Gusto sana syang isama ni Mark sa bahay ng mga ito,pero hindi pa sya handa na makilala ang magulang ng binata.
Last time na me dinner sila ng pamilya nito ay nag walk out sya.Hindi nya pa natanong ang ama kung ano ang naging usapan nila tungkol dito.
Hindi pa sya handa na makita ang mga taong umayaw sa kanya dati dahil mahirap lamang sila noon.
Pero ito pala ang matalik na kaibigan mg kanyang ama.Handa nya namang patawarin ang mga ito pero hindi pa sa ngayon.Isasama sya ni Mark dahil anniversary ng magulang nito.
“Sige hindi na kita pipilitin na pumunta sa bahay.”
“Dapat lang kasi hindi mo pa ako nobya.”
“Pasensya ka na,naiintindihan kita.Sorry din dahil naging matapobre ang magulang ko.Samantalang ngayon mas mayaman pa pala kayo kaysa amin.Gusto din nilang humingi ng tawad sayo.”
“Ako din naiintindihan ko sila,hayaan mo darating din tayo dyan na mapapatawad ko sila.”
“Sana nga at salamat sa pag unawa.”
Umabot din ng halos isang taon ang panliligaw ni Mark sa dalaga.Sa ngayon ay plano na nyang sagutin ito.Tama na siguro ang isang taon.
Niyaya sya nito na magdinner kaya ito na siguro ang tamang panahon.
“Love,siguro naman pwede na kitang maging nobya ulit?”
“Love ka dyan.Pero sige tutal naman ay nagtyaga ka sa panliligaw ulit sa akin ay payag na ako.”
“Ha talaga? Payag ka na maging nobya ko?”
“Oo nga,ayaw mo yata eh?”
“Kaw naman nagulat lang ako kasi di ko akalain na magiging tayo na ulit.”
“Nagulat ka pa talaga.Sige binabawi ko na.”
“Huwag naman Love.Alam mo napakasaya ko ngayon what if magpakasal na tayo?”
“Talaga lang ha,kakasagot ko lang sayo wala pang isang minuto gusto mo na akong maging fiancee.Gusto mo pa unahan sina Lance ha.”
“Pwede naman na sabay tayo sa kanila,double wedding ba.”
“Paunahin mo na ang mga yun,me anak na sila.”
“Eh di gagawa...