“PSST!”
Napatingin si Ace kay Lara. Napabuntong hininga na lang si Lara at napahawak sa laylayan ng damit ni Ace.
Tapos na ang klase ni Lara ngayong araw, hindi alam ni Lara kung ganon din si Ace. Basta pumunta nalang si Lara sa bench kung saan sila palaging tumatambay na dalawa.
“Why?” tanong ni Ace. Humaba ang nguso ni Lara dahil masungit pa rin si Ace sakanya.
“Galit ka pa ba sakin?” tanong ni Lara saka humawak sa braso ni Ace.
Ang tigas ng braso ni Ace. Nai-imagine tuloy ni Lara kung ano kaya ang hitsura nito kung naka topless. Halata naman kasi na maganda ang pangangatawan nito.
Hindi sumagot si Ace at patuloy lang ito sa pagbabasa ng libro. Mas lalong napasimangot si Lara.
💭 Hindi pa ba kami bating dalawa? 💭
“Ace, sorry na nga kasi. Hindi ko na kakausapin si Mon forever,” sabi ni Lara at itinaas pa ang kanang kamay.
Natigilan si Lara nang isinara na ni Ace ang binabasang libro. Napalunok si Lara nang tumingin sakanya si Ace.
💭 Galit ba talaga siya sa akin ng sobra? 💭
Hinawakan ni Ace ang kanyang kamay at hinila patayo. Hindi nagsasalita si Ace habang hawak pa rin niya ang kamay ni Lara habang naglalakad sila. Napakagat si Lara sa kanyang labi nang ipagsalikop ni Ace ang kanilang daliri. Kinikilig talaga si Lara pag ginagawa yun ni Ace.
“Hindi ako galit.”
Natigilan si Lara sa sinabi ni Ace. Diretso lang ang tingin ni Ace at hindi nakatingin sakanya at tuloy lang ito sa paglalakad. Tumigil si Lara at hinawakan niya si Ace nang mahigpit sa braso para tumigil ito. Nagtatakang napatingin naman sakanya si Ace.
“H-Hindi ka talaga galit?” tanong ni Lara habang seryosong nakatitig kay Ace.
Napabuntong hininga si Ace at lumapit siya saka hinawakan ang pisngi ni Lara at marahang hinaplos iyon. Napakurap-kurap si Lara sa ginawa nito at napalunok. Pakiramdam ni Lara ay bumibigat na naman ang paghinga niya dahil sa ginawa ni Ace.
“Im not mad at you because I dont have the courage to do so,” seryosong sabi ni Ace habang marahang hinahaplos nito ang pisngi ni Lara.
💭 Ang sarap sa pakiramdam, parang pinapagaan ang loob ko ng haplos niya sa pisngi ko kahit may kalakihan ang kamay niya. Pakiramdam ko nga masasakop nito ang mukha ko. 💭
Napangiti si Lara at hinawakan ang kamay ni Ace na nasa pisngi niya. Natigilan si Ace sa ginawa ni Lara at napatayo ng tuwid. Napakunot naman ng noo si Lara dahil sa inasal nito.
💭 Anong nangyayari sakanya? 💭
Napatikhim si Ace at napaiwas sakanya ng tingin. Natawa si Lara nang hindi nakatakas sa paningin niya ang pamumula ng pisngi ni Ace. Napahagikhik si Lara at kinuha ang kamay ni Ace saka pinagsalikop niya ang mga daliri nila.
Muling napatikhim si Ace saka tumingin kay Lara. Napakagat ng labi si Lara.
💭 Ang ganda talaga ng mga mata niya. Para akong nalulunod sa magandang kulay nito. 💭
“Wala ka na bang klase?” tanong ni Ace at tumango naman si Lara.
“Bakit mo naitanong?”
“H-Hindi pa tayo nagde-date,” nauutal na sabi ni Ace.
Natigilan si Lara, sa pag kakaalam niya ay nagde-date naman sila. Nakain sila sa restaurant, napunta sa mall, madalas binibilhan pa siya ni Ace ng mga pagkain dahil palaging sinasabi ni Lara na ayaw niyang binibigyan siya ng mamahaling bagay dahil hindi naman niya kailangan yon.
“Nagde-date naman tayo lagi ah,” sabi ni Lara saka ibinaling ang tingin kay Ace. Si Ace naman ang napakagat labi bago bumuntong hininga.
💭 Ang gwapo niya kapag ginagawa yon, para siyang nang-aakit na halikan ko siya pero syempre alam ko naman hindi yon ang gusto niyang iparating. Wala nga sigurong kamalay malay si Ace na makalaglag panty ang kagwapuhan niya eh. 💭
“I mean… we dont have a proper date,” sabi ni Ace saka napakamot sa batok niya. Natawa naman si Lara sa sinabi ni Ace.
“Kailangan pa ba ng proper date? Kahit simpleng date ayos lang sakin basta ikaw ang kasama ko.”
Napakurap si Ace sa sinabi ni Lara saka napalunok. Gustong matawa ni Lara dahil parang namumula na naman ang pisngi nito. Kinikilig si Lara kapag nakikita niyang kinikilig si Ace.
💭 Ewan ko ba, hindi na yata ako normal.. 😅 💭
“Pero kung gusto mo na magdate tayo, edi sige. Okay lang sa akin, sabi ni Lara saka ngumiti ng matamis.
“G-Gusto kong magdate tayo,” sabi ni Ace saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Lara pero hindi naman iyon masakit. Komportable nga si Lara lagi kapag hinahawakan siya sa kamay ni Ace, hindi niya alam kung bakit.
“Let’s go!”
🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓🤓
“DITO mo gusto na magdate tayo?”
Umupo si Lara sa upuan sa may picnic field, hinila niya si Ace paupo sa tabi niya.
“Tignan mo ang paligid, may mga pamilyang masaya rito. Ang sarap nilang panoorin, saka diba dito kita sinagot? Special ang lugar na to para satin.”
Hindi sumagot si Ace sa sinabi ni Lara. Napangiti nalang siya habang nakatingin sa paligid.
💭 Ang sarap i-drawing ng tanawing na nakikita ko ngayon. 💭
Natigilan si Lara nang may naisip. Agad niyang kinuha ang bag niya mula kay Ace at kinuha ang lapis at sketch pad doon.
“Ace, gusto mo i-drawing kita?”
Natigilan si Ace sa sinabi ni Lara at halatang nagulat.
“Marunong ka mag drawing?”
“Hindi sa pagmamayabang pero magaling talaga ako magdrawing. Dapat nga art related course kukuhanin ko kaso ayaw ni Papa kaya wala akong choice kundi ang kumuha ng business course,” pagk-kwento ni Lara kay Ace. Napabuntong hininga si Ace habang nakatingin kay Lara.
“Do you want me to talk to your father? I want you to take a path that you really want,” may bahid na pag alala na sabi ni Ace. Napangiti nalang si Lara saka umiling bilang pagtanggi.
“Hindi na kailangan beh.”
Natigilan si Lara sa nasabi, agad siyang napakagat sa ibabang labi at napaiwas ng tingin kay Ace nang mapagtanto niya ang sinabi niya. Ngayon na lang ulit niya natawag si Ace ng ‘beh’, nahihiya talaga siya.
Natigilan si Lara nang hawakan siya ni Ace sa kamay saka ngumiti.
“Bakit naman beh?”
Pakiramdam ni Lara ay nag-akyatan ang lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa sinabi ni Ace.
Ang lalim ng boses ni Ace, baritono. Hindi bagay sa boses ni Ace ang salitang ‘beh’ pero sinabi pa din niya ito para lang wag mahiya si Lara sa kaniya. Napakagat nalang sa labi si Lara dahil sa kilig na pinipigilan.
“K-Kasi okay lang, wag mo nang isipin yun hehehe,” naiilang na sabi ni Lara saka nag peace sign kay Ace.
Napailing nalang si Lara at agad tinapik sa balikat si Ace saka umayos ng pagkakaupo. Nakakunot ang noo ni Ace sa ginagawa ni Lara pero hindi naman ito nagp-protesta.
“Id-drawing na kita, pwede ka namang gumalaw pero wag kang malikot masyado ha.”
PArang mabait na estudyante na tumango lang si Ace sa sinabi ni Lara. Natatawa nalang si Lara habang napapailing.
💭 Ang cute niya talaga lagi. Alam kaya niya na sobrang cute niya? Mukha kasing hindi siya aware. 💭
Medyo binilisan nalang ni Lara ang pagguhit, hindi na niya inartehan o ginawang detalyado dahil baka mangawit na si Ace. Saka mahirap din kay Lara na magdrawing dahil wala siyang patungan. Pero kaya pa din yun ni Lara pagandahin kahit papano.
Mahigit isang oras din yata ang nakalipas nang matapos si Lara. Excited na tumakbo si Lara papalipat kay Ace at ipinakita dito ang drawing niya.
Inayos muna ni Ace ang salamin para makita ng maayos ang drawing. Napalunok si Lara kasabay ng pagbigat ng paghinga, ngayon niya naramdaman ang kaba sa magiging reaksiyon ni Ace.
Napangiti si Lara nang mapangiti si Ace habang nakatitig sa drawing. Napakagat sa ibabang labi si Lara saka kasabay nang pamumula ng pisngi niya.
“Ang galing mong magdrawing Lara,” puno ng sinseridad na sabi ni Ace saka ibinaling sakanya ang tingin. Lalo namang napangiti si Lara sa sinabi ni Ace.
Sanay na si Lara na makarinig ng puri sa mga drawing niya, pero iba ang pakiramdam kapag galing kay Ace. Nakakakilig, pakiramdam ni Lara ay may kung ano sa tiyan niya na hindi niya maipaliwanag.
“Hehe, minadali na nga yan eh,” pahumble na sabi ni Lara saka inipit ang hibla ng buhok niya sa tainga.
“Wow! Ang ganda ng drawing.”
Natigilan silang pareho ni Ace nang...
wala paba talaga ung mike, jellaine