This time it is right Chapter 2


This time it is right
by:zamira Chin
Chapter 2
Ng makalapit sila sa mga kaibigan agad nagtanong ang isa sa mga kaibigan nilang si Vince kay trisha
Ohh trisha ba’t ngayon lang kayo
“Ahh!! kasi sinundo ko pa ka si Gabbi
“ahhh buti napilit mong sumama si Gabbi
Sus!! ako pa.. saad ni trisha ngumiti na lang si gabbi na parang matatawa sa sinabi ng kaibigan
Matagal ng magkaibigan si trisha at gabbi simula highschool haggang sa makapagtrabaho ay magkasama na sila kaya parang magkapatid narin ang turing nila sa isa’t isa kaya ganon na lamang kasigurado si trisha na maisasama nya si gabbi dahil alam nya na hindi sya nito matatanggihan.
Sya nga pala Girlfriend ko si Christine sabay akbay sa girlfriend at si tristan kaibigan ko.
Naglahad ng kamay si christine sumunod naman si tristan sa dalawang magkaibigan tinaggap naman nila.
Ng maghawak ang kamay ni tristan at gabbi nakatingin lang si...


tristan kay gabbi
Habang nakatingin eto sa kanya naramdaman ni gabbi na humigpit ang pagkakahawak at pinisil pisil nito ang kamay nya agad nya namang eto hinila ngumiti naman si tristan na may kapilyohan na para bang ng aasar..
Gwapo ito at matipuno ang pangangatawan.
“Asan nga pala si france?? agad nyang Tanong sa kaibigan para makaiwas sa tingin ng lalaki na kanina pa nakatingin sa kanya at para hindi rin eto mahalata ng mga kaibigan.
Baka pumunta ng banyo sagot ni christine “ahhh yon lang ang tanging nasabi nya at umupo sa tabi ni trisha
Ng dumating si france agad nya itong niyakap at kinimusta dahil sa tagal nila hindi nagkita.
Hindi nila namalayan dapit hapon na pala dahil sa subrang pagkekwentuhan
Nagpaalam muna si Gabbi sa mga kaibigan na aayusin muna nya ang kwartong matutulugan at ang mga gamit nilang dala nakiusap sya kay trisha na samahan sya.
Enjoy reading po😍






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top