TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 13


TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 13
After I say those words, tinignan niya ako nang magkasalubong ang kanyang kilay. Umigting ang panga niya, saka mabilis na lumapit sa kinatatayuan ko.
I slightly raised my head to met his pitch black eyes.
That’s it. Ang huling braha, kahit hindi tiyak na manalo dahil hindi pinag-isipang mabuti, dahil ibinato ko na lang ito nang hindi man lang pinag-isipan… magtataya ako kahit walang kasiguraduhang sasagutin ang tanong ko.
“Why you asked that?” I didn’t found any strange sounds from his voice. Nanatili pa rin ang pagtitig sa’kin. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya dahil mukhang napako ang mata ko sa kanya.
Because we’re already here, and talked about what’s going on between us. I should asked him now. Madiin kong kinagat ang pang-ibaba kong labi.
“Lahat naman ng manliligaw tinatanong ‘yan.” Dahan-dahan kong bulalas kasabay ng pagbaba ng aking paningin papunta sa sahig.
Sa lahat ng napanuod kong mga pelikula, tinatanong ‘yun! Kay Kuya mismo din sa mga nililigawan niya!
Dapat lang ‘di ba?! I can’t be his suitor forever! I deserve better than that!
“Sasagutin mo ba ako?” tanong ko pa.
“Hindi lahat ng manliligaw sinasagot.” he playfully fired back.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Dahil sa sinabi niya, nawalan ako ng pag-asa na maging kami.
“A-no? You mean…. I’m one of them?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“What do you think?”
I groaned. “Malay ko ba diyan sa tinatakbo ng isip mo. I really don’t know.” wika ko.
Pinagloloko niya ba ako?
Tumalikod siya. Hinabol ko siya ng tingin. Umupo siya sa monoblock. Pinatong niya ang kanyang dalawang siko sa magkabilang tuhod niya, saka ibinalik ulit sa’kin ang titig.
Kung may special feelings man ako kay Travis, ‘yun ay hindi admiration kundi love.
“So, Ano na? Kailan?” pangungulit ko
His jaw tighten. Tila pinipigilan ang sariling hindi sigawan ako dahil sa kakulitan ko.
This time, tumayo na naman siya at tinungo papunta sa likod ng kanilang bahay.
Sa kagustuhang maabot siya sa paglalakad, tumama ang mukha ko sa...


malapad at matigas niyang likod.
Lumabi ako, “I’m asking you. Kailan nga?” may pagsusumamo sa’king boses.
Handa akong marinig kung ano man ang magiging sagot niya. Kahit matagal pa… hindi ako titigil.
Ika ko nga… hindi nakakapagod magmahal.
Gaano man katagal, maghihintay ako.
Humarap siya sa’kin, samantalang nakatingala ako para titigan siya.
He gave me menacing look and said, “Hindi ko alam, Candace. Stop asking me that.”
He left me with my mouth parted.
Ilang sandali akong nakatayo. Atleast, he didn’t say I’ll stop courting him, again.
“Bakit mo ako nililigawan?” he said huskily.
Matagal bago ako nakasagot. “D-dahil gusto kita.” I stammered. Nanginginig ang labi ko.
Gusto ko siya. Iyon ang nararamdaman ko. Hindi ako nagsisinungaling. Para saan pa para magsinungaling ako? Kaya nga niligawan ko siya dahil gusto ko siya.
Courting is not a game… hindi laruan ang feelings ng isang tao.
Mariin siyang pumikit.
“Hindi ka ba napapagod? Halos ipagtulakan kita palayo.” mahinang sabi niya, na umabot naman sa aking pandinig.
Ngumiti ako. Sa isip ko, inaaalala niya din pala ang nararamdaman ko tuwing ipagtulakan ako mula sa kanya.
“Kahit kailan hindi nakakapagod magmahal.” kibit balikat kong tugon.
“Ang masaktan siguro.” pahabol kong sinabi.
He chuckled. “Now, We’re talking about love, huh?”
Ngumuso ako. “Totoo ‘yun.”
Tumikhim siya at umayos ng upo.
“I-i’m sorry.” biglang sabi niya. Na ikinagulat ko ng sobra.
“Why are you saying sorry? Hindi ko naman sinabing nasasaktan ako.” I gaved him my sweetest smile.
Nakatitig lang siya sa’kin. Na-concious tuloy ako sa itsura ko. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
I don’t know what to say. Hindi makapagsalita at hindi makagalaw, nakatitig lang ako sa kanya at ganoon din siya sa’kin.
Hindi ko namalayan sobrang lapit na pala ng mukha niya sa’kin.
“I’m already there, Candace. The day when I saw you.” He said softly.
Naguluhan ako sa sinabi niya.
Nagkasalubong ang kilay ko. Pilit iniintindi ang mga binitiwan niyang salita.
My brain doesn’t work because his face just an inch away to mine.
Ano’ng ibig niyang sabihin?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top