“Wow! she grow really this beautiful, Adelaida. As far as I could remember, Candace was one year old when we visited here last time.” sabi noong maputing babaeng kaedad ni Mama.
Gaya ng sinabi, malayong maalala ko pa ang mga mukha nila dahil sa tagal nang hindi na muling nagkita.
“Looks like I saw the young Tita Delina on her.” sabi pa noong puro alahas ang nakasabit sa katawan.
“How are you, hija?” tanong ni Tita Lara nang ipakilala nito ang sarili sa akin.
“I’m fine po.” magalang kong tugon ng nakangiti.
“Where is your eldest, Adelaida?”
“On his way, Greta.”
“Candace, I want you to meet my son, Kedric.” pakilala ni Tita Gold, pati pangalan literal na mahilig talaga siya sa alahas.
Doon ay napansin ko ang isang lalaki nakaupo sa aming sofa. Matangkad, sobrang puti, at kulay blonde ang buhok.
Tumayo siya’t lumapit sa akin sabay lahad ng kamay para makipag-hand shake sa’kin.
“Nice to meet you, Candace.”
“Nice to meet you, too.” I smiled.
Mahabang kuwentuhan sa aming hapag. Kung hindi tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan nila ay mga alaala nila noong kabataan ang topic nila.
Taga Santa Alicia din sila… nakapag-asawa ng taga ibang lugar kaya iniwan ang kinalakihang lugar. Only my Mama stayed here sa kanilang magkakaibigan.
Kung sakaling makapag-asawa ako ng hindi taga rito? Makakaya ko bang iwan ang lugar na ito?
Nang matapos ang tanghalian, sa balkonahe nila pinagpatuloy muli ang kanilang kwentuhan. Hindi ba sila nauubusan ng sariling kwento? Sabagay sa tagal nilang hindi ulit bumisita dito, malamang baka gabihin pa sila sa pakikipag-kwentuhan.
Ako;
Papunta na ako.
Para kay Bana dahil kanina pa siya nandoon sa usapan namin.
Nang makakita ako ng pagkakataong makatakas sa paningin ni Mama habang abala sa pakikipagkwentuhan ay dali-dali akong umakyat patungo sa’king silid, at mabilis ang kilos na nagpalit ng damit.
Isang simpleng kulay puti ang napili kong suot. Loose t-shirt that has badboy image infront. I just tucked the end in my ripped jeans and with a flat sandals. Isinabit ang maliit na shoulder bag sa aking kanan balikat.
“Are you going somewhere? Pwedeng sumama?”
Hindi ko inakalang susundan ako ni Kedric sa labas ng bahay. Tumigil ako at hinarap siya.
“May usapan kami ng kaibigan ko ngayon. Are you sure you want to join with us?”
Noong una akala ko hindi marunong magsalita o makaintindi si Kedric ng tagalog dahil litaw ang pagiging banyaga niya. Pero nang marinig siyang matatas magsalita ng tagalog, tahimik kong tinawanan ang sarili dahil sa maling akala.
Matamis ang ngiting tumango siya sa akin. “Unless you want me to feel out of place, Candace?”
Umikot ang mata ko dahilan ng pagtawa niya. “Of course not!”
“Just kidding. Alam kong hindi mo magagawa ‘yon.” sabi niya.
Habang nagmamaneho ako papuntang Sentro sa usapan namin ni Bana, nagkwentuhan kami saglit ni Kedric.
He’s funny to be with.
Ipinarada ko ang kotse ko sa isang maliit na parking space sa gilid ng isang establisimento.
Pumasok kami sa isang clinic sa kung saan naghihintay sa akin si Bana. Nakita ko siyang nakaupo sa pang-isahang sofa sa tanggapan, at kasalukuyang nagbabasa ng magazine.
Umangat papunta sa akin ang tingin niya nang tawagin ko siya.
“Salamat naman at nandito kana.”
Umupo ako sa pahabang sofa ganoon din si Kedric sa tabi ko. Nakita ko agad ang tinging ipinukol ni Bana sa kasama ko.
“Sino ‘yan? Infairness may itsura ha.” Na kay Kedric na ang buong atensyon niya.
“Tumigil ka nga!” suway ko.
“Kedric… my bestfriend Bana. Bana, si Kedric.” pakilala ko sa isa’t-isa.
“Kasama ba siya sa mga regalo mo sa akin noong pasko, Candace. O paagang graduation gift mo sa akin? Binalot mo manlang sana… pero okay ng ganyan. hehe.”
Imbes na mahiya sa mga pinagsasabi ni Bana, pinipigilan kong tumawa. Pinaglapat ko ang aking labi para hindi mahiwalay sa pagkangiti.
“Hi, pogi. Iuwi na kita sa bahay natin….este namin… sige na nga.. natin nalang. What’s mine… yours na rin. Hihi. Tangina! Ang landi ko ba? Halata ba, Candace?”
Hindi ko kinaya kaya napabunghalit ako ng tawa. “Gaga! Nakakaintindi siya ng tagalog. And fluently speak tagalog, too.”
“Mapagbiro pala ‘tong kaibigan mo, Candace.” komento ni Kedric.
Namula ang magkabilang pisngi ni Bana. Pero nagawa niya pa rin taas noong tumitig kay Kedric.
“Saranghae!”
“O ‘yan! ewan ko nalang kung naintindihan mo pa!” hirit niya pa.
“It’s says; I love you, right?” nakangising sabi ni Kedric.
“Nakatadhana nga tayong dalawa.” banat ni Bana.
“Sorry but I don’t like you.”
“Saan ba ‘to galing, Candace? Para ibalik ko na ngayon din. ‘Di ko gusto ang tabil ng dila, eh.” saka siya tumayo at umalis. Iniwan kaming dalawa ni Kedric.
“Pasensya na kay Bana. Nagbibiro lang ‘yon.” sabi ko.
“Sa tingin ko nga,” saka siya lumapit sa magazine rack.
“Gusto mong magpa-facial? My treat. Para hindi ka naman mag-isa rito.”
“Nah. I’m okay here. Magbabasa nalang ako ng magazine habang naghihintay sa inyo.” tugon niya.
“Sige.” tumayo na ako para sundan si Bana.
Pagkatapos magpa-facial bandang alas tres, napagdesisyunan namin magmeryenda muna.
“Sa restaurant niyo nalang tayo, Candace. I like the strawberry mousse there.” si Bana, taas noo ng nauna sa paglalakad patungo sa nakaparadang kotse ko. Isa sa mga kotse ni Kuya, actually.
Hindi pa ako pinayagan ni Papa na magkaroon ng sariling sasakyan ‘gang sa hindi pa dumating sa puntong nakasuot na ako ng toga. Kaya sa susunod na buwan, aasahan kong ‘yon nga ang ireregalo sa akin ni Papa.
Ilang sandali ay nakarating din kami agad.
“Nandito na tayo,” pahayag ko.
Kanya-kanya kaming lumabas, at naglakad patungo sa pintuan. Nginitian ko ang mga bumati sa akin.
Lumapit sa amin si Beth, suot ang uniporme ng waitress. Inihatid niya kami sa magiging upuan namin tatlo. Sa bandang harap ‘yon ng malaki at lumang painting nila Lolo’t Lola....