LOVE AFTER THE RAIN☔☔ ❣️❣️PANGALAWANG YUGTO ❣️❣️


Hindi ko pa gaanong naisasara ang likod ng Gown na suot ko ay nagpasukan na ang tatlong bakla at isang, babae.
“Oh, she’s more beautiful than i Expected. ” iyon ang bungad ng bakla na medyo may kalakihan.
Nguniti sila sa’kin kaya’y nailang ako, bibihira lamang ang mga taong tumatrato sa’kin ng ganito dahil sa pagiging mahirap ko.
Pinaupo ako ng babae sa mataas na silya kaharap ang napaka laking salamin. ” close your Eyes.”banayad ang pagsasalita nya na kaagad kong sinunod.
Nararamdaman ko ang paghawak nila sa buhok ko, ang pagdampi ng make up brush sa talukap ng mata ko, maging ang kakaibang pakiramdam sa pag papahid ng kung ano sa labi ko, nakakailang kahit nakapikit ako. Hindi ako komportable.
Tila napaka tagal ng oras bago muling may magsalita. “Open your Eyes. ” banayad na naman ng boses nya ngunit may halo iyong excitement.
Binuksan ko ang mata ko at lihim na napangiti, nakikita ko parin ang sarili ko ngunit para sa akin ay napaka ganda ko, siguro ay dahil ngayon ko lamang naranasan ito.
“Isusuot mo ito. ” iniabot ng isang bakla ang maskara na magtatakip sa mata ko. “inutos ni Ma’am Reigine na sana’y hindi ka makilala ng mga tao do’n pero sa ganda mong taglay ay napaka hirap takpan ng makeup ang natural mong itsura kaya’t kailangan mo itong isuot.”paliwanag nya.
Tipid akong ngumiti kasabay ng pag tango ko, isinuot ko iyon at itinali sa ilalim ng bouncy kong buhok para hindi malaglag.
“mabuti na lamang at Medyo mababa ang Sandalyas na kapareha ng damit na ito.” nasabi ko nang palapit na ako sa pinto palabas.
“Please welcome the Pentagon Band! ” anang Mc, tsaka nagsimulang tumugtog ang banda sa maliit na stage na nakalaan talaga para sa kanila.
~ Panalangin ko sa habang buhay makasama ka, makapiling ka yan ang panalangin ko…oh~
Iyan pa lamang ang liriko na nakakanta nang abutin ni Master Reighton ang Kamay ko para alalayan ang pagbaba ko sa Hagdan, pilit ang pag ngiti nya hanggang sa makarating kami sa balkonahe malapit sa Pool, ‘kailan pa nagkaroon ng ganun doon? ‘
Hindi ko maiwasan na hindi manginig dahil si Master Reighton ito, ang masungit na bunso ng amo ni Ina’y, hindi nya kaya ako nakikila?
“The Song is not Suit with Us.. “nakasimangot na aniya, hindi ako makasagot dahil tyak na makikila nya ang boses ko kapag narinig nya iyon.
Bahagya kong kinagat ang labi ko para maibsan kahit paano ang kaba ko, “Don’t bite your Lip, it’s disgusting.” masungit na aniya na naman “Kapag masira ang Lipstick mo ay iisipin kong ikaw si Umbrella. “aniya tsaka umirap.
Nakilala nya nga ata ako…
Pag sampa namin sa mismong stage ng Balkonahe ay napalitan ang Kanta.
PLAYING :WHITE HORSE
Ipinikit ko sandali ang mata ko tsaka pinakawalan ang kaba na kanina ko...


pa inaalala, hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay naming magkasalikop.
Ang bawat ritmo ng kanta ay sinasabayan ko kaya’t naging madali sa’kin ang sumayaw ng Ballad, pilit kong inililihis ang paningin ko pero paano ko gagawin yun kung kahit sa isang, sigundo ay hindi manlang inilingon ni Sir REIGHTON ang paningin nya sa iba.
“Relax.. ” nakangiting aniya nang magsalubong ang mata namin, “Nakakatakot ba ang itsura ko? ” bahagyang lumukot ang noo nya animo’y nakuha nya ang sagot ko. “i’m sorry for the last time, the way i’m talking to you. ” senserong aniya na direktang nakatanaw parin sa mata ko.
“Ina’y hindi ba si Ate iyon? ” boses ni Aliya ang nangibabaw sa taenga ko kahit pa maingay ang buong paligid, gusto kong tumakbo at tumakas pero tyak na pagagalitan ni ma’am Reigine si Nanay kaya kailan kong manatili.
“Hindi ka padin sasagot? ” nakakapanibago ang paraan nya ng pagkausap sa’kin kaya’t muli kong inipit ang labi ko. “Thanks for the night. ” iyon ang huling sinabi nya bago kami huminto sa pag sayaw.
“Ate! Ano? Malambot ba ang kamay nya? Mabango ba sya?” kinikilig na saad ni Aliya lunes ng umaga habang papasok kami sa Eskwela, dalawang araw na ang nakakaraan mula nang mangyari iyon pero wala padinvmg patid ang kapatid ko sa pangungulit.
“Aliya, pasensya na ngunit wala akong panahon riyan. ” saad ko bago pumasok sa gate.” mag ingat ka sa pagpasok mo, magsabay na lamang tayo mamaya pauwi. ” saad ko tsaka naglakad papasok.
“Good morning, “maligayang bato sa’kin ng Varsity kong kaklse na si Ivan.
tipid akong ngumiti.
“Hindi mo padin ba’ko hahayaang manligaw? ” nangungulit na anito.
“pasensya na, pero kialangan kong unahin ang pag aaral ko. ” mahinahon na saad ko, sana ay maintindihan nya iyon.
“Look who’s Here…” si Nika,
“Magandang umaga.” saad ko tsaka humakbang papasok sa room pero hinarang nito ang kamay nya sa pinto kaya’t napahinto ako.
“Kinakausap pa nga kita… “sarkastikong aniya. “Bakit di ka nalang kasi mag Quit dito? Dun ka sa public school kasi yun lang naman ang kayang bayaran ng nanay mo diba? ” nagtawanan ang dalawa pa nitong kasama kaya’t nag baba ako ng Tingin.
“Nika, tama na yan.” awat ni Ivan.
Gusto nang tumulo ng luha ko pero bahagya akong nabigla nang may huminto sa harap ko,
“Oh-em-gi..”
“Hala… Si Reeeeiiii!” tilian ng mga ito.
“Si Reighton nga! ”
Nang mag angat ako ng tingin ay bumungad ang mukha ni Master Reighton, naging mabilis ang pangyayare.
Itinulak ako ng kasama ni Nika dahil nakaharang ako, naipikit ko ang mata ko at naghihintay na bumagsak, mabuti na lamang at may brasong sumalo sa likod ko kung hindi ay natumba na ako.
“Be carefull next time. ” ani Master Reighton tsaka ako itinayo nang maayus at diretso syang pumasok sa room.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top