Sa panulat ni Rocel P. Cheche
Si Debbie at Diana ay nag-aaral sa isang private school si Lola Maneng ang nagpapaaral sa kanila, may malaki itong puwesto sa palengke, may tindahan sila roon, iba ibang klase ng paninda, pagkain, gulay, karne at mga prutas at kung ano ano pa, kaya medyo ayos naman ang kinikita nila, tuwing 5:00 ng umaga ay naroon na si Lola Maneng hanggang 5:00 ng hapon kasama ng dalawa niyang tindera, pag sabado naman ay sarado ang tindahan niya at nagpapahinga siya, pag linggo naman ay nagsisimba siya, pag medyo may libreng oras si Diana, tinutulungan niya si Lola Maneng.
Samantalang si Debbie puro kalokohan nga ang alam, walang ginawa kundi makialam ng buhay ng iba.
Dumaan ang mga araw, nagkagulo sa klase at sangkot sa problemang ito si Debbie.
Ipinatawag si Debbie at kinausap ng Principal nila… Sa Paaralang kanyang pinapasukan.
” Debbie, alam mo ba na inirereklamo ka ng mga Magulang ni Lilibeth? Dahil si Lilibeth ay pinagkakalat mo na buntis! Nakakahiya sa mga Magulang niya, nagkakalat ka ng tsismis…” wika ng kanilang Principal.
” Madam Principal, hindi naman po ako ang nagkalat ng balitang iyon na buntis po ang kaklase kong si Lilibeth, wala po talaga akong alam dun.” Magalang na pagpapaliwanag ni Debbie.
” Kung hindi ikaw? Sino??? hindi mo ba alam na sikat na sikat ka sa kaingayan?, nagkakalat ka ng tsismis at baka nga totoo ang sinasabi nila.” Galit na wika ng kanilang Principal.
Nang mga oras na iyon kakaibang Debbie ang nakita ng lahat dahil ito’y seryosong seryosong nagpaliwanag, umiiyak ito at ramdam ang pagkasinsero nito.
” Madam Principal, maniwala po kayo sa akin, wala po talaga akong alam sa kung anung nangyari kay Lilibeth, hindi ko po magagawa talaga na sirain ang buhay ni Lilibeth, madaldal lang po ako pero di ko po talaga kaya manira ng buhay ng iba.” wika ng lumuluhang si Debbie.
Kinausap ng Principal si Lola Maneng ukol sa ginawang eskandalo ni Debbie at dalawang linggong hindi pinapasok sa klase si Debbie.
Sa dalawang linggong iyon, isang tao lang ang naglakas loob na dumalaw sa kanya at ito’y si Jerry…
Ipinagtanong ni Jerry ang bahay nila Debbie, nadatnan ng binata na nakaupo sa labas ng bahay nito si Debbie na malungkot ito, nag- iisip at ibang iba sa dating Debbie…
” Debbie, kumusta ka na?.” Bati at tanong ni Jerry.
” Ayos naman Jerry, pero teka bakit ka naparito? Maupo ka muna, siguro susumbatan mo rin ako kasi napakaingay ko pati buhay ng iba pinakikialaman ko, buti ka pa tahimik ang buhay mo, Ano ba itong pinagsasasabi ko, Oo nga pala Jerry, Anong ginawa nyo sa klase? May T.A. ba tayo?.” mahabang wika ni Debbie.
” Mayroon, bakit nami-miss mo ba ang mga T.A. natin?.” Pabirong wika ni Jerry.
” Sana nga kagaya kita, napakasipag mong gumawa ng T.A… napakasipag mong mag-aral.” wika naman ni Debbie.
” Debbie kung susubukan mong mag-aral ng mabuti at seryoso ka sa pag-aaral mo, magagawa at makakaya mo.” paliwanag ni Jerry.
” Ah… eh… ganoon ba yun…?.” wika naman ni Debbie.
” Bakit, nag-iisa ka nga pala ngayon? Nasaan si Lola Maneng?.” tanong ni Jerry.
” Nasa palengke siya, nagtitinda roon, gusto ko nga sumama para tulungan siya kaya lang sabi niya kaya na raw niya at nung mga tindera niya… baka daw makagulo pa ko doon kaya eto pinagbantay na lang niya ko ng bahay baka raw kasi mawala ang nakatago niyang yaman dito sa bahay, bantayan ko daw…Si Ate Diana naman pumasok sa school pero mamaya narito na iyon .” paliwanag ni Debbie.
” Ah… ganoon ba? Debbie, alam mo ba nami-miss ka na ng mga Classmate natin.” wika ni Jerry.
” Talaga? Totoo ba? Sabihin mo sa kanila, super duper na nami-miss ko na rin sila… pero may tanong ako sa iyo? Sila lang ba talaga ang nakakamiss sa akin? Ikaw ba hindi mo ko nami-miss Jerry?.” pabiro ni Debbie na nagpa beautiful eyes pa.
” Siyempre, Oo naman, namiss rin kita Debbie.” wika ng nakangiting si Jerry.
” Asus! Totoo, promise,...