Kapag Puso’y Tumibok SPECIAL CHAPTER


(After Eight years)
“Mix naman,Itigil mo yan wag kang ganyan”
“Ano ba bitawan mo nga ako pablo.Ayoko na hindi ko na kaya.Maghiwalay na tayo”
“Mahal naman”
“Bwesit mahal mo mukha mo.Ano ba bitawan mo nga sabi ako eh,nakakairita ka na ha!”
“Itigil mo na kasi iyang pag-iimpake mo”
“Hindi!Aalis ako dito.Makikipaghiwalay na ako sayo.Ayoko na sayong hay*p ka”
“Hindi mo na ba ako mahal?”Aniya sa asawa.Tumigil ito sa pag-iimpake at tumingin sa kanya.
“Mahal kita.Ikaw itong hindi ako mahal”
“Ha?Sino naman ang nagsabi sayong di kita mahal?.Mixxel naman,mula ng makilala kita hanggang ngayon ay mahal kita. Kaya hindi totoo yang sinasabi mong di kita mahal ”
“Mahal daw,Lukohin mo lilang mo pablo.kong mahal mo ako susundin mo simpleng utos ko, pero ano?Kapag nagre-request ako ang dami mong dahilan kesyo malayo,kesyo kaylangan pang magbarko,Kesyo gabi na,kesyo umuulan at kung ano-ano pang kesyo mo!”
“Eh totoo naman kasi iyon mahal.Ang hirap hirap naman kasi ng mga nere-request mo.”
“Mahirap?Mahirap ba maghanap ng taho ha?.Mahirap?”
“Oo mahal mahirap.Saan ka ba makakakita ng taho ng ganitong oras?,mag-aalas-dose na nangmadaling araw oh.Walang nagtitinda ngayon noon,Mamayang umaga pa.kaya mamaya kanalang kumain noon”
“Ayoko gusto ko ngayon na.At kong ayaw mo kong bilhan noon.Aalis nalang ako dito at ako nag maghahanap at maghiwalay nalang tayo.Di mo naman ako mahal”
Bigla siyang nataranta nang buhatin ni mixxel ang maletang may lamang damit nito at dire-deritsong lumabas ng kwarto.
“Mixxel!”Tawag niya ngunit di siya pinansin nito at tuloy sa paglalakad pababa ng hagdan.
“Mahal naman,bumalik ka dito”
“Mix,baka malaglag ka sa hagdan oyyy”
“Mixxel.Mixxel.Mixxel.Mixxel”Pagtawag niya.wala na siyang paki-alam kong magising man niya ang mga kasama nila sa bahay.
“Bwes*t ka pablo,tigilan mo ang pagtawag ng pangalan ko.naiinis ako sayo”Anito nang makababa ng hagdan.
Hinabol niya ito at hinawakan sa braso.Nagpumiglas ito.
“Bitawan mo ko,Ano ba!”
“Sige na,Sige na bibilhan na kita.Wag ka lang umalis”Sabi niya sabay habol ng hininga dahil hiningal siya kakahabol sa asawa.
“Talaga?”Tumigil ito sa pagbiglas.Tumango siya.
“Oo.Antayin mo ako bibilhan na kita”
“Okay.Bibilhan mo rin pala ako.Ang dami mo pang dahilan.Sige na bilhan mo na ako mahal.”Ang kaninang inis nitong boses ay napalitan ng malambing na tono.
Napakamot nalang siya ng ulo dahil sa pabago-bagong ugali ng asawa.Nagpaalam siya saglit rito para magbihis dahil nakaboxer short lang siya at bago umalis ay may binilin pa ito sa kanya na kinasakit ng ulo niya.
“Mahal.Saan ako makakakita noon”
“Aba malay ko,maghanap ka”
“Pero mahal”
“Wala ng pero-pero pablo.Maghanap ka noon at wag kang babalik dito na wala kang dala ng sinabi ko”
Napailing siya sa dahil sa asawa.Kahit kailan talaga ay hindi maaalis sa ugali nito ang kasungitan at mas lalo pa yatang naging masungit ito ngayon kaysa noon.
Namomoblemang tumango nalang siya sa asawa at tumalikod para lumabas at bumili ng sinabi nito.Saan naman kaya siya makakahanap ng sinabi nito?.
“Saan ako makakahanap noon?”Parang tangang tanong niya sa sarili habang nagdadrive.
Dalawang taon na silang kasal ni mixxel.Gaya ng ibang magkarelasyon Hindi naging madali ang pagsasama nila bilang mag-asawa.Madaming pagsubok na dumating sa kanila.Tukso,Selosan,tiwala sa isa’t-isa,At ang pinaka mahirap ay iyong ipaglalaban ang relasyon sa mga taong tutul sa pagmamahalan ng dalawa. Lahat iyon ay naranasan nila,At lucky to say, nalagpasan nila iyon lalong-lalo na yong huli.Hindi kasi naging pabor sa kanya ang magulang ni mixxel at pilit silang pinaghiwalay ng mga panahong magkasintahan pa lamang sila.Lalo’t na at nalaman ng mga ito na isang hamak na nagtatrabaho lamang siya sa hacienda ngunit hindi siya nagpa-apekto sa mga masasakit na salitang nanggaling sa mga magulang ng dalaga at Pinaglaban niya talaga ito at ganun din naman si mixxel .Kahit na sinabi ng mga ito na itatawil ito bilang anak ay hindi ito...


natinag at ipinaglaban siya.Ngunit lumipas ang mga taon ay unti-unti rin naman siyang natanggap ng mga ito lalo na’t noong nakapagtapos siya ng pag-aaral with honor pa.Siya na rin ang pinamahala ni tita zan sa hacienda dahil matanda na rin kasi ito.Lumago at naging maganda lalo ang kalagayan ng hacienda sa pamamahala niya at dito narin sila nanirahan ni mixxel pagkatapos nilang magpakasal kasama din nila rito si tita zandra.
Pagkatapos ng Limang oras ay nakauwi na siya.Alas singko na ng madaling-araw.Naabutan niya ang asawa na nakaupo sa may sala habang kumakain ng Saging na sinasawsaw sa……..
Bagoong?
‘Anong lasa noon?’Tanong niya sa sarili habang nakangiwi na nakatingin sa masayang kumakaing asawa.
Napalingon ito sa kanya at sinenyasan siyang lumapit kaya lumapit siya rito at umupo sa tabi.Nilagay niya ang dalang supot sa mesa.
“Bakit ngayon ka lang?”Anito.
“Naghanap ako ng binabili mo”
“Ahh may nabili ka ba?Dahil ko wala lumabas ka dito at magkanap pa”
“Oo naman mahal.Ito oh”Kinuha niya ang supot at binigay dito.
Kinuha nito ang supot binuksan.Napangiwi ito.
“Ano ito?”Tanong sa kanya.
“Tahong may manga,saging,pinya,mansanas,cherry,ubas,avocado.Gaya ng sinabi mo”
“Pagkain ba ito?”
“Oo naman,Special Yan.ne-request ko talaga sa pagtataho Para sayo”
“Ewww ayoko niyan.Ikaw kumain”Nandidiring sabi nito sabay abot sa kanya.
“Ha?”
“Bingi ka ba sabi ko,ikaw kumain ayoko niyan parang kaning baboy ang itsura, nakakadiri”
Napanganga siya sa sinabi nito.Ilang oras siyang hindi natulog para lang maglibot para lang makakita sinabi nito.At Ngayon hindi naman pala nito kakainin.Pinagod lang siya nito sa pagdadrive.
Napapikit siya sa inis.Ang sarap nitong bigwasan.
“Oh bakit ka nakapikit diyan?Naiinis ka? Nagagalit ka sakin?,”Tanong nito kaya napadilat siya.Nakita niyang namamasa ang mata nito kaya nataranta siya.
“H-hindi..hindi mahal.Wag kang umiyak..sh*t yong baby natin”
“Hindi eh.Nakapikit ka na parang napipigil ng galit eh.”Humagulhul na ito.
“Shhh mahal hindi.Promise di ako galit,inaantok lang ako”
“Talaga?”
“Oo kaya wag kaang umiyak”Aniya sabay punas ng luha nito.
“Promise”parang batang wika nito kaya natawa siya.
“Promise”
“Sabi mo iyan ha.Kakainin mo bang itong taho?”
Napatingin siya sa binili at napangiwi,parang kaning baboy nga ang itsura.”Ayoko”
“Pwes,Bigay mo nalang kay bruno yang binili mo”Sabay abot sa kanya ng supot
“Bruno?Sinong bruno?”
“Yong baboy”
“Sino sa kanila?”
“Yong kulay pink na baboy”
“Mahal lahat ng baboy natin dito kulay pink”
“Ayy oo nga pala.Hanapin mo iyong may nunal sa ngala-ngala, iyon si bruno.Sa kanya mo ibigay yan”
“Baboy na may nunal sa ngala-ngala?Meron bang nunal sa ngala-ngala ang mga baboy?”
“Oo si bruno”
“Pero mahal”
“Sige na bigay mo na.At wag kang papasok dito sa bahay hanggang di mo naibibigay kay bruno yan.Naiintindihan mo?”
Bumalik na naman ito sa pagiging masungit kaya napakamot nalang siya at tumayo para sundin ang gusto nito.Mukhang tatanda siya ng maaaga dahil sa kasungitan ng asawa.At bago tuluyang lumabas ay sinulyapan niya pa ito saglit.Napangiti siya.
“Kahit na sungitan ng sungitan mo ako, hindi ako nagsisising minahal at pinakasalan kita.Mahal na mahal kita mixxel,kayo nang magiging anak natin”Wika niya at tuluyan ng lumabas at tumungo sa coral ng mga baboy para hanapin si bruno.Ang baboy na may nunal sa ngala-ngala.
πŸ’•A/N:Wala na po,..sana napasaya ko kayo sa special chapter nato.At sorry po kung may nadissapoint dahil sa ikli nang story nila mixxel at pablo😞.but thank you parin sa mga nagbasa at nagustuhan Ang kwento ko hanggang sa susunod po ulit☺ πŸ’•
A/N:Hello po,About po sa paglilihi na sinulat ko sa kwentong ito.I know po na napaka-OA po ng ginawa ko tungkol doon na hindi talaga makatutuhanan.Gusto ko lang po mag-sorry sa mga na OA-yan doon at may nadismaya.Sorry po.Ang akin lang naman po ay just for fun lang but thank you parin po dahil umabot kayo sa pagbabasa ng special chapterπŸ™‚






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. frases sabias sobre el amor que te levantaran el animo

Leave a Reply


top