ko na lang na maglakad-lakad sa tabing dagat, ang sarap kasing langhapin ang sariwang hangin at ng nagsawa nako doon na maglakad bumalik na nga ako.
Drake : eh bakit parang takot na takot ka, at hingal na hingal ka.
Jera : H-Ha..nagtatakbo kasi ako pabalik dito, paano naman may pusang itim natakot ako!
Drake : yun lang, wala kang nakita (nang-uusig parin ang mga mata niya)
Jeralene : nakitang ano? (Painosente niyang tanong)
Drake : doon sa dulong cottage?? Sa gawing kanan(mabalasik ang muka niang pagtatanong)
.
Sobrang kinakabahan na si Jeralene ng mga sandaling iyon at baka makahalata si drake na nagsisinungaling siya, kaya ginalingan pa niya ang pag-arte..
.
Jeralene : Ah hindi naman ako nagawi doon, sa gawing kaliwa ako nagpunta..bakit masama ba kasing maglakad lakad ako, kasi naman hindi na nga ako makatulog, wala ka pa, nandoon ka pang nakikipag-inuman!! Kaya nga ako naglakad lakad at naiinis ako sayo, lumanghap lang naman ako ng sariwang hangin eh!(nagkukunwaring nagtatampo)
Drake : ganun ba, wag ka nang magalit, ikaw naman magagalit ka na naman sakin, konti lang yong ininum ko.
Jeralene : hindi naman ako nagagalit sayo, nagtatampo lang ako, at saka ikaw nga itong nagagalit, pinagtataasan mo na ako agad ng boses.
Drake : sorry na sweetheart (lumapit sa dalaga at niyakap niya ito) nag-alala lang naman ako sayo, dahil yong mga tauhan ni kuya mukhang manyak, baka unahan pa ako sayo..(ngumiti ng nakakaloko)
.
Kinilabutan si Jeralene sa sinabi ni drake, iniisip niya na baka yoon lang ang gusto ni Drake sa kanya, kaya ito magpapakasal dahil gusto na ni drake na may mangyari sa kanila, at nangangamba din siya dahil nakainom ito, at baka ipilit na naman ang gusto.
.
Drake : baka gusto mong sa kwarto ko nalang ikaw matulog? Kung hindi ka makatulog patutulugin kita.
Jeralene : sira ka talaga, diba may usapan na tayo.
.
ayon na nga ang sinasabi niya kaya nadagdagan ang kaba niya.
.
Jera : usapan natin na kasal muna bago iyon!! (Pairap siyang kumalas sa pagkakayakap kay drake)
Drake : well, baka lang makalusot!!
Jeralene ; no way!! Kasal muna ok, baka mamaya iwanan mo na lang ako pagkatapos.
Drake : ikaw talaga ang damot mo, sige na nga matulog kana..(at isang mabilis na halik sa labi ng dalaga ang iginawad niya) goodnight!!
Jeralene ; good night din,,(at agad ng pumunta ng silid niya)
.
Malalaki ang hakbang niyang lumakad para agad na marating ang silid niya, sobra siyang natetense, kailangan niyang maka layo na agad kay drake, dahil parang nagsisikip ang kanyang dibdib, dahil sa nakita niyang nakakadenang lalaki, at isa pa baka malaman ni drake na nagpunta siya roon..nahiga na sa kama si Jeralene, awang awa siya sa lalaki, parang may kirot sa dibdib niya kapag naaalala niya ang ayos at kalagayan nito, kaya napagpasyahan niyang bumalik doon, at tingnan niya kung paano niya matutulungan ang lalaki.
.
Jera : Hindi ako nagpapakamatay, hindi ko lang talaga matiis na may isang tao na naghihirap at wala man lang akong gagawin.
.
hindi na nga nagtagal ay nasumpungan na lang ni Jera na lumalabas ng kwarto at pupunta na siya doon sa dulong cottage, maingat ang bawat hakbang niya, hindi dapat magising si drake, kailangan niyang makalabas ng resthouse na iyon, at ng makapunta siya sa dulong cottage, hindi niya alam kung bakit ganun na lang siya kaapektado sa isiping may isang taong nakakulong sa cottage na nasa dulo at halos gulapay na gulapay sa natamong bugbog at pahirap,
.
Jera : Jera kaya mo yan, lakasan mong loob mo.
.
At ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nakalabas ng bahay. At luminga linga muna siya sa paligid kung may mga tao pang gising duon, tumingin siya sa may cottage na tinutuluyan ni George at nakita niyang mga tulog na tulog ang tao duon. At ganun din si george, tulog na tulog sa may bangkuan doon..at hanggang sa nakarating na siya sa cottage na pinagkulangan sa lalaki, ngunit may mga bantay sa cottage.
.
Jeralene : (sa isip) God, tama po ba itong gagawin ko, pag nahuli ako na tutulungan kong makatakas ang lalake, mapatawad pa kaya ako ni Drake, baka tuluyan na niyang gawin ang masamang balak niya sakin, at pagkatapos niyang gawin sakin yon, eh sa mga tauhan naman ng kuya niya ako ipasa, Diyos ko napakarami nila.. gabayan mo po ako Diyos ko. Kailangan kong mailigtas ang lalaking nakakadena, hindi kaya ng puso at konsensya kong pabayaan siya,.
.
nagkubli lang muna si Jera sa malabong na dahon ng halaman, at nakiramdam, tanaw niya ang dalawang bantay na tulog na tulog, sa isip niya pawawalan lang niya ang lalaki, tatanggalin lang niya ang kadena na nakatali sa paa at kamay, tapos babalik na siya agad sa bahay, at ilang sandali pa ay, nasumpungan na niya ang sarili na pumunta na ng cottage, nagdahadahan siya sa paglalakad at nang huwag magising ang natutulog na mga bantay, lasing na lasing ang mga bantay, kaya masarap ang pagkakatulog nila sa mga silyang kinauupuan, mga nakalaylay pa ang mga ulo nito at mga nakanganga. At naghihilik pa ng malakas, kya pansamantala niyang tinanggal ang takot sa dibdib lakas loob niyang binuksan ang pinto, dinahan dahan niya ang pagbubukas dahil may konting langit ngit ito at baka magising ang mga bantay, at laking pasalamat niya ng makapasok na duon at lumapit na siya sa lalaking nakakadena, tiningnan ang mga kadena sa mga paa nito at kamay, kung paano tatanggalin, at hanggang sa—
.
Jojo : sino ka? ( gulat na tanong nito)
Jeralene : sssh… wag kang maingay!! Paano ko bang tatanggalin ang mga kadenang ito..
Jojo : tulungan mo ako (pakiusap nito)
Jeralene : oo tutulungan kita. Bakit ba nila ginawa sayo to, at saka sino ka..may galit ba sila sayo.
.
Sunod sunod na tanong ni Jera sa lalake
.
Jojo : ako si Jojo kinidnap nila ako.. kunin mo yong susi nasa bantay.
Jeralene : ha, panu ko kaya makukuha yun??
.
at agad na nagpunta sa labas si Jera sa mga natutulog na bantay, at nakita nga niya ang isang bantay na may mga susi na nakasabit sa bewang nito, kaya naglakas na siya ng loob na kuhanin ito, at nang mapakawalan na daw niya ang lalaki sa pagkakadena.
.
Jera : Hay naku po, nanawagan po ako sa lahat ng santo, tulungan po ninyo ako..
.
Pigil hininga niyang kinukuha ang susi sa bewang ng bantay, nagdahan dahan siyang kuhanin ito sa bantay na natutulog kagat labi niyang kinuha ang susi, halos hindi siya humihinga hanggat di niya nakukuha ang susi, sobra siyang nag iingat para huwag makalikha ng ingay, at Hanggang sa wakas ay napasakamay na niya ang susi at agad na niyang pinuntahan ang lalaki at para makalagan na ang kadena, ang problema napakadaming susi nun hindi niya alam kung ano ang mga tamang susi, kaya kahit nginig na nginig siya sa takot ay sinubukan niyang ipasok ang susing isa sa padlock sa gawing paa, dasal siya ng dasal na sana ay tama ang susi, at sa awa ng Diyos tama nga ang susing napili niya, at isinunod ang sa may kamay ipinasok niya ang isang susi, ngunit sa kasamaang palad ay hindi iyon ang tamang susi, kaya nagmadali uli siyang subukan pa ang ibang susi, ngunit sa kasamang palad hindi padin, tagaktak na ang pawis niya, sa sobrang kaba, at hanggang sa wakas ay tumama na rin ang susi na naioasok niya, kaya mabilis niyang tinanggal ang mga kadena sa katawan ng lalaki.
.
Jojo : salamat, utang ko sayo ang buhay ko!!
Jeralene : sige umalis kana, at baka mahuli ka pa uli..(pagtataboy niya)
Jojo : paano ka? Paano kung malaman. Nila na tinulungan mo ako, baka kung ano ang gawin nila sayo.
Jeralene : hindi naman siguro nila malalaman, sige na wag ka ng magtagal at babalik na din ako sa resthouse.
Jojo : o sige salamat, ano nga palang pangalan mo?
Jeralene : jeralene,,, sige na lumabas kana at ng makaalis na din ako.
.
Lumabas na nga si Jojo at ganun din si Jeralene. Kinuha pa ni Jojo ang isang baril na nakapatong sa lamesa ng gwardiya at mga bala, at tuluyan nang lumayo doon sa cottage..si Jeralene naman ay mabilis niyang tinalunton ang daan pabalik ng cottage, si Jojo naman ay pakubli na ng dilim, tahimik pa din ang bahay ng bumalik si Jera sa resthouse, saglit niyang sinilip ang loob ng kwarto ni Drake at nakita niyang tulog na tulog ito.
.
Jera : Diyos ko salamat po.
.
Tulog na tulog si Drake dahil sa nainom na alak kaya ito napasarap ng tulog..at nagpasalamat si Jera at hindi nagising si drake at ang mga ibang tauhan ni George at nagdasal ulit si Jera na sana walang maging problema, at nagpunta na siya sa kanyang kwarto, at ang problema na lang niya ay kung paano niya matatakasan si Drake..at sa sobrang pag-iisip niya ay nakalimutan pa niyang ilock ang pintuan ng kwarto niya, tumuloy na siya agad sa kama at nahiga na.
.
Jera : sana nakalayo na siya.
.
At dahil sa pagod ay nakatulog na agad si Jera, at hindi alam ni Jeralene kung gaano katagal ang naging tulog niya. Pero iyong pakiramdam na may mga matang nakatingin sa kanya ang pumukaw sa kahimbingan niya, at marahan niyang iminulat ang mga mata..nakita niya si Drake...


na nakaupo sa gilid ng kama.
.
Jeralene : drake!!!
Drake : kumusta ang tulog mo??mukhang napuyat ka kagabi ah.
.
Nangamba si Jeralene na baka makahalata si drake na pinakawalan niya ang lalaki, kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili.
.
Jeralene : ah oo nga eh..kasi naman naiisip ko yong sinabi mo na yong mga tauhan ng kuya mo ay mga manyak!!! Anong oras na ba ??
Drake : alas nuebe na..at gising na ang lahat ng tao dito sa resort, ikaw na lang ang tulog.
Jeralene : Ganoon ba!!
Drake : oo at kasalukuyang sina kuya at ang mga tauhan niya ay nagkakagulo na.
Jeralene : Ha!!! Bakit ??(pagmamaang-maangan niya)
Drake : wala lang, tumayo ka na diyan at mag-aalmusal na tayo.
Jeralene : uuwi na ba tayo?
Drake : ayaw pa ng kuya na umuwi tayo..may problema kasi, kailangang manatili muna tayo dito sa resort.
Jeralene : ganun ba!!( maikling sagot niya)
.
Nilukob ng kaba ang dibdib ni Jera, Hindi na niya malaman ang iisipin. May pakiramdam siya na may iniisip si Drake, habang nakatitig sa mukha niya lalo na sa mga mata niya na parang may inuusig kaya hindi niya maiwasang maging mailap.
.
Drake : oo ganun nga..sumunod ka na sa kusina at kakain na tayo..(at lumabas na ng pinto)
.
Nang tuluyan ng lumabas ng kwarto si Drake ay napabuntong hininga na lang siya.
.
Jeralene : Diyos ko, ano kayang nangyari sa lalake? Hindi kaya nahalata ni drake na lumabas pa ako kagabi, sana po hindi niya ako nahalata..
.
labis siyang nag-aalala sa mga sandaling iyon, takot na takot siya, kapag nagkataon todas na talaga siya.
.
Bumaba na si Jeralene sa kusina. Pagkatapos niyang mag-shower, at natigilan siya at Nagkubli siya sa may pinto at narinig niyang nagtatalo ang magkapatid.
.
Drake : ano ka ba!!! Bakit si Jeralene ang pinagdidiskitahan mo?
George : dahil siya lang ang ibang tao dito sa resort, ang mga tauhan ko ay mga tapat sa akin, at ikaw, imposibleng pakawalan mo yong tarantadong yun!
.
Nanggagalaiti sa galit si Goerge, halos mapatid ang litid sa lakas ng boses.
.
Drake : Imposibleng ang girlfriend ko ang gagawa nun..wala siyang alam. At isa pa wala siyang lakas ng loob para pakawalan ang bihag mo.!
George : eh sino ang pangahas na gagawa nun?
Drake : aba, baka naman meron sa mga tauhan mo na tatanga tanga!! Paano kung isa sa kanila ang may kagagawan nun..
George : anak ng puta naman oo, siguraduhin mo lang na walang kinalaman ang syota mo dito. Kung hindi papalipitin ko ang leeg niyan sa harap mo!!!
.
Napalunok si Jeralene sa mga narinig niya kay george. At napahawak pa siya sa mga leeg niya..sa takot niya ay agad na bumalik ng silid at nagkulong nalang ang dalaga, at hindi nagtagal ay malalakas na katok ang narinig mula sa pinto ng silid niya.
.
Jeralene : sandali!!( binuksan ang pinto, at si drake ang naroon)
Drake : bakit ba hindi ka bumaba?
Jeralene : Ah narinig ko kasi magkausap kayo ng kuya mo. At galit na galit sakin, ano ba yon? Bakit ba siya nagagalit sakin (painosente niyang tanong)
.
Natigilan si Drake, hindi alam ang isasagot.kaya napabuntong hininga nalang ito.
.
Drake : huwag mong pansinin yong baliw na yun..wag kang mag-alala hanggang nandito ako sa tabi mo, walang gagalaw sayo at walang makakapanakit sa iyo.
Jeralene : talaga!!
.
At kinailangan niya na namang magkunwari, yumakap ito kay drake at nagsumiksik sa katawan..
.
Drake : oo halika na nga sa baba at nang makakain na, gutom na ako.
Jeralene : sige.
.
naalis ang konting pangamba sa dibdib ni Jeralene, walang nahalata si drake na siya ang may kagagawan sa pagpapatakas sa bihag ng kapatid nito, at sa pagkakataong iyon ay kailangan niya si Drake, dahil alam niyang hindi hahayaan ni drake na masaktan siya ng kuya nito..At samantala naman, nakahinga ng maluwag si jojo sa pagkakasiksik sa may loob ng closet nang makaalis ang babaeng tumulong na makatakas siya at ang lalakeng nagngangalang Drake. Nang matapos siyang kalagan ng babaeng tumulong sa kanya. Tinangka niyang makalabas ng resort na iyon ngunit hindi niya kaya dahil nanghihina pa ang katawan niya may nagbabantay doon sa gate, at ang isa pa sobrang nagtataasan ang mga pader. Hindi niya kayang akyatin at nangangalog pa ang mga tuhod niya. At saka hindi pa niya kayang lumaban sa mga tauhan ni George, nang nakakubli siya sa mga halamanan ay tinanaw niya kung saan pumasok ang babaeng tumulong sa kanya, at nakita nga niyang pumasok sa resthouse, at ito ay kanyang pinuntahan. Laking pasalamat niya ng nakabukas ang pinto ng kwarto ng babae, at nakita nga niyang nakahiga na duon ang babae at tulog na tulog, at nakita niya ang cabinet at nagpasya siyang duon magtago..kailangan pa niya ang tulong ng babae, para makabawi ng konting lakas ng katawan, at pakiramdam ni Jojo ay ligtas siya pag kasama niya ang babae.
.
Jojo : (sa isip) ano kaya niya ang lalake na yun? At yumakap pa sa kanya, boyfriend niya kaya yun o asawa? Ano niya kaya si George, shit!! Kung malakas lang ako hindi na ako magtatagal pa sa lugar na ito..hindi bale ang mahalaga ligaw ang mga isip nila na nakatakas na ako, sino ba ang mag-iisip na nandito lang pala ako nagtatago sa isang closet!!
.
Pumikit siya at medyo sumakit ang ulo niya. Kailangan niyang makausap ang babae na nagngangalang Jeralene, gutom na gutom siya at uhaw na uhaw. Kailangan niya ng kahit konting pagkain, kailangang makabawi siya ng lakas..at nasa isip pa niya pag nakabawi siya ng lakas, at maghihiganti siya sa ginawa sa kanya ni george, at pagbabayarin niya ng mahal ito. Isinusumpa niya sa sarili niya, at samantala naman nang makatapos ng kumain si Jeralene ay nagpaalam na siya kay drake na pupunta na siya sa silid niya, at naiilang siya sa presensiya ng kuya nito, dahil masama ang tingin nito sa kanya, at sa mga sandaling iyon ay muling nagusap ang magkapatid at ikinatuwa ni drake ang sinabi ni George.
.
Drake : mabuti naman at aalis na kayo (nakangisi niyang sabi)
George : kailangan na naming umalis dito, posible na sa mga sandaling ito ay nakarating na ang tarantadong bihag ko sa kabayanan at baka nakapagsumbong na sa mga pulis.
Drake : sige umalis na kayo at baka pati ako madamay sa kagagawan niyo.
George : eh ikaw akala ko ba uuwi ka na din?
Drake : ngayon pa ba ako uuwi, eh aalis na kayong mga istorbo kayo..ngayong ko lang masosolo ng husto yong girlfriend ko.(nakangisi niyang sabi)
George : shit ka!! Puro na lang babae yang inaatupag mo, buwan buwan nag-uuwi ka ng babae sa condo ko, hinahayaan lang kita..ngayon meron ka nanaman ngayong iba.
Drake : iba ito ngayon, matinong babae ito, hindi katulad ng ibang naging babae ko, madaling bumigay, dito nacha-chalenge ako.
George : alam mo na ngang delikado ang lagay natin, dahil sa nakatakas na bihag..babae yang inaatupag mo.
Drake : ikaw lang, hindi ako kasama dyan..isa pa pakakasalan ko si Jeralene at magiging asawa ko siya.
George : Ewan ko sayo, nagpapaulol ka sa babae na yon mukhang niloloko ka naman nun.
Drake : tumigil ka nga, umalis na nga kayo kung aalis kayo(pagalit niyang sabi)
.
Sa mga sandaling iyon ay nakatanaw si Jeralene sa bintana at nakita niyang umalis na ang grupo ni George, hanggang nasa paligid si George ay hindi siya matatahimik kaya labis niyang ipinagpapasalamat ang pag-alis nito..si Drake na lang ang pinoproblema ng dalaga, solo nila ang resort baka, ipilit na naman ang gusto nitong makuha ang matagal na niyang gusto. Di maalis sa isipan ng dalaga ang pangamba..at natigilan lang siya sa pag-iisip ng may nakarinig siyang kalabog na nanggaling sa loob ng closet..gulat siyang napalingon sa saradong cabinet, inabangan niya uli kung magkakaroon uli ng ingay sa loob nun, ngunit wala na siyang narinig pa, kaya dahan dahan siyang lumapit doon para tingnan ang nasa loob. Dahil hindi siya maaring magkamali, doon naggaling ang ingay na yun,,at hanggang sa makalapit na siya sa cabinet at akmang bubuksan na niya ang cabinet ng biglang may malalakas na katok siyang narinig sa pinto..
.
Jeralene : Ay, Kabayo!!!
Drake : buksan mo tong pinto.
Jeralene : sige. Sandali lang. (Pumunta ng pintuan para buksan)
Drake : umalis na sila kuya, (nakangiti niyang sabi.)
Jeralene : talaga!!
Drake : oo kaya solo natin ang resort ko, halika na,mag jetski tayo.
Jeralene : sige, magpapalit lang ako ng damit.
Drake : Sige hintayin kita Sa baba ha!!
Jeralene : Sige..
.
Nang makaalis si drake doon ay isinara ni Jera ang pinto, para magbihis, Pero muling natuon ang atensiyon sa cabinet, ngunit Hindi na niya tiningnan pa kung ano ang nasa loob nun, kinuha na Lang niya yong mga paper bag na may laman na mga damit na pinamili ni drake sa kaya, at nagpalit na sya ng damit. Naghubad na Sya ng damit Pero nasa isip pa niya ang ingay kanina sa loob ng cabinet, sabi pa niya, siguro masyado Lang siyang naapektuhan ng masyadong pag-iisip kaya kung anoano ang naririnig niya, baka daw guni-guni niya Lang ito..samantalang sa loob ng closet, iniiwasang mapatingin sa siwang ng pinto ng cabinet, hindi naman siya mapansamantalang tao, hindi niya ugaling manilip ng babae, lalo na at ito ang pinagkakautangan niya ng buhay, pero hindi niya mapigil ang sarili na hindi tumingin doon sa siwang ng pinto, nakita niyang nakahubad ang babae, na kasalukuyang nagbibihis ng damit, hindi niya maiwasang humanga dito, napakaganda ng katawan nito lalo na ang maamong mukha nito, at higit sa lahat matapang at may kabaitan..nakapa niya sa damdamin na may panghihinayang dahil mukhang may boyfriend na ito, ay iyon ay si Drake..palabas na sana ang dalaga sa may pinto para puntahan na si Drake ng muling matigilan at napatingin sa cabinet, nagpasya itong tingnan ang loob, kahit may konting kaba ay napagpasyahan niyang tingnan ito saglit bago siya bumaba..at hanggang sa mabuksan niya ito,, at laking gulat niya ng makita ang tinulungan niyang lalaki na naroon sa loob ng cabinet!
.
Itutuloy..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top