BEING HE’S PERSONAL MAID


PROLOGO
Kilalanin si Maricon Ferrer isang simpleng dalaga na nag mula sa mahirap na pamilya.
“Ma,, iniisip ko po kung hindi na lang kaya ako magpatuloy sa college? ” nasabi nya sa ina nang umaga iyon, salat ito sa yaman at tanging pagbubukid lamang ang trabaho ng itay nya na syang pinagkukunan nila sa pang araw-araw, swerte na nga sya dahil natapos nya ang huling taon ng Sekondarya , kinailangan nilang bumalik sa probinsya dahil wala na silang pang upa sa nirentahang bahay sa manila.
“Siguro ay mairaraos naman natin ang pag aaral mo anak, basta tulungan mo lang kami ng itay mo. ” nakangiting saad ng inay nya.
Sa Ngayon ay isang kasambahay ang trabaho ng inay nya sa pamilya ng mga Villegas kung saan naroon ang unico ijo na Dati rin nyang kaklase na si Suho, isa itong bully sa dati nyang paaralan sa manila ngunit hindi nya alam na nagbalik din ito sa probinsya para dito magpatuloy ng kolehiyo.
“Humingi ako ng tulong sa amo ko anak, sya ang may ari ng Eskwelahan dito sa atin kaya’t madali na lamang na makapasok ka doon. ”
Halos mag liwanag ang mukha ni Maricon sa sinambit ng Ina, hindi nya alam na iyon ang ina ng Dati nyang kaklase kaya’t masaya sya na malaman ito.
Ito naman si Suho Villegas, isang Spoilled brat ng mga Villegas at Natatanging taga pag mana ng lahat ng kayamanan ng pamilya nila Tinaguriang Bully ng Campus kahit pa sa sarili nilang paaralan kaya’t pinaka iiwasan sya nang dalagang si Maricom ang ingunit kahit kailan ay hindi naman nya ito inasar o kahit pinansin manlang.
Para sa kanya ay hindi ka bully-bully ang itsura ni maricon kahit pa alam nyang nagmula ito sa mahirap na pamilya, sa katunayan ay ito pa lamang ang nakakapag pahulog sa puso nya noon pa man kahit pa napaka daming babae na humahabol sa kanya iyon nga lang ay hindi manlang sya nito matignan kahit gaano pa ang pag papa-pansin nya kyat naiinis sya sa twing...


nakikita nya itong nakatanaw sa iba.
Nang malaman nyang bumalik ito sa probinsya ay nagpasya din sya na bumalik dahil nag babaka sakali sya na baka dito nya ito mapaibig.
“Marya… “pag tawag ni Shiena na syang ina ni Suho sa kasambahay na ina naman ni Maricon. ” Nabanggit mo sa’kin na may anak ka na college Student? ” tanong nito.
“Opo mam, si Maricon po. ” sagot ni Maria.
Kahit pa abala si Suho sa pagsimsim ng kape sa labas ay narinig nya parin ang usapan ng dalawa kaya’t mabilis syang nag tago sa pader para lalo pang makinig.
“Nag dedemand kasi sakin ang anak ko, ayaw nya ng mag drive papasok sa school kaya don nalang sya mag i-stay sa sarili nyang Condo malapit sa School ang kaso ay kailangan nya ng mag aasikaso sa kanya dahil wala naman iyong alam sa gawaing bahay. ”
“Naku mam, sakto po… Alam ni maricon ang lahat ng gawain sa bahay kung nais nyo po ay sya na lamang ang kunin nyo para matustusan nya ang pag aaral nya sa kolehiyo kahit paano.” nakangiting saad ni Maria.
Lumawak ang pagkakangiti ni Suho sa Narinig ngunit nakaramdam din sya ng kaunting awa dahil ganuon pala kahirap para kay Maricon ang lahat para makapag aral.
“I-sponsoran ko ang Full scolarship nya kung ganon. ” ani Sheena.
Inipit ni Suho ang labi nya tsaka nagtatakbo palabas ng bahay at gumulong -gulong sa damuhan.
“Yeeeeeeessssaaas!” saad nya habang tuwang tuwa, napatigil lang sya ng may maramdaman syang, basa sa likudan nya, *sniff *sniff may kakaiba syang naamoy kaya sinalata nya ang parte ng likod ng damit nya na basa tsaka nya itinapat sa ilong nya para amuyin halos mapalukot ang mukha nya nang mapagtanto kung ano yon.
‘TAE NG ASO! ‘
Nilingon nya si Sucon ang alaga nyang bulldog na Aso, nakatanaw ito sa kanya habang nakalabas ang dila animoy pinagtatawanan sya sa nangyari sa kanya.
“Iiiiikaaaaw! “sigaw nya tsaka niya hinabol ito ngunit tumakbo lang ito palayo.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top