MY HEARTLESS MAN CHAPTER 5


MR SEBASTIAN AND MAXINE STORY
Dahan dahang inilapag ni Sebastian ang dalaga sa sofa. Napakagat labi na lamang si maxine dahil sa pagiging gentleman ni Sebastian.
“Sandale lng kukuha ako ng first aid kit” Nagmamadaling Kumuha si Sebastian upang magamot na ka agad ang dalaga.
“Ah-aray napaka malas nman oh!” Pagrereklamo ng dalaga habang tinitignan ang kaliwang paa na dumudugo.
Pagkatapos kunin ni Sebastian ang first aid kit tumungo ka agad sya kung Nasaan ang dalaga.
“Be careful next time, baka mamaya mas malala pa rito ang abutin mo” Nag-aalalang turan ng binata habang lumuluhod sa sahig upang magamot nya ng Maayos ang dalaga.
“Eh hindi ko nman alam na mabibitawan ko yung baso, ikaw kase ” Pangsisi ng dalaga sa binata tinaasan na lamang sya ng kilay ni Sebastian dahilan upang tumahimik sya.
“Tsk” Tugon ng binata at ipinagpatuloy na ang pag-gagamot sa paa ng dalaga.
“Aray teka teka time out nga muna ang sakit mo nman gumamot” Pagrereklamo ni maxine habang salubong ang kilay na nakatingin kay Sebastian.
“Isang Pagrereklamo mo pa bahala kana talaga sa buhay mo”. Pagtataray ni Sebastian rito pinaka ayaw nya kase sa lahat eh sobrang mareklamo at madaldal.
Ngumiti na lamang si maxine na abot tenga Ang ngiti, inarapan na lng sya ng binata dahil Sa ngipin netong merong pang chocolate.
” Stop smiling hindi nakakatuwa yang pagngiti mong may chocolate teeth “.Agad nmang nawala ang ngiti ng dalaga at sumimangot na lamang.
” Dahan daha-“Kinagat agad ni maxine ang ibabang labi nya dahil Sa kadaldalan nyang taglay.
“Ayan ayos na, pwede ka nman sigurong magtrabaho ng nakaupo lng diba ?” Pagtatanong ni Sebastian habang hindi man lng binibigyan ng tingin Ang dalaga dahil busy ito magligpit ng mga ginamit nya Sa paggagamot kay maxine.Tanging pagtango na lamang ang ibinigay ng dalaga .
Tumayo ang dalaga ,pa ika ika pa itong maglakad ngunit Sa hindi inaasahang pangyayare natumba sya buti na lamang at tumakbo si Sebastian patungo Sa direksyon neto.Niyakap sya ng binata dahil alam netong babagsak silang dalawa.Napapikit na lamang si maxine ang buong akala nya matutumba na sya Sa sahig.
“Open your eyes lady!” Madiing sambit ni Sebastian rito.
Nang iminulat ni maxine ang kanyang mga mata nagulat na lamang sya ng makita ang maamong mukha ni Sebastian na nakatingin sa kanya.
Walang lumalabas na salita galing sa bibig ni maxine para syang na pipi sa hindi malamang dahilan,Sobrang lakas ng tibok ng puso nya na ngayon nya lamang naramdaman.
“Wala ka bang balak tumayo?” Pamimilosopo ni Sebastian rito dahilan upang mabalik sa reyalidad ang isip ni maxine.
“Huh?” Maang maangan ng dalaga ng biglang tumunog ang tiyan nya dahil sa gutom...


agad na namula ang mga pisnge neto dahil paniguradong narinig iyon ng binata.
“Ohhh!” Napalingon silang dalawa sa lalakeng kakapasok lamang .
“Range!!!” Sabay sabay nilang sambit ng makita ang lalakeng kakarating lamang kapwa nagtinginan ang dalawa at Saktong sakto lamang ang paglingon nila sa isat isa upang maglapat ang kanilang mga labi.
“Uhmm may tao po rito”.
Tikhim ni range sa dalawa na magkalapat pa rin ang mga labi, Hindi makagalaw si maxine at biglang sinampal si Sebastian dahil sa kahihiyan .
“Ouch!! Baket moko sinampal!” Pagrereklamo ng binata rito ka agad namang tumayo si maxine kahit nahihirapan.
“Pervert!” Sigaw neto sa binata ng tuluyang makatayo.
“Really huh? Kasalan ko bang lumingon ka ikaw na nga tong Tinulungan ikaw pa yung galit!” Pagrereklamo ni Sebastian habang hawak hawak pa rin ang namumulang pisnge neto.Napa irap na lamang si maxine sa boss neto.
“Alalayan na kita” Tugon ni range sa dalaga na ka agad nmang tumango.
“Thank you!!” Inis na sigaw ni Sebastian sa dalaga. Napairap na lamang si maxine dahil sa boss neto.
“Hoy sis ano yun” Pang-aasar na tugon ni range sa dalaga.
“Wala ah aksidente lng i-iyon noh” Pagtatanggi nman ng dalaga dahil alam nya na ang ipinapahiwatig ng kaibigan.
“Nako sis, grabe ka sinampal mo ba nman yun nako pasalamat ka mahaba haba ang pasensya nun” Turan naman ng kaibigan nyang si range.
“Hay nako nakakainis kaya kung hindi lng dahil kay mama nako kanina pako umalis dito” Inis na tugon ni maxine.
“By the way kumain kana ba?” Tanong ng kaibigan sa dalaga napa iling na lamang ito .
“Okay sige sabihan ko lng si Sebastian na kakain na tayo” Napatango na lamang ang dalaga.
Ilang minuto lamang ang lumipas at dumating na ang pagkain nila.
“Pakilagay na lng sa table miss” Maginoong turan ni range na ikinatawa na lamang ni maxine ang galing talaga umarte neto.
“Seb come and join us ” Nakangiting turan ni range sa pinsan.
Agad na silang tumungo sa dining table magkatabi si range at Maxine samantalang magkaharap naman ang binata at dalaga, matalim ang tinginan nilang dalawa na para bang nagpapatayan na sila sa tingin pa lamang.
“Ang mga mata nyo baka lumuwa ” Napairap na lamang ang dalawa sa sinabe ni range.
“Anong tinitingin mo Jan!” Mataray na tanong ni maxine habang matalim na nakatingin kay Sebastian.
“Anong ako ikaw kaya tong nakatingin ng masama!” Sabat nman ni Sebastian rito.
“Aba!” Turan ni maxine at tumayo sa pagkakaupo ng biglang sumakit ang paa nya dahil sa biglang pag tayo nito.
“Ah-aray!” Maktol neto na tawa na lamang si Sebastian rito. Tinarayan na lamang sya ni maxine at ipinagpatuloy na ang pagkain.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top