A Potion for the Wise


A Potion for the Wise❞
(Prologue)
_____________
Minsan ba naranasan nyo nang ikumpara sa iba? Yung sasabihin sa inyo ng nanay at tatay nyo na “Tingnan mo yung anak ni ganito, nakatapos dahil matalino. E ikaw? Ano bang aasahan namin sayo?” Ranas nyo ba yang mga ganyan? Kung oo, siguro alam mo yung pakiramdam na ikumpara sa iba. Di ba masakit?
Ako nga pala si Samantha Kristen Villamar. Nineteen years old at masasabi kong napakamalas ko pagdating sa katalinuhan. Maganda, sexy, malaki yung hinaharap, mayaman naman ako pero ang wala talaga sa kin katalinuhan. Hindi ko talaga alam kung bakit sa lahat lahat ng mga binigay sa akin, katalinuhan pa yung nawala. Hindi talaga ako pinalad na mabiyayaan ng katalinuhan noh? Pero kahit ganun, dedma sa pagpapahiya sa akin nila mama at papa. Tse! Hindi naman ako mamamatay sa kahihiyan noh!
“Samanthaaaaaaa!” Galit na galit na sigaw ni mama sa akin.
Yan na, tama na nga muna yung introduction. Tinatawag na naman ako, se-sermuhan na naman ako at tatalakan! Minsan nakakayamot at nakakaasar yung feeling na talak ng talak yung mama mo tapos with matching kumpara pa kay ganito ganyan? Nakakasawang makinig sa pangaral nila! Kung hindi ka man sesermunan at tatalakan, uutusan ka tapos kapag mali yung nagawa mo. Ikukumpara ka na naman kay ganito ganyan, na sya kaya nagkaroon ng maayos na trabaho dahil matalino at etchetera!
“Samanthaaaaaaaaa!” Sigaw ulit ni mama.
“Nandyan na, sandali lang!” Pasigaw at inis na sabi ko.
Oh sige na nga, mamaya nalang ulit. Bwiset na yan! Kung pwede lang bang maglayas na dito, edi ginawa ko na di ba? Kaso sayang yung mamanahin ko, baka pagbalik ko dito wala na kong makuha! Kung pwede lang rin bang ipa-retoke yung utak ko, edi ginawa ko na di ba? Kaso mukha lang yung napaparetoke (⋋▂⋌)
“Samanthaaaaaa!” Sigaw ulit ni mama kaya tuluyan na kong bumaba.
“Oo nga ito na nga di ba? Di ba? Paulit ulit!” Inis na sabi ko pagkapunta ko sa sala kung nasaan sila mama at papa.


/> Epal lang? Hawak hawak pa yung test paper ko ampota. Paki-elamera ng gamit ng may gamit walastik! #$@$@!!
“Sumisigaw ka? Sumisigaw ka?” galit na tanong ni mama.
“Malamang hindi! Alam mo naman na ganto yung boses ko di ba? Di ba?” bored at inis na sabi ko.
Papampam kasi! Umirap ako tapos itinuon ang atensyon ko sa hawak ni mama. Tse test paper lang naman. Iniharap nya sa akin yun.
“Ano tong nakita ko sa gamit mo? Zero sa quiz? Tanga ka ba? Bakit hindi ka man lang nakakuha ng score kahit man lang one points? Ganun ka na ba kabobo para makakuha ng zero? Ayus ayusin mo buhay mo Samantha ha! Hindi ka namin pinag-aral para lang walang matutunan. Tingnan mo si Clarrisse. Yung anak ng kapitbahay natin, valedictorian dahil matalino. E ikaw, kelan mo kami balak i-akyat sa stage?” tanong ni mama.
Ginaya ko lang yung mga sinasabi ni mama. Nyenyenyenyenye nyenyenyenyenye wala kong pake kung matalino yung gagang yun. Madaya kasi kaya valedictorian. Umakyat ng stage bitbit yung kasinungalingan. Pero yung totoo, parehas lang naman kaming bobo.
“Aba’t ginagaya mo ko? Hindi ka ba naturuan ng respeto ng teacher nyo?” galit na tanong ni mama sa akin.
Sasampalin na sana nya ako kaso pumagitna si papa kaya hindi natuloy ni mama. Umirap nalang ako at umalis sa harapan nila. Wala kong pake sa sasabihin nyo, basta ako kung ano lang yung kaya ko. Dun lang ako!
“Mag-aral ka naman ng mabuti Samantha! Para man lang maipagmayabang ka namin. Panganay na panganay, pero pasimuno ng katangahan. Pasalamat ka hindi ka kagaya ng mga kapatid mo. Sila matatalino, tapos ikaw wala man lang natututunan. Puro ka kasi gala-gala!” Pahabol pa na sabi ni mama bago ako tuluyang umakyat.
Napairap nalang ako at medyo nangilid yung luha sa gilid ng mata ko. Napangiwi rin ako dahil, masakit talaga na ikumpara ka sa iba. Lalong lalo na sa mga kapatid mo. Wala naman akong pake kung matalino sila! Basta ako mabubuhay ng hindi nangangailangan ng tulong nila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top