“Paano mo ako nahanap? Sinong may sabi sa iyong nandito ako? Sinong may sabi sa iyong puntahan mo ako dito?” sunod-sunod na tanong nito nang makita ko siyang lumabas galing sa loob ng drug store.
“Walang may sabi, ‘di ba? Sinabi ko na sa ‘yo na magaling ako maghanap. Nakalimutan mo ata. Mr. Raizoñia na itong babaeng nasa harap mo ngayon, ay isang agent.” Pag-paalala ko pa sa kaniya. Malamig pa sa yelo ang titig nitong pinukaw sa akin. Nasasaktan ako.
“Hindi ko nakakalimutan ‘yon. Ms. Agent Ferrer. Ang kalimutan ko lang ay ang ikaw mismo at ang pagmamahal ko sa ‘yo. Kaya p’wede ba? Tigilan mo na ako. At kalimutan mo na ako,” wika nitong dahilan para bumagsak bigla ang mga luha ko. Akala ko pag makita ko siya uli hindi ako masasaktan, mali pala ako. Ang sakit pa pala. Ang sakit pala.
‘Move on at kalimutan mo na siya.’ Nakakatawa ang salitang iyan minsan. Madaling sabihin, mahirap gawin. Bakit? Ganoon ba kadali kalimutan ang isang tao? Ang nararamdaman at ang pagmamahal mo para sa kaniya? Ang mga alala na binuo n’yo parehong dalawa? Sabihin n’yo sa akin paano ko siya madaling makalimutan sa anim na taon na pinagsasamahan namin sa isang kisap mata lang.
“Bakit ako ba? Doctor, Raizoñia, nakalimutan mo na? Hindi mo na ba ako mahal? Magsabi ka nang totoo. Tumingin ka sa mga mata ko ng deretso. Dahil ako, hindi pa kita nakalimutan. Mahal pa kita,” naiyak ay aniya ko sa kaniya. Sa totoo lang sobrang lakas ko. No’ng hiniwalayan niya ako parang wala lang sa akin, parang hindi ako nasaktan kasi hindi ako umiyak pero lahat ng oras at atensyon ko binubuhos ko sa trabaho. Ni hindi ko tuloy naalagaan ang sarili ko.
“Ms, agent Ferrer. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na sa ‘yo. Kalimutan mo na ako, h’wag mo na akong hanapin at habulin, humanap ka nang iba. May stage four cancer ako. Malala na. Kunti na lang ang oras ko sa mundong ito. Hindi na kita makakasama at maalagaan pa at mas lalong mababantayan.” Hindi niya rin napigilan ang emosyon niya napaluha ito. Tama, ito ang dahilan niya kaya niya ako hiniwalayan. Hinanap ko siya at hinabol kaya lang hindi ko siya naabutan. Sobrang hirap at sobrang sakit.
“Sasamahan kita, aalagaan kita, babantayan kita. Raizoñia, mahal kita. Gusto ko makasama ka kahit sa maikling panahon na lang. Pero, bakit ba pinagkakaitan mo ako. Bakit?” Napaluhod ako sa kahinaaang nararamdaman ko. Sa oras na ito...