πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ π•‹π•Žπ•†


NAPALUNOK si Claire habang nakatunganga sa tapat ng main building ng Santiago University na bubungad pagkapasok. Ito na siguro ang pinakamagandang school na nakita niya.
“Wow ang ganda!” napatingin si Claire sa babaeng nakacivilian din gaya niya.
“Grabe, ang ganda talaga dito! OMG! Totoo kaya yung tsismis na madaming guwapo dito?!” napapatingin sa kanya yung ibang estudyante kasi mukha siyang loka loka habang picture ng picture sa paligid tapos kinakausap niya pa ang sarili niya.
Lumapit sa kanya yung babaeng nakacivilian din. Ang ganda nito at ang kinis.
“Hello? Hindi ka nakauniform, scholar ka rin?” tanong niya pagkalapit kay Claire. Ngumiti si Claire at tumango.
“Ako nga pala si Lara.” nakangiting sabi niya. Nakakahawa yung magandang ngiti nito.
Naaalala ni Claire ang pangalan niya. Isa din ito sa mga nakapasa.
“Ako naman si Claire. At oo scholar din ako dito.” nakangiting sabi niya.
“Grabe ang ganda dito noh? ! Ang ganda rin ng uniform nila. Excited na tuloy ako na medyo kinakabahan.”
“Teka, alam mo ba kung saan yung admin? Diba sabi doon daw tayo dumiretso?” tanong ni Claire.
“Hehehe, hindi ko nga alam kung saan yon, eh. Teka magtanong tayo.” Lumapit si Lara sa lalaking nakaupo sa may bench na busy sa pagbabasa.
Grabe, napaka friendly naman ni Lara. Napabuntong-hininga siya. Miss na niya si Jellaine.
“Kuya, saan po yung administration building?” tanong ni Lara sa lalaki.
Itinigil nang lalaki yung pagbabasa at tumingin sa kanilang dalawa, especially kay Lara.
πŸ’­ Hala ang guwapo naman πŸ’­
Tumayo ito at lumapit sa kanila.
πŸ’­ Grabe, ang tangkad din niya. πŸ’­
“Sasamahan ko na kayo. By the way, kayo ba yung scholar?” tanong nito. Tumango sila ni Lara.
πŸ’­ Grabe, ang guwapo talaga niya sana madami pa kaming makilala ni Lara na kasing guwapo niya para ganahan ako pumasok lalo. πŸ’­
“By the way, I’m Clarence Jid Mancol. Just call me Clarence. And you? tanong niya kay Lara.
“Lara Angel Sy, Lara na lang.” 😊 nakangiting sabi nito.
Napatingin sa akin si Clarence.
“Ako naman si Claire Ramos.” natigilan si Clarence sa pagpapakilala niya.
“Claire Ramos? Oh, you’re the unlucky woman.” nakangiting sabi nito. Napakunot ang noo ni Claire.
“Ha?” tanong ni Claire.
“Nothing, dont mind me. So, lets go?” tumango na lang silang dalawa ni Lara.
Nagsimula na silang maglakad patungo sa administration building. Parang naging tour guide nila si Clarence dahil panay ang salita nito habang nililibot niya kami.
“Here’s the administration building. By the way, I really need to go. See you around, bye Lara,” sabi nito kay Lara.
πŸ’­ Wow, so hangin pala ako dito? πŸ₯ΊπŸ€£ HAHAH πŸ’­
“And Claire……”
Napatingin siya kay Clarence.
“goodluck…” pahabol na sabi nito saka umalis na.
Pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin ang goodluck na yun pero deadma nalang niya . Praning lang siguro yung lalaki.
Agad silang pumasok sa loob. May isang lalaking nakacivilian din na nakaupo sa may couch.
“Hello.” pagbati ni Lara sa lalaki.
“Hi.” sabi ng lalaki.
“Ako nga pala si Lara at ito naman si Claire.” pagpapakilala ni Lara.
“Im Mark Damien,” nakangiting sabi nito.
“You’re all here.” natigilan kami at napalingun sa babaeng palapit samin, estudyante lang din ito dahil nakauniform siya.
“Im Ashly Villamayor, president ng student council. Nandito ako...


para asikasuhin kayo.” nakangiting sabi niya saka inayos ang eyeglasses niya.
Nagsimula na silang i-tour sa school. Medyo pamilyar na samin ang iba dahil kay Clarence.
“Nextweek niyo makukuha ang uniform at ID niyo. Lagi niyo dapat dala ang ID niyo dahil iniiscan yun at yan ang mag sisilbing attendance niyo.”
“Ashly, bakit may mga estudyante na? Hindi pa pasukan diba?” tanong ni Mark.
“Iba iba ang start ng klase depende sa course. Business Administration kayo ni Lara, diba? Nag start na yun last week kaya medyo maghahabol kayo. Ikaw naman Claire, since accountancy ang course mo, next week ka pa.”
Natigilan kami nang may apat na kalalakihang lumabas galing sa canteen, kasama si Clarence doon.
“Silang apat miyembro sila ng BTS Group. ‘Beyond the Scene’ Group 😊 Actually, anim yan sila. At naghahanap pa sila ng isa pa.” Napakunot ang noo ni Claire sa sinabi niya. BTS Group?
“Grupo sila ng mga kalalakihang ubod ng gwapo. Mas maganda kung wala na lang kayong makaka encounter sa kanila. Yung dalawang nasa unahan na nag-uusap, si Clarence at Luke. Yung huli sina Ace at Calex. At ito naman si Mike Reid Santiago,” ipinakita nito sa kanila ang picture ng lalaki.
πŸ’­ Wow, ang gwapo niya sobra. Kaso mukhang hindi marunong ngumiti. πŸ’­
“Pamangkin siya ng owner ng school na to. Wala akong picture ni Rain pero mas iwasan niyo yung tao kasi mahilig mang trip yun, tiyak mapapaiyak na lang kayo. Pero dont worry, di naman kayo pagtitripan kung wala kayong kasalanan.”
Natigilan si Claire. πŸ’­ Rain? Bakit parang pamilyar sakin ang pangalang yun? πŸ’­
Imbis na gumaan ang loob ni Claire. Mas lalo lang natakot si Claire sa sinabi ni Ashly.
πŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œπŸ’œ
ISANG linggo na ang nakalipas, ngayon na ang simula ng first day niya. Si Lara ay nakaraang linggo pa.
Kinuha niya ang cellphone at nagselfie at sinend sa nanay niya ang picture niya.
25minutes pa bago magstart ang first class niya kaya bumili muna siya ng kape sa canteen. Ininom niya ang kape habang naglalakad. Natigilan siya nang nagvibrate ang phone niya.
π™΅πšπ™Ύπ™Ό : π™½π™°π™½π™°πšˆ ❀︎
π™ΆπšŠπš—πšπšŠ πš—πšŠπš–πšŠπš— πš—πš πšŠπš—πšŠπš” πš”πš˜! π™ΆπšŠπš•πš’πš—πšπšŠπš— πš–πš˜ πš‘πšŠ?
Napangiti siya sa text ng nanay niya.
“What the f*ck?!” napapitlag ako sa mariing mura na narinig ko.
Napasinghap siya nang mapatingin sa dibdib ng lalaki pababa sa tiyan, natapunan niya ang uniform ng kape.
“Naku, paano ba to? Kuya, sorry po talaga!” πŸ₯ΊπŸ™
Napakagat siya sa ibabang labi dahil nakakaagaw na sila ng pansin sa ibang estudyante.
“Sorry po tala———”
Natigilan siya nang mapatingala at napatingin sa mukha ng lalaki. Napakunot ang noo niya habang nakatingin siya sa lalaki……..
πŸ’­ Pamilyar yung mukha niya. πŸ€” Teka, saan ko nga ba siya nakita? πŸ’­
“Ipinanganak ka ba talaga para sirain ang araw ko?” tanong nito sakanya. Habang nakatingin ng masama.
Napasinghap si Claire at napatakip ng mukha.
“Rain……” tama! Rain ang pangalan nung lalaking siniraan ko ng relasyon 6months ago…. At siya yung Rain na miyembro ng BTS group.
Nagtayuan ang mga balahibo ni Claire nang tignan niya si Rain. Pinaglapit ni Rain ang mukha nila Claire.
“Its payback time” 😏
Mukhang hindi matatahimik ang buhay niya. Para siyang binuhusan ng buong buong yelo ng makita ang mukha ng lalaki. Ni sa panaginip ay hindi pumasok sa isip niya na magkikita ulit ang landas nilang muli.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top