Papa jollibee naman po tayo


“oo nga Papa, hindi pa po namin nararanasan mag jollibee ”
“ nakakainggit yung mga ibang bata Papa kasi nagagawa nila lahat ng gusto nila samantala tayo tamang tingin at hiling nalang tayo” ani ng mga anak ko
“ mga anak, kulang kasi yung mga kinikita ni papa sa trabaho sa gastusin palang sa bahay malaki na sana maunawaan nyo si papa” ani ko
“ napatingin ako sa mga anak ko kita ko sa mga mata nila ang lungkot”
“100 pesos lang ang pera ko kaya naisip ko na kumain nalang kami sa tusok tusok at magpicture nalang kami sa may tapat ng jollibee”
“mga anak ok lang ba kung lumabas nalang tayo tapos kain nalang tayo sa tusok tusok?” ani ko
“sige po papa yun nalang basta sakin kwek kwek”
“sakin Papa fish ball tapos isaw”
“sakin naman po Papa ihaw ” ani ng mga anak ko
“ pumunta na kami sa may labasan at Bumili na kami sa may Tusok tusok ”
“mga anak picture kayo don oh” turo ko sa may jollibee
“sige po papa” ani ng anak ko
“pagtapos namin kumain pumunta na kami sa may jollibee at pinicturan ko ang mga anak ko”
“ dungis nila no?” ani ng babae
“ ganyan talaga kapag sa squatter madudungis at mababaho” ani naman ng isa
“ niyaya ko na lang ang mga anak ko dahil naririnig din nila yung sinasabi ng dalawang...


babae”
“habang naglalakad kami nagtanong yung anak ko”
“Papa Sarap po siguro maging Mayaman mo? ”tanong nito
“masarap maging mayaman anak kapag nagtiyaga at nagsikap ka” ani ko
“Papa hindi ka po ba naiinggit sa mayayaman kasi may maganda silang bahay at maraming pera nakakapunta sila sa mga gusto nilang puntahan nabibili nila lahat ng gusto nila” ani nito
“ anak bago sila naging Mayaman napagdaanan nila yung hirap katulad sa atin nagsikap sila sa pag aaral at nakahanap ng magandang trabaho kaya Yumaman sila” ani ko
“ kaya mga anak kapag nakapagtapos na kayo at nagkaroon na ng magandang buhay wag nyo kakalimutan na magpasalamat lagi sa panginoon at lagi nyo padin isipin na nang galing kayo sa mababa bago kayo umangat ” ani ko
“ kaya kayo mag Aral kayo ng mabuti para makuha nyo yung mga gusto nyo hanggat kaya ko kayong pag aralin mag aral kayo kasi di naman para sakin tong ginagawa ko para sa inyo, para balang araw makamit nyo yung mga gusto nyo” ani ko
“ walang masama sa pagiging mahirap kasi lahat ng mayaman nanggaling sa mababa bago umangat ”
“ kapag nagkaroon na ng magandang buhay wala tayong karapatan na mang maliit ng kapwa tao natin o manapak dahil sa estado ng buhay nila ngayon”
“sikap at tiyaga ang kasagutan sa hirap ng buhay”
✍️Seia Arantxa
work of fiction
visit my timeline for more stories






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top