Baby


Baby”
Written by: Celine Ven Hermosa
Nandito ako ngayun sa kwarto kasama ang pinsan ko, tinutulungan ko kasi siya sumagot sa kanyang mga modules. Sh*tang ina lang ‘di ko naman kapatid ‘to at ako pa ang pinapasagot, pero heh! wala akong magagawa si tita ang nagsabi.
“Teh, tapos kana ba?” tanong sa ‘kin ng pinsan ko habang nanonood sa selpon ng Mr. Bean.
“Tahimik ka nga diyan!” Buti nga siya diyan tamang nood lang habang ako pinapawisan na kakasagot sa modules niya.
“Teh, ba’t ayaw mo ng maingay?” kuryusong tanong niya.
“ ‘Di ako maka concentrate” h*nayupak! rold ilayo mo ‘to sa ‘kin baka anong magawa ko dito.
*
“Oh tapos na! Haystt” sabay diin ko ng lagay sa lamesa ang lapis.
“Yey! May natapos na din akong isa. Ayy hindi ko...


pa pa pala sinusulat sa papel” saad niya at lumingon sa kinaruruunan ko. Sa printed module ko lang kasi sinusulat ang sagot gamit ang lapes at kinukopya niya naman sa papel.
“Teh, ikaw na magsulat?” nag-puppy eyes pa ang luko.
Nilakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay bilang tugon.
Bigla siyang ngumisi at sabing “Joke lang po ito na, ikaw naman ‘di mabiro”.
Wag mo ‘kong mabiro biro bata ka!
“B, B” pagbabasa niya sa sagot.
“Ayy HAHAHA baby” dugtong pa niya.
“At wala ka non!” biglang sabat ko at binaling ulit ang tingin sa selpon ko.
“Meron kaya, si baby Rhaine” sabay hand gesture niya na may kinakargang bata.
Napasapo nalang ako sa ‘king noo, oo nga pala 7 years old pa ang kasama ko.
@Silverbullet
:: open for criticism.
:: plagiarism is a crime.
:: error’s ahead.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top