The Battered Wife CHAPTER 22


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
After five years…
Buong akala ko ay babalik rin agad sa tabi ko si Sky , pero nagkamali ako.
Ang ilang araw na pinaghintay ko ay naging ilang linggo , ilang buwan hanggang mauwi sa ilang taon.
Ganon katagal na niya ako inalis sa kanyang buhay.
Akala ko pa naman totoo yung sinabi niya sa akin noon na mahal niya ako at gagawin niyang lahat para muling mapasagot ako.
Yung love birds na binigay niya sa akin ay pilit kong inaalagaan pero kahit na anong ingat ko para lang wag silang mawala ay hindi nangyari.
Unang nawala yung lalaking ibon kasunod yung babaeng ibon.
Tanging ang naging hawla na lamang ng mga ito ang naiwan sa akin.
Pilit ko man kalimutan ang lahat , hindi ko naman magawa.
🌻
Yung tungkol naman sa kalagayan ni Franco ay inamin din niya agad sa akin.
Nagalit lalo ako sa kanya noong sinabi niya sa akin na tinangka niyang kunin ang lahat kay Sky.
Siya pala ang dahilan kung bakit bumabagsak ang kompanya ng lalaking mahal ko.
Siya pala yung taong sumira ng relasyon naming dalawa ni Sky.
Nakasuot lang pala siya ng maskara para maitago ang masama niyang ugali.
Pero kahit na sobrang galit ang naramdaman ko para sa kanya ay natuto pa rin akong magpatawad.
Hindi kase lahat ng bagay ay maidadaan sa galit.
Dapat matuto ding magpatawad.
Humingi rin naman agad si Franco ng kapatawaran sa lahat ng kanyang nagawa.
🌻
Naging kaibigan ko pa rin naman si Franco kahit na may mga masama siyang nagawa sa buhay ko.
Actually , may girlfriend na si Franco.
Yung nurse na tumutulong sa kanya habang ginagamot siya.
” Bella , iniisip mo na naman ba siya ? ”
Tanong sa akin ni Franco.
” Mahal ko pa rin si Sky.Hindi ko alam kung babalik pa siya sa akin.”
” Magtiwala ka lang Bella.Hindi ka matitiis nun.”
” Sana nga Franco.”
Kasalukuyan kaming nasa labas ng hospital na pinagtatrabahuhan ng girlfriend ni Franco.
Hanggang sa may nakita akong bata na masayang naglalaro at tinatawag ang kanyang ama.
” Daddy habulin mo nga kase ako.”
” Ikaw ha palagi mo akong pinapagod.”
Napatingin naman ako sa tatay ng batang naglalaro.
Ganon nalang ang kabog ng dibdib ko na isang pamilyar na mukha ang nakita ko.
Ang lalaking halos limang taon ko ng hindi nakikita.
Si Sky nagbalik na siya kaso may anak na siya.
” Bella , wag ka ng tumingin alam kong lalo ka ng nasasaktan.”
Si Franco ,
nakita na rin niya pala si Sky.
iimik pa sana ako pero may narinig kaming pamilyar na boses ng isang babae.
” Daddy Dominick at Baby Justin magpahinga na muna kayo ”
Si Zeny.
Ang bunso...


kong kapatid.
” Franco , bakit ganon , ang sabi ni Sky hindi siya ang ama ng anak ni Zeny pero bakit ngayon magkakasama sila.Dapat ako yung kasama ni Sky.Ako dapat yung masaya.”
Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
Agad akong niyakap ni Franco.
” Kung talagang sila pa rin ang magkakatuluyan baka panahon na para kalimutan mo na ang pagmamahal mo para kay Sky.”
” Hindi ko alam Franco kung kaya kong turuan ang puso ko na kalimutan nalang ang lahat ng nararamdaman ko para kay Sky.Masyado ko siyang mahal.”
” Alam mo , umalis nalang muna tayo dito … tatawagan ko lang muna ang girlfriend ko para sabihing sa ibang lugar nalang tayo magkikita-kita alam kong maiintindihan ka nya.”
” Salamat Franco dahil hindi mo pa rin ako iniwan.”
” Para sana pa at naging magkaibigan tayo Bella.Tsaka bumabawi na rin ako sa lahat ng nagawa ko sayo.”
Pagkatapos niyang tawagan ang kanyang girlfriend ay umalis na agad kami sa lugar na iyon.
( ZENY – POV )
Bigo akong mahanap ang ama ng pinagbuntis ko.
Ito nga siguro yung kabayaran sa lahat ng nagawa ko sa pamilya ko noon.
Tahimik kaming nabuhay sa Korea pero isang araw nakita ko nalang doon si Dominick.
Nagataka nga ako bakit siya naroon.
Agad ko siyang kinausap at sinabi naman niya ang dahilan.
Ang sabi ko nga ay bakit hindi niya binigyan ng panahong makapagpaliwanag si Ate.
Hindi na daw niya inantay pa na magpaliwanag ito sa kanya dahil alam daw niyang si Franco pa rin ang pipiliin ni Ate Elise.
Sobra akong naawa sa kanya noong oras na yun.
Palagi siyang naglalasing at hindi kumakain ng maayos.
Pero bigla siyang nagbago at sinabi sa akin na hahayaan na daw niyang maging masaya si Ate Elise sa piling ni Franco.
At saka na daw ni kakausapin si Ate Elise.
Lumipas ang mga panahon hindi na niya ulit binanggit pa ang pangalan ni Ate.
Siguro ay pilit niyang kinakalimutan ai Ate pero alam ko naman na mahal pa rin niya ito.
Minsan kase nakita ko itong seryosong nakatingin sa kanyang cellphone yun pala tinitingnan niya ang larawan ng aking kapatid.
Tungkol naman sa anak ko , hinayaan lang ni Dominick na tawagin siyang Daddy.
Tutal naman daw ay wala na itong kinilalang ibang ama .
Naging magkaibigan nalang kami ni Dominick.
Suportado pa nga niya yung lalaking nanliligaw sa akin ngayon.
🌻
Nagpasya ako na muling bumalik sa Pilipinas , panahon na para ayusin ko ang buhay ni Ate Elise.
Gagawa ako ng paraan para magkita at magkaayos silang dalawa ni Dominick.
Kung noon , ako ang naging dahilan ng paghihiwalayan nila , ngayon naman ako ang magiging tulay para makapunta sila sa magandang kinabukasang naghihintay sa kanila.
( TO BE CONTINUED … )






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top