Chasing My Cold Ex Chapter 2 (Flashback)


“Tay Robert, pakibilisan po ang pagpasok ng mga maleta ko sa van nang makaalis po tayo agad,” saad nito sa driver niya.
“Yes po, ma’am Pia,” sagot nito. At Inumpisahan na nga nitong kuhanin ang mga gamit niya at ilagay sa loob ng sasakyan.
Nagawi naman ang mga mata ng dalaga sa salamin niya sa loob ng kwarto, mugto ang mga mata nito pagkatingin niya sa repleksyon ng salamin. Kagabi pa siya aligaga, kinakabahan at lutang ang isip habang inaayos nito lahat ng mga gamit niya patungong America.
Halos hindi rin siya nakatulog kagabi dahil alam niyang sa pag-alis niya ay may masasaktan siya, at ‘yon ay ang kasintahan niyang si Gavin.
They are 2 years of being a girlfriend and boyfriend. They’re actually happy and grateful on their relationship. Until this day came, Sophia decided to breaking up with Gavin. And Gavin know nothing about this thing.
Wala rin alam ang kasintahan niya na aalis ito. At ang masakit pa ay ikalawang anibersaryo nila ngayon. Kahit pa alam ni Pia na masasaktan ang boyfriend niya sa gagawin niya, wala siyang choice, kailangan niyang gawin ‘yon habang maaga pa. Nang hindi na rin sila mahirapang dalawa kung sakali man na humantong sila sa bagay na ayaw niyang mangyari.
“Ma’am, lahat po ng mga maleta niyo ay naipasok ko na sa loob ng sasakyan. Hihintayin ko na lang po kayo doon,” anito driver niya. Tumango lang ang dalaga.
Nanatili muna sandali si Pia sa kanyang silid, gusto niya munang makita sa huling pagkakataon ang apat na sulok ng kwarto niya na naglalaman ng mga pictures at painting nilang dalawa ng boyfriend niya.
Sa kabilang banda, habang nasa byahe ay hindi mapigilan ng binatang si Gavin na mapangiti habang hawak nito sa kabilang kamay niya ang isang kahon na naglalaman ng singsing.
Patungo ngayon siya sa bahay ng kasintahan. Mababakas sa mukha nito ang saya. Excited na excited siya dahil may surpresa siya para sa babaeng mahal niya, balak niyang mag-propose rito.
Kabado man ang puso niya pero hindi ‘yon naging hadlang upang hindi niya ituloy ang balak niya na ayain si Pia na magpakasal.
Gusto na kasi nitong itali ang dalaga nang hindi na ‘to mawala pa sa kanya. Kahit kasi sila na, marami pa rin lumalapit kay Pia, na siyang kinakatakutan niya, baka kasi iwanan siya ng dalaga dahil may makilala siyang bago nang pa higit sa kanya. At isa pa nasa right age naman na rin sila kaya wala naman sigurong masama kung yayayain na niya itong maging asawa niya.
Pagkarating sa tapat ng bahay nila Pia ay agad nitong itinigil ang kotse niya at mabilis na bumaba dala ang isang bulaklak patungo sa loob ng bahay.
“Nanay Flor, ano po’ng meron? B-bakit may hawak-hawak kayong bag? Saan po kayo pupuntang lahat?” takang tanong ni Gavin sa mga maid ni Pia nang gano’ng sitwasyon ang naabutan niya. Napalunok na lang sila at hindi nakasalita agad dahil hindi nila alam kung ano ba ang magandang sabihin.
“A-ah, m-mag, magba-bakasyon lang iho, oo.” saad ng mayordoma...


ng mansyon. Tumango lang ang binata.
“Si Pia po pala, nasaan? Nasa kwarto po ba niya?” pag-iiba ng tanong ni Gavin, may ngiti sa bawat sambit nito ng mga salita. Tanging tango lang ang naisagot ng mga kasambahay sa binata. Para silang nag-iingat sa mga sasabihin dahil baka may masabi sila na hindi dapat sabihin.
Paakyat pa lamang si Gavin patungo sa kwarto ni Pia nang makita niya ang dalaga na pababa na rin ng hagdan. Nakayuko ang dalaga kaya hindi pa siya nito napapansin. Nagtaka naman ang binata nang makita nito ang suot ni Pia, bihis na bihis ang dalaga ng panlamig na damit. She’s wearing a striped turtleneck with a pair of high-waisted black skinny jeans and white boots, at nasa kabilang kamay pa ng dalaga ang isang oversized hooded black jacket.
“Good morning, Love,” masiglang saad ni Gavin kay Pia. Napaangat ng tingin ang dalaga at ikinagulat nito ang taong nasa harapan niya. Ilang segundo siyang hindi nakagalaw pero nang lapitan na siya ni Gavin ay napabalik ito sa reyalidad.
At nang makababa ang dalawa ay doon siya niyakap nang mahigpit ni Gavin, hindi naman makagalaw si Pia sa pwesto niya. Wala rin kahit anong salita ang lumabas sa bibig niya. Naba-blangko ang utak niya dahil sa presensya ni Gavin.
“Happy anniversary, Love. Flowers for my queen. I love you!” Masiglang sambit ni Gavin sabay bigay nito ng isang bouquet of red roses. Nasa sala na sila at umalis muna ang mga maid at nagpunta sa likuran para bigyan sila ng time.
Nanghihinang tinanggap ni Pia ang bulaklak na ‘yon. Hindi ito makatingin ng deretso kay Gavin. Pagkatapos nitong abutin ‘yon ay basta na lang siyang hinalikan ni Gavin sa noo nito, sa magkabilang pisngi at pagkatapos sa labi, na siyang lagi namang ginagawa ng binata sa kanya, ang nakawan siya ng halik. Ngumiti na lang siya ng pilit.
“Love? Ok ka lang ba? Kanina ka pa hindi nagsasalita, eh. Atsaka bakit ganyan ang suot mo? Hindi naman malamig, ah. Hindi ka ba naiinitan?”
“A-ah, o-oo, oo, ok lang ako, Love. Atsaka nilalamig kasi ako k-kaya ganito ang s-suot ko.” Tumango-tango lang ang binata. Mahigpit naman ang ginawang paghawak ni Pia sa laylayan ng damit niya, na-g-guilty siya sa pagsisinungaling kay Gavin.
“Ok, so, tara na, Love? May malaking surprise ako sa’yo sa bahay,” excited na sambit ni Gavin. Napalunok na lang si Pia.
“S-surprise? Ano naman ‘yon?” utal na tanong ni Pia. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa kaba.
“Secret love.” Kinindatan pa siya nito.
Akma nang hahawakan ni Gavin ang kamay ni Pia para sana magkahawak kamay silang aalis pero iniwas ng dalaga ‘yon na siyang ikana-kunot noo ng binata.
“L-love, may problema ba?” takang tanong ng binata. Nabigla ito sa pag-iwas ng kamay ni Pia, na kahit kailan hindi ginawa ng dalaga.
“Hmm, ano kasi love, pasensya ka na kung ngayon ko lang sasabihin ‘to, biglaan rin kasi. M-may problema sa bahay nila ate Sindy, k-kailangan ko siyang puntahan ngayon kaya hindi ako makakasama sa’yo,” paliwanag niya.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. if i have just signed up but I actually would really like to see a specific letter (Lorelei Lee’s) is there some place i’m able to possibly look at it or obtain a copy somehow?

  2. This is the precise weblog for anyone who wants to search out out about this topic. You notice a lot its virtually arduous to argue with you (not that I really would need HaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a topic thats been written about for years. Nice stuff, simply great!

Leave a Reply


top