BILLIONAIRE’S WIFE Chapter 20


Lumipas ang araw at dumating na nga ang 24th birthday ko.
“Hija, the make up artist is here” si mama ng pumasok sa kwarto ko, sinabi konf ‘wag na s’ya mag hirekasi marunong naman na ako ng kaunti sa paglalagay ng kolarete sa mukha ngunit Hindi s’ya pumayag.
Tumango ako,
Alas otso palang ng umaga ay naghahanda na ang lahat para b-day ko mamayang 6 PM
“Hija we need to see your dresses para malaman ang bagay rito” ang baklang make up artist, inilabas ko naman ang tatlong dress na napili.
“Dyosa is perfect for this Olive Green dress! Perfect!” Ani nito.
“I’ll make you an angel in the white one and a little devil with black” ngumisi pa Ito sa akin, tila naiimagine n’ya na ang itsura ko pagkatapos n’yang ayusan.
We eat our breakfast first, usap rito usap ruon, Wala si Riguel dito dahil susunduin pa daw n’ya sila Donya sa bahay nila sa Probinsya.
Si Mama na ang nagmanage about sa Venue na inaayusan na ngayon dahil Hindi ko na din maharap ang mga Ito.
Pagkatapos ng lunch ay sinimulan na nila akong ayusan.
Natapos rin ito ng mga 4:30 ng hapon,
Ipinasuot na nila saakin ang dress na isusuot ko sa first change, Ang Olive green kong dress.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko sa salamin, Tama nga ang sinabi ng make up artist, mukha akong Dyosa.
“We’ll go to the venue 15 minutes from now, anak” si mama, pumasok Ito ng tuluyan sa kwarto ng nakitang tapos na akong ayusan.
“My baby is now a woman” naiiyak si mama, natawa naman ako, nagdradrama nanaman s’ya dahil tumatanda na ako.
“Ma” natatawa parin ako.
“I can’t wait for you to get married, Hija. Surely you’ll be the most beautiful bride” Ani n’ya, mas lalo akong natawa.
“Matagal pa po iyan mama, I don’t think Me and Riguel would marry anytime soon” Ani ko, napansin kong nalungkot s’ya.
“I understand Hija, I’m just excited” nagpatuloy kami sa usapan hanggang sa si Papa naman ang kumatok, kaylangan na raw naming umalis.
“My...


two woman with their jaw dropping beauty” Ani ni papa ng nakita kami, tinawanan lng namin ito ni mama at sumakay na sa van na maghahatid sa Amin sa Venue.
Nagpunta kami sa isang room na inupahan para lng sa akin, Dito ako aayusan at dito din ako magpapalit.
Nasa likod ito ng stage.
Lumipas nga ang isang oras at magsisimula na raw kami,
May grand entrance pa raw ako kaya sa baba na kami magkikita ni Riguel.
“Let’s welcome, Ms. Catherine Hilario Martinez” Ani ng MC.
Lumabas na ako sa kwarto at umakyat na sa stage, Hindi ko pa sila nakikita sa labas dahil may kurtina pang bubuksan para Makita ako.
Nang bumukas Ito ay nagsipakpakan ang mga bisita ngunit ang atensyon ko ay agad na agaw ng lalaking sobrang gwapo na naghihintay sa akin sa ibaba, Si Riguel.
Tila bumagal ang takbo ng oras at aking galaw habang pababa.
“You look so beautiful” Si Riguel ng nakababa na ako, imwinestra n’ya sa akin ang braso n’ya agad ko naman itong hinawakan. Nginitian ko s’ya
“You look handsome too” nginisihan n’ya ako, tila proud na proud s’ya sa narinig sa akin.
Umikot kami at binati ang mga bisita, pagkatapos nito ay kaininan na.
“You two look a beautiful couple” A Family friend said, nahihiya akong lumingon kay Riguel, ilang beses na kaming naiisyu sa ganito.
Ngunit ng balingan ko si Riguel ay Hindi man lang ito tumanggi bagkus ay nakangiti pa!
“We indeed are” nagulat ako sa sinabi n’ya, seryoso ba s’ya?
Lumapit pa ang iilang kakilala kaya nawala ang atensyon ko sa kan’ya, ngunit batid Kong tinititigan parin n’ya ako, ramdam ko iyon.
Nang nag alas syete na ay sinimulan na ang kainan.
Pagkatapos nuon ay sayawan na, si papa ang first dance ko.
Isinayaw rin ang ako ng ibang kaibigan, ngunit Hindi sila ang hinihintay ko Si Riguel ang hinihintay ko.
Malapit na mag Alas jis ngunit Hindi n’ya padin ako isinasayaw, Hindi ko rin s’ya makita, umuwi kaya s’ya?
To be continued…
_________________
Thank you so much po for reading đź’š






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top