I Can Be Your Man


I Can Be Your Man”
Written by: Celine Ven Hermosa
Dedicated to: Grace Abellanosa
“Happy 5th Anniversary, Grace!” bungad ni Megan ng makarating ako sa resort. “Happy 5th Anniversary of friendship too Megan! I’m glad to see you.” bati ko dito pabalik. “Have a seat” saad nito kaya umupo na ‘ko. “Para sayo nga pala” aniya at may ibinigay na isang kahon sa ‘kin, “Ano ‘to?” tanong ko, “Basta, buksan mo nalang” saad nito na may ngiti sa labi. Binuksan ko ang kahon dahil na din sa kyuryoso at ang nakita ko ay isang frame na kaming dalawa ay magkasama, may kalakip pa itong sulat. Isang friendship letter lang naman, agad akong napangiti ng mabasa iyon.
“Nakakahiya naman, wala akong regalo para sa ‘yo” ani ko dito, “Nahh, don’t mind it, okay na sa ‘kin na nakapunta ka dito Grace, isang malaking pasasalamat na iyon kasi, ‘di ba? We usually celebrate our month of friendship just in social media.”
*
Nandito ako ngayun sa dalampasigan kasama si Megan, tinitignan ang paglubog ng araw. Ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin, ang tunog ng nagbabadyang alon sa dagat, at ang ganda ng tanawin. Ilang taon na din akong hindi nakakaramdam ng ganitong kapayapaan.
“G-grace, I have something to tell you” pagbasag ng katahimikan ni Megan, “Ano ‘yon?” kyuryosong tanong ko na tila ba’y may nararamdaman akong...


kaba pero hindi ko alam kung bakit. “Ahmm…” nanatili akong tahimik at hinihintay ang susunod niyang sasabihin habang ang tingin ay nasa dagat pa rin.
“G-gusto na kita” giit nito na tila ba’y naging dahilan ng pagkapipe ko at agad na lumingon sa gawi niya habang siya naman ay nakayuko lang. “H-huh?” halatang pagkabigla na tanong ko, like she’s been my best friend for almost five (5) years at ito, inamin niyang may gusto siya sa ‘kin, joke ba ‘to?
“Ewan ko, b-basta bigla ko nalang naramdaman ang hindi naman dapat” aniya, kita ko sa kanyang mga mata ang senseryo kaya hindi ko nalang talaga alam kong ano ba ang dapat kong sabihin. “Shhh” pagpapatahan ko dito, “seryoso ka ba riyan?” tanong ko muli. Tumango lang ito habang nakayuko pa rin. Hinawakan ko ang kanyang panga at initaas ito para makita ang kabuoang mukha nito. Nagkatitigan lang kami at wala niisang nagtangkang umiwas at nagsalita.
Napadaan ang tingin ko sa labi niyang kay pula at tumingin ako ulit sa mga mata niyang kumikislap sa ningning. Hindi ko alam ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para halikan siya ngunit tumugon lang din ito kasabay ng paglubog ng araw.
“Uhmm” umungol siya ng mahina pagkatapos akong kumalas sa pagkakahalik at naghabol ng hininga.
@Silverbullet
:: open for criticism.
:: plagiarism is a crime.
:: error’s ahead.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top