𝗜𝗿𝗲𝘀𝗵 𝗣𝗢𝗩
Tinampal tampal ko pa ang noo ko matapos malaman na siya pala si Mr. Delavuega. Nang biglang mag ring ang aking telepono na ikinagulat ko. Muntik pa akong mapatalon matapos marinig iyon.
“Hellow,” sagot ko mula sa kabilang linya.
“Ms. Dimatibag. Will you please come in to my office right now?” sagot ni Boss.
“Patay, ito na nga ba sinasabi ko,” mahina kong sabi.
“What did you say?” mukhang narinig ata ni Boss.
“Ahhh Sir, coming na po,” sagot ko saka marahang ibinaba ang telepono.
Inayos ko ang sarili ko saka pina seryuso ang mukha. Pumasok na ako sa office saka ngumiti ng marahan sa Boss ko. Naka di kuatro pa ang pagkakaupo nito at medyo pinapaikot ikot nito ang kaniyang upuan. Habang nilalaro laro ang ballpen sa kaniyang daliri.
“Did the orientator miss to tell you that you should make a black coffee every morning and even lunch?” seryusong tanong nito sa akin.
“Well Sir. As far as I remember, ikaw na daw po mag uutos nun sa akin. May dalawa ka daw kasing gusto so, tell me first before I do,” magalang kong sabi.
Tiningnan niya ako sa malamlam na paraan.
“Black coffee. Mas matapang pa sayo. Within 3 mins. kailangan andito na,” utos niya sa akin. Agad akong tumalima dahil Boss na talaga ang kaharap ko. Sa pagmamadali ko ay nakalimutan ko ng mag apologize.
Lumabas ako at nagtimpla ng coffee. Sabi niya matapang. Mas matapang pa sa akin. Kung kaya’t di ko na nilagyan ng asukal. Bitter ako.
Nang magbalik ako ay inilapag ko na sa harapan niya. Nakatingin ito sa hawak niyang paper saka dinampot ang cup. Nang inumin niya ito ay walang anu ano’y naibuga niya.
“What the hell is this? Ang pait sobra!” reklamo nito sa akin na nagsalubong na ang kaniyang kilay.
“Sabi mo, mas matapang pa sa akin. Well di lang matapang. Bitter pa! Next time kasi Sir, wag niyong ikumpara sa tao ang pinapagawa ninyo,” sagot ko dito.
Natahimik siya at halatang pigil ang sarili na sumigaw.
“Magtimpla ka ulit ng black coffee. Tapos linisan mo ito, maliwanag!” mariin niyang utos.
Ang cool ni Sir kasi kahit galit ay pigil pa rin ang hininga para lang hindi magwala. Parang lion na tahimik lang pero napaka bangis.
“Opo Sir,” saka ulit ako nagtimpla. Inayos ko ang pagtitimpla ko. Tinikman ko pa ito. Nang okay na ang lahat ay bumalik ako. Pagpasok ko ay kunot ang noo niya.
“Ate, punasan niyo po iyang lamesa ni Sir,” utos ko sa janitress na kasama ko saka inilapag ang kape niya. Bumaling ako kay Sir.
“Sir, iusog po muna ninyo iyang upuan ninyo, nang malinis ni ate itong desk ninyo,”pakiusap ko kay Boss.
Napamaang lang si Sir saka tumayo. Inantay muna niya na matapos ang janitress bago ako hinarap.
“Ms. Dimatibag, I told you to clean up on your own. At nagdala ka pa talaga ng janitress na maglilinis dito! ,” sabi niya sa akin na mariing nakatitig sa mga mata ko.
“Well Sir, I’m here as your secretary and not as your personal maid. And of course, I made you coffee. Do I need to cut my body in order to do a multi task? Multi task at one at a time in a different place?” taas noo kong sagot.
“And by the way Sir. Sorry nga pala sa nangyari sa elevator,” dagdag ko pa saka kinuha ang kape at iniabot sa kaniya.
“Here, inumin niyo muna po ito. That will turn you negative vibes into positive vibes. Kung wala na po kayong ipag uutos ay maaari na po ba akong umalis?”
Kinampay nalang niya ang kamay na hudyat na lumabas na ako. Bumuntong hininga ito saka tumalikod at ininom ang kape.
Napangiti ako,” Have a nice day Sir.”
...