When a Single Mom meet the HOT CEO Chapter 11


Kate’s POV:
Maaga akong nagising ngayon. Dahil kailangan kong ipakita kay David na kaya kong gampanan ang pagiging Secretary niya sa kompanya.
Ayoko naman na madisappoint siya lalo na malaki ang tiwala nito sa akin.
Yung tungkol pala sa ex-girlfriend niya na kamukha ko, pinilit kong isantabi muna ‘yon.
It’s not a big deal anymore. Kasi past na siya ng binata.
At naisip ko na wala namang namamagitan sa amin ni David, kaya wala akong dapat na ipangamba o ikaselos.
“Goodmorning son!”, masiglang bati ko nang bumaba ang aking anak.
Halata mo sa mata nito na medyo antok pa siya.
“Oh dahan-dahan, baka mahulog ka.”, pag-aalalay ko sa bata.
“Goodmorning po mama.”, ngiting sambit niya at niyakap ako.
Malambing naman talaga si Michael, ‘yon nga lang, kapag bagong gising siya.
Kaya sa tuwing ganito ang nangyayari, kahit papano buo na ang araw ko.
“Ma’am, nakahanda na po ang almusal. Tatawagin ko na si Sir para sabay-sabay na kayong kumain.”, saad ng yaya sa akin.
“Ay ako na lang po siguro ang tatawag sa kanya. Mabuti pa, mag-almusal na rin po kayo.”, tanging sabi ko kay Manang para pigilan siya.
Alam ko na mahirap ang maging kasambahay, kaya gusto ko, mabawasan ang gawain nila.
“Pero po Ma’am, si Sir, mahirap po s’yang gisingin kaya baka–“,
“Ayos lang po. I can do this.”, muli kong wika nang akma s’yang mag-aayaw.
Kaya tumango na lamang ito, simbolo na ako na ang papasok sa kwarto ni David.
So agad akong tumungo roon at ilang katok din ang ginawa ko, pero hindi pa rin niya binubuksan.
“David, gising na. May trabaho pa tayo, ohh.”, pagsisigaw ko mula sa labas.
But still, no response.
“Hoy Sir, first day ko ngayon sa pagiging secretary, kaya ‘wag mo ng hadlangan pa!”, bigkas ko ulit.
Pero wala pa ring nangyari.
“Maganda siguro po Ma’am, kung pasukin niyo na lang siya. Eto po ang susi. Malapit na kasi mag-seven o’clock, baka ma-late siya sa kompanya.”, sulpot na sabi ng maid at dahan-dahan n’yang nilahad ang susi.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kinuha ko na ‘yon, kasabay ng pagbukas ko nito.
“Salamat.”, turan ko nang ibalik ko sa dalaga...


ang susi.
And here I am, pahakbang na ako patungo sa kama kung saan tulog mantika ang mokong.
Nakadapa ito, kaya makikita ko agad ang tangos ng ilong niya.
“Sir David, goodmorning! Time check, 6:46 a.m na po!”, I said in a nice way.
Malumbay na boses ang ginamit ko para hindi naman siya magalit.
Pero hindi ito nagising at humihilik pa rin.
Kaya inis na akong napa-upo sa tabi ng binata at kinuha ang unan para ipukpok ito ulo niya.
“Hindi ka pa talaga gigising ha?”, pagbabanta ko sa lalaki nang tingnan ko siya.
“Isa.”, pagbibilang ko rito.
“Hays. Ang gwapo sana, pero parang baboy kapag natutulog.”, muli kong saad.
Natapos ang ilang minuto na hindi pa rin siya bumabangon.
So I don’t have choice kundi ang gawin ang binabalak ko.
Niready ko na ang sarili at unan na hawak ko.
Kasabay nito, mapwersa ko s’yang pinokpok dahilan para magising ang diwa niya.
But shit! Na-out balance ako dahil sa ginawa niya. Natulak niya ako, kaya pareho kaming napahiga sa sahig.
“Ano ba David! Ang bigat mo!”, pagtatapik ko sa binata.
But instead na tumayo siya, marahan nitong hinaplos ang mukha ko.
“You’re back Katrina. Binalikan mo ako.”, seryoso n’yang wika.
Napakunot-noo na lamang ako dahil sa pangalan na binigkas ni David.
Katrina?
Tinawag n’ya akong Katrina?
“Matagal na kitang hinihintay. Buti na lang, bumalik ka. Miss na miss na kita.”, saad nito ulit.
Yung mata niya, puno ito ng pangungulila.
Siguro, akala ng binata ako ang ex-girlfriend niya.
“Please, love me again, sweetie.”, pakikiusap ng lalaki.
After he said those words, hinalikan niya ako.
Halik, na sobrang kakaiba kumpara sa mga ginawa niya noon sa akin.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat pag-galaw ng labi nito.
Pero mali eh. Maling-mali na pumatol ako sa halik ni David, dahil alam ko na si Katrina ang nasa isip niya at hindi ako.
Kaya nag-ipon ako ng lakas para tulakin siya para makawala sa kanya.
And then, I leave his room.
I leave his room without looking at him.
Masakit din kasi eh.
Feeling ko, ginagamit niya lang ako para sa sarili n’yang kabutihan.
©Binibining_Timoji
To be continue…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. bad david….or baka nag pretend lng na kunwari sa katrina pero c kate talaga nag nalita niya…

Leave a Reply


top