PAGKATAPOS e diliver ang pinamili niyang gamit nag simula na silang mag ayos nang ina.
“Hindi naman natin kailangan nang washing machine anak kaya ko pa naman mag kusot. sayang ang Pera. sabi nang kanyang ina. isa yun sa binili niya.
“maliit na halaga lang to ma kaya wag na natin pag talonan pa. ayaw kung mahirapan kayo sa lahat nang bagay.
“pasinsya kana anak ha na benta kona lahat nang mga gamit natin. malumanay na saad ng ina niya,
bumuntong hininga ang dalaga. naalala nanaman niya ang ginawa nang ama sa kanila.
“siya nga pala ma ayaw Kong magbabangit pa kayo nang mga taong dapat nang kalimutan pa.
sa halip na sumagot ay umiiyak ito.
“kasama ba diyan ang papa mo anak? tanong nito.
“sorry ma Alam kung nasasaktan ka Pero mas masakit ang ginawa sakin ni papa.
“anak patawarin mo na sana ang iyong ama.
“tatapatin kita ma hanggat Hindi nababalik sakin ang lahat hinding Hindi ko siya kayang patawarin.
nag pahid nang luha ang kanyang ina. nauunawaan niya itong tiningnan. Pero Hindi nito mababago ang pasya niya.
“siya nga pala ma pupuntahan ko si Tere pag katapos natin dito.
ito Naman ang napatingin sa kanya.
“cge anak.. mag luluto na ako para makakain ka muna. marahang sabi nito pag kuway.
itinuloy niya ang ginagawa saktong nakaluto na ang ina nang matapos siyang mag arrange nang mga gamit nila. pagkatapos kumain ay umalis na kaagad.
“kristine.. gulat na gulat si tere. bakit pakiramdam niya natakot ito nang makita siya. may kasalanan ba ito sa kanya.
“Hindi mo lang ba ako patutuluyin? tanong niya. halos tatlong minuto na siyang nakatayo sa labas. kulang nalang ay pagsaraduhan siya nang pintuan.
“pasinsya kana pinsan ha.. nagulat lang talaga ako. kilan ka nakabalik? kumusta kana? pinaupo siya nito sa mamahaling sofa matapos siya patuluyin. halatang maalwan na sa buhay si tere. ang dating kubo noon na tinitirhan nito ngayon ay malaki na. mamahalin din ang mga appliances nitong nasa sala. gusto niya malaman kung nasaan ang kinita nang restaurant nang ilang taong pag mamanage nito.
“an laki nang pinagbago mo tere. halatang maalwan kana sa buhay. at itong bahay napaganda narin.
“oo pinsan pinag sikapan talaga namin ni frank ang lahat nang ito. Yong tungkol Naman sa restaurant kasalanan yun ni tito.
umalon ang dibdib niya sa sinabi nito. halatang nag sisinungaling si tere.
“hindi yan ang inaasahan Kong sasabihin mo tere. anong nangyari sa mahigit tatlong taong pinagkatiwala ko saiyo ang restaurant. ni isang kusing wala Kang nabigay sakin. mahinahon niyang sabi.
“pinag bibintangan mo ba ako kristine na ginamit ko ang parte mo sa restaurant. ganon ba yun? . galit ang tuno nito.
“sana nga malinis ang konsinsya mo tere. dahil ang totoo walang natira sakin, oras na malaman kung niluko mo ako kakalimutan kung mag kadugo tau.
mabigat ang loob niyang tumalikod.Hindi na niya inalam kung anong reaksiyon ni Tere sa sinabi niya. wala itong pag kakaiba sa ginawa nang ama niya sa kanya, gustong gusto niyang makita ang ipinundar na restaurant Pero pinigilan niya ang sarili dahil masasaktan lang siya. minabuting umuwi nalang sa bahay. nadatnan niyang nag luluto ang ina.
“ma kilan lang na benta ni papa ang restaurant kay mr. chao. tanong niya sa ina habang nag sasalin nang malamig na tubig sa baso.
“wala pang dalawang taon anak. Pero di Naman nag tagal iyon kay Mr chao.
“wala akong tiwala kay Tere ma Ewan ko ba.
“anak Hindi sa sinisiraan ko siya saiyo Pero simula paman wala siyang inabot samin kaya siguro naiinis ang ama mo sa kanya dahil kinalimutan niyang kamag anak niya kami.
“kung ganon bakit wala kayong sinasabi sakin?
“dahil ayaw kung alalahanin mo pa ang problema dito.
“Pero naiwasan sana natin mangyari lahat nang to. napataas ang boses niya.naiinis siya dahil ang kanyang ina ang napag bubuntunan niya nang galit sa halip na ang ama na siyang may kasalanan nang lahat.
Hindi nakakibo ang ina niya.
“ma I’m really sorry Alam Kong wala Kang kasalanan. nadadamay kalang.
“naiintindihan kita anak. wag Kang mag alala Alam kung mangyayari to kaya napag handaan ko na. nakangiting sabi nito.
nag papasalamat siya dahil may isa pang natitira sa kanya..walang iba kundi ang mabuting ina.
MATAPOS maghapunan nag pasa siya nang resume a thru amail gamit ang lumang loptop. ilang taon naba iyon sa kanya. balak sana niyang palitan subalit Hindi na iyon kasama sa budget niya. malaki pa ang ipon niya Pero ndi niya pweding bawasan iyon. maaga din siyang lumakad kinabuksan upang mag apply. ayaw niyang umasa at mag hintay. batid niyang sa panahon ngayon maraming naka graduate Pero tambay. at hindi siya mamimili nang trabaho, kahit siguro dishwasher papatusin niya.
masasabing malas ang araw na iyon dahil wala pang vecancy sa lahat nang kompanyang inaplayan niya. Laylay ang balikat na umuwi siya Pero Hindi siya mawawalan nang pag asa. pag baba nang taxi may napansin siyang itim na sasakyan sa tapat nang gate nila. mukang may bisita ang kanyang ina.
pagpasok niya nang bahay nakilala niya kaagad si angelo na komportableng naka upo sa sofa. nakasuot ito nang business suit at may kausap sa cellphone. matagal niyang pinag masdan ang dating kasintahan at ang mokong malakas padin ang appeal.
“hi!!. bati nito nang malingonan siya. tapos na ito mkapag usap sa cellphone. at kasalukuyang nilalagay sa bulsa.
“anong ginagawa mo dito? Hindi galit ang boses niya Pero sinimangutan niya ito.
“ganyan kaba tumanggap nang bisita?why don’t you try to give some tea or coffe.?
“pasinsya ka na Hindi ako tumatanggap nang bisita.. balak sana niya itong talikuran nang muli itong mag salita.
“ikaw ang sadya ko kristine pwedi ba tayo mag usap. seryosong saad nito.
totoong galit siya sa lalaki Pero Hindi naman siya bastos na tao kaya umupo siya sa katapat na sofa.
“make it sure na importante ang sasabihin mo.
“ang totoo naka usap ko na si Tita velle tungkol dito at pumayag na siya. sasakay na ako nang barko sa susunod na buwan at naisip kung Iwan sa inyo ang bahay.
“you mean gagawin mo kaming caretaker?
“its up to you kung yun ang gusto mong itawag sa sinabi ko. Pero suswelduhan ko kayo. sagot ko lahat nang pangangailangan niyo ni tita.
“iniinsulto mo ba ako? galit niyang tanong.
“look kristine hindi ako pumunta dito para sa kung anuman. humihinge ako nang pabor sa inyo and besides Hindi niyo na kailangan mag bayad nang renta and its called practical.
“at pinapamukha mo pa sakin ngaun na i am dinely need and haven’t any resources ganun ba iyon. at anu naman kapalit nito.?
kalmadong nakatitig lang si angelo sa kanya at para bang aliw aliw itong insultuhin siya.
“I know its hard for you to accept all what happend tintin. Pero alam naman natin na hindi na mababago pa ang nangyari. but atleast you have to move on and im here welling to help you.
naiinis siya tuwing tatawagin nitong tintin dahil nanunumbalik sa alaala niya kung gaano sila kasaya noong dalawang taong magkasintahan. at kasabay din nun ang alaala sa mapait na nakaraan niya.. mabilis siyang tumayo.
“pumapayag na ako. makakaalis kana. mahirap para sa kanya ang naging disisyon niya subalit yun lamang ang paraan para maibalik sa kanya ang bahay..Hindi man masasabing sa kanila na ulit iyon Pero maranasan manlang niyang matulog sa inasam niyang tirahan.
“talaga tintin.. napatayo sa galak ang binata. thank you verymuch. nga pala dito ako mag di dinner sabi pa nito.
“what?
“sorry Pero inimbitahan ako ni tita. infact niluluto niya ngaun ang paborito kung ulam.
iniwanan niya ito nang masamang tingin bago tumuloy sa kumidor kung saan abala sa pag hahanda nang hapunan ang ina.
“anak nakausap mo naba si angelo? bungad nang ina.
“oo ma. tutal pumayag na kaiyo kaya pumayag narin ako. aniyang sinilip ang niluluto nang ina. sinigang lang naman pala ang sinasabi nitong paborito.
“buti naman anak alam ko kung gano mo inasam tumira sa bahay na iyon,, siya nga pala dito mag hahapunan si angelo.
“may ari siya nang isang restaurant ma kaya hindi na sana kaiyo nag abalang ipag luto siya.
“anak mabuting tao si angelo kung pwedi sana pakitaan mo siya nang maaayos.
hindi kumibo ang dalaga bagkos tumalikod ito. napapailing nalamang si aling velle sa inasal nang anak. ang tanging dasal niya bago manlang siya mamatay makita niyang sumaya ulit ang anak sa piling ni angelo.
Pinili niyang manahimik habang kumakain sila. masayang namang nag kwekwentohan si angelo at ang kanyang ina. mukang siya pa tong na out of place
“siya nga pala anak nasaan na ba ang mga magulang mo? parang nag iisa ka nalang Kasi sa buhay. tanong nang kanyang ina kay angelo.
isa pa yun sa kina iinisan niya. bat kailangang tawagin nitong anak si angelo sa harapan niya.
“si itay matagal nang patay bago paman ako maka sakay nang barko. si inay naman dinala ni kuya sa probensya dahil taon ako kung umuwi sa bahay.. ayaw niyang mag isa si inay lagi sa bahay. malongkot nitong saad.
napatingin siya sa gawi ni angelo para kasing may kakaibang awang humaplos sa puso niya para dito. hindi niya akalaing may pinag dadaanan din pala ito. pero kinakayang mag isa ni angelo. sinalubong nito ang titig niya matagal iyon at hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Hindi siya pweding maaawa sa kalaban kundi matatalo siya. mabilis siyang nag baba nang paningin.
“pano naman kaiyo nagkikita nang inay mo? tanong uli nang ina niya kay angelo.
“nagbabakasyon din naman ako dun tuwing bumababa ako nang barko. okey naman si inay doon at may pinag lilibangang apo. tugon ni angelo.
“bakit naman kailangan mo pang sumampa nang barko eh marami kanang business dito. isa na ang restaurant.
“ang totoo Tita velle last ko na tong pag sakay nang barko.. balak Kong magpakasal pag katapos nang kontrata ko. ani angelo.
“mabuti kung ganon anak eh nasa tamang idad kana para sa bagay na iyan. masayang sabi nang kanyang ina.
pakiramdam niya may bumara sa lalamunan niya sa mga sandaling iyon.
ikakasal na si angelo.?
eh anu ngaun?
matagal na silang hiwalay at imposibling wala itong ibang minahal.
mabilis siyang uminom nang tubig dahil pakiramdam niya naninikip ang dibdib niya. mabilis siyang tumayo dahil nawalan siya nang gana.
“excuse me.. aniya bago tumalikod.
“pasinsya kana sa anak ko angelo. narinig niyang sabi nang ina.
“naku wala yun Tita sanay na ako kay tintin minsan nga hinahanap hanap ko ang pagiging mataray niya.
sinundan pa ito nang tawa.
nakadama siya nang inis sa narinig.. sisiguraduhin niya pagkatapos niyang makuha ang lahat kay angelo n kaylan man hindi na sila mag kakaroon nang anumang ugnayang dalawa.
CHAPTER 4
❤️❤️❤️
Si angelo pa mismo ang sumundo sa kanila para lumipat sa malaking bahay.
tulad nang sinabi nang ina kailangan niya itong pakitungohan nang maganda alang alang sa pabor na ibinigay nito sa kanila. gagawin niya iyon sa harapan nang kanyang ina at ayaw niyang makipag plastikan sa lalaki.
si angelo na ang naka ukopa sa kwarto niya kaya sa guestroom siya napunta. pinili niyang mag isang ayosin ang mga gamit dahil gusto niyang ilabas ang emosyong nararamdaman.
sa muli ay umusbong ang galit sa ama. umiyak siya. darating ang araw na mag kakaharap sila at sana patawarin siya nang diyos.
matagal siyang umiyak sa kwarto bago kinalma ang sarili.
“anak kumain na tayo. katok nang ina niya.
“wala akong gana. tugon niya.
“anak nag hihintay na si angelo.
pilit siyang bumangon. wala pala sila sa sariling bahay kayat kailangan niyang makisama. naramdaman niyang nakatitig sa kanya si angelo nang umupo sa harap mesa. hindi niya maikakaila ang pamumugto nang mga mata niya. at alam iyon nang lalaki kung anung dahilan.
“ma saan ba nakakulong si papa? binasag niya ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo.
“bakit mo naman naitanong anak.?
“gusto ko siyang dalawin.
nagliwanag ang anyo nang kanyang ina sa narinig mula sa kanya.
“marami lang akong gustong itanong sa kanya. at hindi nangangahulugang napatawad ko na siya.
“kristine pwedi kitang samahan. singit na sabi ni angelo.
“salamat angelo pero hindi na kailangan. tanggi niya.
bumuntong hininga si aling velle.
“sige anak sasabihin ko saiyo ang adress. pero kung pwedi isama mo si angelo dahil nag aalala ako para saiyo.
tumango tango siya bilang tugon.
pagkatapos nilang maghapunan nag presinta siya sa ina na siyang mag huhugas nang pinag kainan. alam niyang pagud ito simula kaninang umaga dahil sa paglilipat nila nang bahay. kaya hinayaan nalang niya itong makapag pahinga.
“kristine pwedi ba tayo mag usap?
ikinagulat niya ang pagsasalita ni angelo sa likuran niya.
“oo naman. may sasabihin din ako saiyo. tugon niya.
“talaga? hindi makapaniwalang sabi nito.
matapos mag hugas nang plato inaya siya nitong mag tungo sa terace. lumanghap niya nang hangin bago magsalita.
“gusto kung bilhin saiyo ang restaurant. walang utal na sabi niya.
hindi kumibo si angelo marahil nabigla ito sa sinabi niya.
“bata pa ako pangarap ko nang magkaroon nang restaurant. dahil bihira Kami makakain nang masarap na pagkain. tulad kung pano ko pinangarap magkaroon nang ganitong tirahan. sana maintindihan mo ako. nag iinit ang mga mata niya pero ayaw niyang umiyak lalo na sa harapan nito, ayaw niyang mag mukhang kawawa.
tinitigan muna siya ni angelo nang matagal.
“mahalaga sakin ang restaurant kristine dahil mahalaga yun saiyo pero kung talagang gusto mong makuha ulit sakin yun may kundisyon ako.
kaligayahan ang naramdaman nang dalaga sa narinig mula dito.
“anong kundisyon.?
“hayaan mo sakin ang kalahating shares nito.
“salamat angelo. nangisngislap ang mga mata niya sa sobrang tuwa.hindi na masama kung hindi ito makuha nang buo ang importante maiibalik ito sa kanya.
“tutal mawawala ako nang isang taon tama lang na iwanan ko saiyo ang pamamahala nang restaurant, nag rereklamo na kasi si edwen dahil napapabayaan niya na ang salon.
“kumusta na nga pala siya? pag iiba niya nang topic.
“okay lang malambot parin. natatawang sabi nito.
napangiti siya.
“malalim na ang gabi mag pahinga na tayo. aniya nang mapansing naaliw siya sa pakikipag kwentuhan kay angelo. nag patiuna nadin siyang tumalikod pero mabilis siyang napigilan nito sa kamay na ikinagulat niya.
“kristine… wait lang. mabilis din naman nito binitiwan ang kamay niya.
“kung may sasabihin kapa sabihin muna gusto ko nang mag pahinga.
“alam kung hindi maganda ang pag hihiwalay natin noon. pero sana kalimutan na natin yun pwedi ba tayo maging mag kaibigan.? nakangiting inilahad ni angelo ang kanang kamay sa kanya.
marami nang nagawang pabor sa kanya si angelo kaya hindi naman mabigat na bagay ang hinihingi nito. mas kimportable siyang maging kaibigan nalang silang dalawa. marahan niyang tinanggap ang kamay na inilahad nang binata sa kanya.
“okay tinatanggap ko.
nag iwan siya nang ngiti bago tuluyang tumalikod.
masayang sinundan nang tingin ni angelo ang magandang hubog nang katawan ni kristine. natupad na ang isang bagay na hiniling niya.. ang makasama itong muli siguro kilangan na niyang simulan ang pangalawang hiling niya. na maibalik ang dating meron sila.
MAAGA pa umalis na sila ni angelo papuntang restaurant. hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman nang muli itong makita. may nabago nang kunti pero naron padin ang pagiging modern nito. siya ang pumili mula sa style nito at sa mga dekorasyon. naroon padin ang wine rock vintage at frame glass shelf na makikita sa entrance nang restaurant. nadagdagan lang siguro nang maraming ilaw kaya super liwanag nito.
“anong masasabi mo? tikhim ni angelo. nasisiyahan itong makita siyang nag niningning ang mga mata habang pinag mamasdan ang kabuuan nang lugar.
“salamat at di mo pinabayaan mapunta sa iba ang restaurant mahihirapan siguro ako mabawi to kay mr chao. aniya.
“okey.. lets go. tanging sinagot nito.
dinala siya sa office nito sa opisina. dahil maaga pa noon wala pang custumer, kukunti palang din ang dumating na staff maging si edwen ay wala pa.
maluwang ang office ni angelo nang hindi ito dati ganon. may food poster frame siyang nakita sa bawat kanto nang opisina. may book shelf din lumapit siya dito at kinuha ang isang libro.
“how will you grow your bussiness this year and beyond.
matapos basahin ibinalik niya ito sa shelf at kinuha pa ang isa.
“innovation ways to grow your restaurant business.
“marketing strategy when it come to business.
nilingon niya si angelo matapos ibalik sa shelf ang pangatlong librong binasa.
“wala akong idea sa restaurant nang e take over ko to kaya nag hakot ako nang guide. alam mo na. natatawang sabi nito.
“ako din naman noon. nang maisip ko ang idea na to nag attend ako sa mga gathering at mga seminar. bumuo ako nang isang concept, matagal na panahon kong pinag isipang mabuti to kaya masakit para sakin na mawawala lang sa bandang huli.
“naiintindihan kita and from now on magkasama na nating palalaguin to promis.
ngiti ang itinugon niya sa lalaki.
isang oras pa ang lumipas bago tinipon ni angelo ang lahat nang staff niya.
katabi siya nang lalaki at lahat nang mga Mata ay nakatotok sa kanya. nagtatanong
nagtataka
bakit ba siya nandun
bakit ngayon lang siya nakita
sa nababasa niya isa lang ang segurado niya anuman ang sabihin ni angelo sa araw na iyon ay may pag babago.
“good morning every one i have a very important announcement thats why all of you guys are here. I introduce my fiancee kristine. kasabay nun ay inakbayan siya.
pagkamangha ang nakita niya sa mga Mata nang lahat habang nakatitig sa kanya. ang Hindi niya maintindihan kung bakit nagsinong aling si Angelo sa staff nito.
“considering na mawawala ako nang matagal at si kristine muna ang makakasama niyo. hihilingin ko na maging mabait kayong lahat sa kanya..dagdag pa ni angelo.
“yes sir.. Sagot nang mga ito.
“so that’s it. pwedi na kayo bumalik sa mga trabaho niyo at salamat sa pakikinig.
isa isang tumalikod ang mga ito.
doon narin sila nag almusal sa restaurant ni angelo. gusto sana niya ito komprontahin dahil Mali ang ginawa ni angelo pero dumating si edwen.
“kristine…..!! humihiyaw ang kaibigan habang palapit sa kanya.
napatayo siya upang salubungin ang na miss na kaibigan. kumikending itong palapit sa kanilang dalawa ni angelo. akmang yayakapin siya nito nang humarang ang lalaki.
“pwedi mo siyang batiin pwera yakap. sabi nito kay edwen.
“tseeeee!! seloso.. bulyaw nito kay angelo.. kristine kumusta kana? miss na miss na kita. itong bruhong to kagabi lang sinabing dumating kana sana nasalubong kita sa airport.
natatawa siyang pina upo ito.
“okey lang ako. ikaw kumusta.
“naku madami akong chika saiyo. hindi sapat ang isang araw. buti naman at bumalik kana freind.
“marami tayong time para mag usap. pwedi ka pumunta sa bahay kahit kilan mo gusto.
“pupunta tlaga ako friend promis.
pagkatapos nila mag almusal nagpaalam muna sila kay edwen,
“gusto ko lang malaman kung bakit mo ginawa yun? nag karoon siya nang pagkakataong komprontahin ito nang mapag isa sila sa sasakyan. nag sisimula na itong mag drive.
“kung ang tinutukoy mo ay yong pag papakilala ko saiyong girlfriend sa staff ko.. sinadya ko yun.
“without my permission? nakadama siya nang inis. porket nakikitira kami sayo at pumayag kang bilhin ko ang kalahating share nang restaurant pwedi mo na gawin sakin to.
“alam mong hindi ganon yun. nakita mo naman diba kung pano ka nila tingnan kanina.
“at anung koneksiyon dun aber?
“ngayon kalang nila nakita sa tingin mo hindi sila magugulat sa desisyon kung iwan saiyo ang restaurant kung wala tayong ugnayan..ayaw ko nang issue dito. at dahil alam nilang girlfriend kita wala ka makukuha mula sa kanila kundi respeto.
natigilan siya habang nakatingin dito. malinis man ang intensyon nito hindi parin siya kombinsido pakiramdam niya naisahan siya ni angelo. hanggang kilan naman kaya sila makukunwari sa harap nang staff nito.
inihinto ni angelo ang sasakyan sa tapat nang isang mataas na gate. kung anong lugar iyon ay di niya alam. matapos mag buzzer ay bumukas ang gate, mga ilang hakbang mula sa gate tanaw niya ang mga nakahilirang sasakyan. ibat ibang klaseng sasakyan. naalala niya ang sinabi nang ina. business partner ito ni mr chao.
namamangha siya habang nakatingin sa magagandang sasakyan na nasa harapan niya ngaun.
“pag mamay ari ko na ang lahat nang mga to. may buyer na din ako sa ibang mga sasakyan. you can choose one and i give to you as a gift.
alam niyang maraming pera ang lalaki pero kalabisan kung bibigyan pa siya nito nang kotse. pero isa iyon sa mga gusto niyang bilhin pag uwi.
“hindi ako tumatanggap nang ganito kamahal na regalo lalo na kung wala namang dahilan. tanggi niya.
“okey bayaran mo nalang kapag may pera kana. pamimilit nito.
“pero kalabisan nato angelo.
“kristine please ayaw kung mahirapan kang mag commute araw araw papuntang restaurant pag wala ako.
na touch siya sa pagiging concerned nito sa kanya. isang bagay na kinatatakutan niyang mangyari na mahulog muli ang loob niya dito.
“okey.. pumapayag na ako. pero babayaran ko to ha. ayaw kung mag karoon nang utang na loob saiyo.
“thanks kristine. nakangiting sabi nito.
pumili siya ng isang simple pero magandang kotse. ndi na kilangan itanong kung magkano iyon dahil may price ang lahat nang nakahilirang sasakyan dun.
“okey pwedi mo e drive test. sabi pa nito.
“wag na. isa pa gagamitin ko lang naman yan pag alis mo.
tumango tango bilang tugon.
dumiretso na sila sa bahay pag kagaling doon.
“angelo pwedi mo ba akong samahan bukas.
“sure.. kay tito reynaldo ba?
“oo. pabuntong hininga niyang tugon. saka bumaba nang kotse.
nadatnan niyang nag luluto nang lunch ang kanyang ina. si angelo naman dumiritso nang kwarto. pag balik nito nakabihis na. nakasuot ito nang manipis na short saka naka sampay lang ang damit sa balikat.
“hmmmm ang bango tita velle. nakangiting sabi nito saka lumapit sa kanyang ina. umakbay pa ito habang naka tonghay sa niluluto nang kanyang ina. halatang close si angelo sa ina niya. at natutuwa siyang isipin yun.
nagtatawanan ang mga ito habang nag lulukuhan. samantalang siya tahimik na nakamasid sa dalawa. kung dati naiinis siya sa pagiging close ni angelo sa mama niya ngayon hindi niya na iyon nararamdaman. tama ang mama niya mabuting tao si angelo. dapat niya nang kalimutan ang nangyari sa kanilang dalawa noon.
CHAPTER 5
❤️❤️❤️
HABANG hinihintay nilang dalawa ni angelo ang ama sa isang waiting area kung saan pweding tumanggap nang besita kumakabog ang dibdib niya sa kaba. sumisilakbo ang galit niya nang pumunta doon. isusumbat niya dito ang walang kapatawarang ginawa nito sa kanya. gusto niyang makitang nagdudusa ito sa loob nang kulungan at pinag babayaran ang walang habas na pag waldas sa pinag hirapan niya.
nag angat siya nang paningin nang may lalaking lumapit sa kanila.
naka posas ang dalawang kamay
payat na payat
may pasa sa braso
may benda sa ulo
yun ang larawan nang ama nang tumambad sa harapan niya. larawan na pinagdudusahan nito sa kulungan ang ginawa sa kanya. at halos hindi niya ito nakilala.
“kristine.. gulat na gulat ito nang makita siya. nag simulang tumulo ang mga luha nito habang papalapit sa kanya. at bigla itong lumuhod sa harapan niya habang humahagolgol.
“kristine anak patawarin mo ako. ang laki nang kasalanan ko saiyo pinag sisisihan ko na iyon.
“papa.. hinding hindi siya makapaniwala sa mga sandaling iyon. nanginginig ang tuhod niya at parang kandilang unti unting nalulusaw ang galit niya para dito. nag init ang mga mata niya at nag habulan ang luha sa kanyang pisnge.
mabilis niyang inalalayang makatayo ang ama habang umiiyak.
“papa bakit may pasa ka? punong puno nang pag aalala ang bosis niya.
sa halip na sumagot ay niyakap siya nito. lalo itong napahagolgol. tuluyang nag laho ang galit na namayani sa puso niya. napalitan iyon nang awa. guamnti siya nang yakap dito.
“binubogbog nila ako dito anak. inaalila hindi pinapakain. tugon nang kanyang ama.
kalmanti na silang naka upo sa isang silya.
napabuntong hininga siya habang nag iisip.
“angelo salamat sa pagsama mo dito kay kristine. baling nito sa kasamang lalaki. kanina pa ito tahimik at nakatingin lang sa kanilang dalawa.
“walang anuman tito. tugon ni angelo.
“papa kakausapin ko...