Unwanted love Kabanata 6


Unwanted love
Kabanata 6
Medyo matagal rin kaming nag kukuwentuhan ni Henzo about sa school after graduation hindi niya na inungkat pa ang sekreto ko mabuti iyon dahil hindi ako komportable sa ganun usapin.
“So you want to be a teacher, huh bagay nga ang kurso na kinuha mo sa iyo.” Saad ni Henzo sa akin.
“Sayo rin naman Engineer Vicente.” Pag bibiro na kantyaw ko sa kanya dahil sigurado naman makakagraduate ito baka nga with honor pa dahil kilalang matalino ito.
Hindi ko namalayan ang pag lipas ng oras medyo matagal rin kaming nag kukuwentuhan siguro ay pasado 11:30 rinig ko na rin ang mga kotse na nag aalisan.
“Hija! Naku pasensya na sobrang dami ginagawa sa loob hindi ko hawak ang telepeno ko.” Saad ni Yaya Conny.
Napatingin sa amin si Henzo puno pag tataka ang mukha nito siguro’y nag tataka ito dahil sa mukhang may idea na rin siya sa buong nangyayari sa bahay at pag trato sa akin.
“Sir Vincente na rito pala kayo kanina pa po kayo hinahanap ni Governor Pablo.” Saad ni Yaya Conny at nilagyan ng balabal ang akin ulo.
“Mauna na ako Henzo.” Ngumiti ako sa kanya at nag paalam pag pasok ko ay mga maids na lang ang nasa loob at mag aayos sa buuong bahay kahit disoras na nang gabi dahil ayaw ni Mommy magulo ang Mansion.
Ngumiti ito sa akin at nag paalam na rin. Pag pasok ko sa kuwarto ay kaagad kong hinubad ang uniform ko upang makapaligo tanaw ko sa bintana ang buong harap at pag liligpit ng mga tao pero nakuha ang atensyon ko nag makita ko ang apat na kalalakihan isa na dun si Kuya Khairo at Henzo mag kakaharap ang mga ito at nag tatawanan.
Matagal ako nakatulala sa bintana kita ko ang gwapong mukha ni Kuya Khairo hindi ko mapigilan lalong mahulog sa kanya hindi dahil sa gwapo ito mabait rin siya base sa mga kuwento nila Mommy at Ate Hanie.
Pero nawala ang magandang pag ngiti ko ng mag paalam ito at gawaran ng halik si Ate napapikit na lamang ako dahil parang may gumuhit sa akin dibdib.
Maaga akong nagising kahit pa medyo puyat naligo muna ako bago ako lumabas para mag breakfast at sumabay n kina Mommy, naabutan ko silang masayang kumakain tila ba isa lang ako multo na hindi nila napansin na naupo sa pinakadulo ng malaking dinning table.
kaagad ako nilagyan ng pagkain ni Yaya Conny at nag salin sa baso ng Orange juice napatingin sa akin ang lahat ng siguro’y ngayon lang nila napansin na naupo na ako.
“I don’t know if it’s right to let you into that showbiz Hazel mas mabuti na mag focus kana lang sa trabaho.” Saad ni Mommy habang iniinom ang wine na hawak nito.
“Yes, Mommy I know, that I’m not serious about that.” Maikling tugon nito pero bakas ang mukha ang sibangot.
“For up coming wedding i want to be glamorous everyone. I want to announce it in every tabloid that a Guevara will marry the rich Fuentes.” Puno na pag mamalaki ni Mommy sa hapag.
“Mas mabuti Honey nagawain pribado ang kasal at huwag na tayong mag pa Presscon dahil ayaw ng mga Fuentes pati ang Media ay pakialam pa...


sa tahimik na kasalan na.” Saad ni Daddy habang hawak ang tablet at nag babasa ng News.
“Dad, gusto ko malaman ng lahat na ikakasal ako kay Khairo hindi ba’t dapat ay hindi natin palagpasin ang balita na ito?” Saad ni Ate Hanie.
“Hanie it’s not just about the News it’s a wedding that should be just private kaylangan natin prespetuhin ang gusto ng Fuentes.” Saad ni Daddy sa dalawa.
Tumahimik ang dalawa at nag patuloy lang sa pag uusap tungkol sa nalalapit na kasalan mabilis lumipas ang araw at buwan malapit na ako graduate pero mukhang wala silang interes sa bagay na ito dahil mas pinag tutuonan nila ng pansin lalo ang kasal.
3 months later..
“Ayusin ko ng kaonti yung Makeup mo Hope.” Saad ni Naomi sa akin suot namin ang Academic dress dahil ngayon araw ang graduation.
Medyo nagulo ang makeup ko dahil tagal ang pag sisimula gabi ginanap nag Graduation namin halos lahat kaming grad- graduate ay puno nang saya at pag kagalak dahil sawakas ay ito na lahat ng hirap at puyat ay mapapalitan na ng diploma na halos lahat ay ninanais.
Graduate ako with honors, hindi alam iyon ni Daddy at Mommy hindi ko na rin sinabi dahil hindi rin naman sila pupunta kahit isang beses ay hindi pa iyon nag pupunta sa school ko kahit pa importente laging si Yaya Conny lang ang nasa tabi ko.
Matapos kong matalumpati ay masigabong palakpakan ang isinukli sa akin kita ko ang pagigilid ng luha ni Yaya Conny ng isabit sa akin ang akin medal hindi ko mapigilan hindi maluha hindi dahil na lulungkot ako kung di dahil sobrang saya ko sa simula’t sapol ay siya lagi ang nasatabi kaya this time gusto ko i-alay sa kanyang ang lahat ng ito pag papasalamat sa lahat ng sakripisyo niya sa akin kahit pa hindi niya naman ako totoong anak ay siya ang tumayong ikawalang ina ko sa mahabang panahon.
“Napakasaya ko anak sawakas ay naka graduate kana.” Saad ni Yaya Conny sa akin. Halos maiyak ako sa Stage.
“S-salamat sa l-lahat Nanay Conny hindi ko alam kung paano susuklian ang lahat ng ginagawa mo sa akin maraming salamat dahil lagi kang nanjan sa tuwing pakiramdam ko ay ang liit liit na ng mundo para sakin sa tuwing pakiramdam ko ay mag isa na lang ako lagi kang nanjan para ipaalala sa akin hindi ako nag iisa.” Halos madurog ang boses ko na saad sa kanya halos umiyak na ako ng tuluyan ng yakapin ako nito ng mahigpit.
Nang matapos ang graduation nag pasiya na si Yaya Conny na bumalik ng masion nag paiwan muna ako dahil ang balak ng mga kabatch mates namin ay mag karoon ng kaonti kasiyahan dahil naka graduate naman na daw kami ay samantalahin na namin ang gabing ito.
Suot ko ang isang Lace-up slip Dress na kulay black nag palit muna kami sa bahay nila Naomi bago kami nag puntanng Nightclub papuntang Capital.
“Sobrang Sexy mo naman Hope!” Saad ni Ella sa akin habang inaayos nito ng spaghetti straps niya ang morena kulay nito ang lalong nag papaganda sa kanya.
“Uuwi lang tayong lasing ah hindi buntis!” Pag bibiro ni Naoni ng sumakay kami sa sasakyan na ang president namin ang may ari.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top