STOLEN #13


STOLEN
#13
Oo nga’t nagpapanggap lang sila sa harap ng kanyang Lola at Lolo sa hindi niya alam sa ano’ng dahilan pero hindi niya mapagkailang sa bawat haplos, titig, at kinikilos ng binata ay lumalakas ang kabog ng kanyang puso.
Paglipas ng araw ay unti-unti niyang nakikita ang isa pang katauhan ni Haje. Inaamin niyang mas gusto niya ang version ito ni Haje.
Sweet and gentleman.
Mali…. mali itong nararamdaman niya. She has a boyfriend for pete’s sake!
Kailangan na niyang makatakas sa kamay ni Haje bago pa sumiklab ang nararamdaman niya sa binata.
Hindi pwede itong nararamdaman niya…
Ngunit hindi niya kayang turuan ang puso niya. Kagaya ngayon, sobrang lakas ng kabog ng puso niya dahil sa titig sa kanya ng binata habang nagtatanggal siya ng kanyang shorts. Nandito sila sa Falls, ito iyong naririnig niyang bagsak ng tubig, hindi kalayuan sa bahay.
Nasapian ata ulit ng kabaitan si Haje at niyaya siyang maligo dito sa Falls. No’ng nakaraan kasi hindi siya hinayaan mag-isa pumunta.
Naghilom na rin ang sugat nito sa balikat.
“Eyes up here, Defuente.” Threia said. Nakatitig kasi sa katawan niya ang binata.
Nauna nang lumusong sa tubig si Haje, wearing his branded boxer. Samantalang siya, kailangan pa niyang magtanggal ng t-shirt at short, ayaw naman niyang umuwing basang sisiw sa bahay.
“Damn, woman.” narinig niyang bulong ni Haje nang matanggal na niya ng tuluyan ang kanyang t-shirt.
Nahihiya tuloy siya.
Noon kapag may vacation sila ni Catya sa isang beach ay confident naman siyang magsuot ng ganito kaiksi. Pero ngayon na si Haje ang kasama niya, gusto niyang kumaripas ng takbo pabalik sa bahay.
Magkaparehas na itim ang suot niyang bikini. Tinanggal niya ang ponytail ng kanyang buhok at hinayaan itong bumagsak sa balikat niya.
She looked at Haje again.
Napalunok siya ng makitang malalim ang tingin niya sa kanya.
“What are you waiting for? Come and swim with me, love.” He said huskily.
She bit her lower lip. Another endearment again from Haje, huh.
Why is her heart beating so fast?
“Lumapit ka. Hindi ako nangangagat, Threia.” Natatatawang sabi ni Haje nang makita siyang ibang dako siya lumangoy.
Ayaw niya nga baka ano pa ang gawin sa kanya ng binata. She’s not comfortable with him. Sa titig niya palang sa kanya kanina para na siyang kakainin ng buhay.
“Ayoko. Diyan ka na.”
Hindi siya pinakinggan ni Haje bagkus ay siya na ang mismong lumapit kay Threia.
“Bakit ang hilig mong suwayin ang mga gusto ko?”
“Gusto mo ‘yon. Hindi ako.”
Tumili siya nang yakapin siya ni Haje mula sa likod. She felt his hand on her stomach. “Why so stubborn, love?” Haje whispered.
Pumiglas siya ngunit hindi rin nakalaya sa yakap ng binata. “Don’t call me that! At pwede ba huwag mo akong hawakan! Walang nakamasid sa atin dito. Don’t tell me we still need to pretend without the presence of your grandparents?”
“Hindi ka marunong makinig. We must do something about that, love.”
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Kapag sinuway mo ang gusto ko. I’ll kiss you.”
“Nababaliw ka na ata!” nasabi na lang niya.
Naestatwa siya nung maramdaman niya ang labi ni Haje sa batok niya.
“Yes. I’m crazy, Threia. Crazy in love-”
“Stop it, Haje. I’m here to swim, hindi para makipag-away sa’yo.” She immediately cut him off. Ayaw niyang marinig ang sunod niyang sasabihin.
Mahirap na. Ngayo’y sobrang kabog ng puso niya. Hindi pwede ‘to…..
SA KALAGITNAAN ng gabi....


Hindi siya makatulog. Kanina pa siya paiba-iba ng posisyon sa kama.
Wala ng araw nang makabalik sila ni Haje sa bahay. She enjoyed the falls kahit pa puro sila bangayan kanina ni Haje. Pagod ang katawan niya sa kalalangoy, pero hindi pa rin siya hinihila ng antok.
Sa huli napagdesisyunan niyang bumaba para magtimpla ng gatas. Ganoon kasi siya sa kanilang mansyon, lagi siyang tinitimplahan ng kanyang yaya bago matulog.
Inayos niya muna ang kanyang buhok bago buksan ang pintuan.
Kumunot ang kanyang noo nang makitang nakabukas ang pintuan sa kwarto ni Haje na katabi lang ng kwarto niya.
Sumilip siya sa loob. Walang tao.
So she decided to go inside. Her heart started to beating loudly. Feeling niya lalabas na ito sa ribcage niya.
Napunta ang tingin niya sa kama. Maayos pa rin ito, walang bakas na nahiga ang binata. Then her eyes widened upon seeing his cellphone.
Lumapit siya sa mesa’ng katabi ng kama.
Ito na ang pagkakataon para humingi ng tulong sa Daddy niya. Nanginginig ang kamay niyang inabot ang cellphone.
She dialled her father’s number. Tumalon sa tuwa ang puso niya nang mag-ring ito.
But someone grabbed the cellphone from her hand.
“The hell are you doing, Threia?!” Haje’s voice bombarded the whole room.
Pumikit siya ng mariin nang hawakan siya ni Haje sa magkabilang braso.
“You planned to escape from me again, huh. Kaninong numero ang tinawagan mo? Tell me, damn it!”
Dumaing siya nung humigpit ang hawak sa kanya ni Haje. Galit na galit ito.
“N-nasasaktan ako,”
“Talagang masasaktan ka kapag hindi mo ako sinunod! Tell me, kaninong numero ang tinawagan mo? Is it your fucking boyfriend?”
Umiling si Threia.
“Fucking Henderson?” malutong na mura ni Haje.
Napapikit si Threia nang malasahan niya sa boses ni Haje ang pagkasuklam nang banggitin nito ang ama niya.
“I want to…. go home…” Humikbi si Threia.
“No.” matigas na ani ni Haje. “Dito ka lang.”
Umangat ang tingin niya kay Haje.
“Bakit, Haje? Why I am here? Anong kasalanan ng Daddy ko sa’yo? Please, tell me.”
“Gusto mong malaman kung gaano kasama ‘yang ama mo, huh?”
“Hindi masama ang Daddy ko. Maybe you just mistaken, Haje.” pagtatanggol niya sa ama.
Higit kanino man ay siya lang ang tanging nakakakilala sa ama niya. Her father is a good man. Hindi ito gagawa ng labag sa labas.
“My mother was shot three times. The other day, I saw my father hang himself in their room.” Nahihirapan sabi ni Haje with his bloodshot eyes.
Natutop niya ang kanyang bibig sa nalaman.
“Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko dahil wala ka sa kinatatayuan ko no’n. Seeing my parents lifeless body para na rin akong pinapatay sa sakit, Threia.”
“I-im so sorry, Haje… I d-didn’t know…” nauutal niyang sabi sa gitna ng kanyang hikbi.
Gusto niyang yakapin ang binata dahil nakikita niyang puno ng sakit at pangungulila ang lumalarawan sa mata nito.
“I saw my father’s letter, Threia. He wrote it before he killed himself. Pinatay niya ang sarili niya dahil gusto niyang samahan ang Mama sa kabilang buhay. Pinatay niya ang sarili niya nang hindi manlang nabigyang hustisya ang pagkamatay ni Mama. Namatay ang mga magulang ko dahil sa kagagawan ni Henderson Strevillo!”
Tila nagunaw ang mundo niya. Hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Haje. Binuka niya ang bibig para magsalita ngunit walang lumabas ni isang salita. Patuloy pa rin umaagos ang luha sa magkabila niyang pisngi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top