Maling Akala


Maling Akala”
Written by: Celine Ven Hermosa
Nakita ko si crush kanina sa park. May kasama siyang babae, ka-akbay pa niya. Siguro girlfriend niya ‘yon kaya nagselos ako at sumigaw ng…
“Hoy Stephen! Sino ‘yan ha?! Ilang araw pa lang tayo may bago ka na agad?!” nagsitinginan sa ‘min ang mga tao sa park dahil sa ginawa kong iskandalo pero hindi ko ‘yon pinansin. Akin lang ang bebe ko!
Tapos tumingin sa kanya ang babae, “’di mo sinabing may girlfriend kana pala kuya ha, ba’t ‘di mo pinakilala sa ‘min...


ni mama?” nalaglag ang panga ko sa sinabi nong babae.
‘Ano, magkapatid sila? Hala!’ bulong ko sa ‘king sarili. Tapos binalingan ako ng tingin ni Stephen at ngumisi pa ito sabay sabi ng “ipapakilala ko naman soon eh kaso nalaman mo na”. Wtf! Ba’t siya sumabay sa trip ko?! Anong pina-plano ng mukong na ‘to?
At ngayun, ka-chat ko siya. Nag sorry ako sa kanya tapos sabi niya..
“Panindigan mo ‘yon, hinahanap ka na ni mama sa ‘kin”.
@Silverbullet
:: open for criticism.
:: plagiarism is a crime.
:: error’s ahead.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top