3am


Genre: Horror
Author: Mia Mae Cupadill
“gising kapa? mag aalastres na” tanong ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
“matutulog napo ma” nakarating na pala si mama di manlang ako ininform.
“ma nanjan na pala kayo di nyo manlang ako ininform” bumangon ako sa higaan at tinignan si mama kung nasa labas pa sya ng kwarto. pero wala na huh? ang bilis naman ni mama.
Bahala nanga.
2:36 na ng madaling araw di parin ako nakakatulog nag effb lang naman ako pag naboboring mag yu-youtube lang hanggang sa bumukas yung kwarto ko ng mahinahon pero di naman ako nakaka ramdam ng takot kase baka si mama lang yun kaya tumayo naman ako at lumabas pero ni anino ni mama wala.
Kaya naisipan kong bumalik sa higaan at nag youtube.
Habang nag yu-youtube ako ng may ads nagulat nalang ako isang babaeng nakaputi at nakaupo sa lamesa at kumakain diko mapigilan ang magtaka sa ads nayun kung anong meron dun haha yun lang? kaya diko nalang pinansin pero almost 15seconds ganon lang kaya iniskip kona lang hanggang sa bumukas ulit yung pintuan ng kwarto ko this time kinikilabutan nako kaya nagmadali naman ako lumabas at iniwan ang phone kona naka play sa kama.
Kaya naisipan kong pumasok sa...


kwarto ni mama pero wala sya doon kaya bumaba naman ako para hanapin sya hanggang sa
“ma andito kalang pala ano po yang kinakain nyo?” tanong ko kay mama habang paupo sa harapan nya.
Nagtaka naman ako kung bakit di sya sumasagot kaya hinayaan kona lang at sinabayan si mama na kumain
“its 3am” nagtaka naman ako kung bakit nabanggit ni mama ang oras.
“ahm ganun po ba ma? sige po matutulog napo ako” hindi ko alam kung bakit ganon yung kinikilos ni mama. aakyat na sana ako ng mag ring yung phone ko kaya dali dali naman akong Pumunta sa kwarto at kinuha yung phone ko pero laking gulat ko ng si mama ang tumatawag kaya sa puntong ito kinakabahan nako ng sobra.
“h-hello m-ma” nanginginig kong tanong pero nagulat nalang ako ng…
“yes, anak its me mama bukas pa ako makakarating jan ingatan mo sarili mo ha? sorry kung dimuna makakauwi ang mama okay? sige goodnight iloveyou”.
halos di ako makagalaw ng sinabi iyon ni mama so all this time pala hindi si mama ang kausap at nakasabay ko kanina pa.
sino yung kausap ko?
Nagulat nalang ako ng bumukas ang pinto at iniluwa ang nag papanggap na si mama at sabay sabing
“its 3am”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top