BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER TWELVE


“oh, san ang punta mo? ” napalingon ako sa pamilyar na boses mula sa likod ko. si Dexter!
PAT*Y!kasama pa si Zoe? Alaiza?
“Ah, ano….naghahanap s-sana ko ng makakainan. ” palusot ko.
“Kami din eh, sabay-sabay na kaya tayo? ” saad pa ni Dexter. Patay na talaga!
pero lahat kami ay napalingon sa lalakeng nagbukas ng Gate.
“SUHO? “ani Zoe tsaka tumakbo palapit dito.”dito na kang kaya tayo kumain kila Suho? ” suhestyong ani Zoe.
“Hep! Hep! At sino me sabing pwede kayong pumasok aber? ” nakataas ang kilay na saad ni Jade na kararating lang din sa tabi namin.
“Sige, kung ayaw nyo naman ay pwede kaming kumain sa labas tara na maricon. ” ani Dexter at hinatak ang kamay ko.
“S-sandali! “kaagad na apila ni Suho. “Ano… Pwede naman sa b-bahay ko. ” aniya.”Tara pasok. ” naglalaro ang mata nya pero may kahulugan iyon at nasisiguro kong pagagalitan nya’ko nito!
“Ba’t ang dami nila! ” palihim na bulong nya sa’kin.
“Wala akong alam.” sagot ko naman.
“Oh.. Ikaw lang mag isa dito pero ganito karaming pagkain ?”tanong ni Dexter.
Naroon ang dalawang buquet ng pinritong manok, isang malaking rice bowl, sanggyup na naihaw na, ramyeon na umuusok at marami pang iba na halos hindi na yata magkasya sa mesa.
Ang sabi nya ay wala syang pagkain?pinag lolo-loko yata ako neto eh! ” oo nga, bat napaka rami naman yata nyan? ” nanlalaki ang mata ko nang tignan ko sya.
“Siguro may babae ka dito? Kahapon ko pa naaamoy ang pabango nya ah! ” ani Jade.
“Pumapasok ka dito? “tanong ni Zoe kay Jade.
“Syempre! ” pagmamalaki nito.
“Eh ikaw maricon? Nakapasok kana ba dito? ” makahulugang tanong sakin ni Zoe.
“H-hindi pa, ito ang unang b-beses ” nauutal na saad ko.
“Minsan ay sa bahay naman nila Maricon tayo. ” nakangiting ani Zoe dahilan para magbaba ako ng tingin.
“a-ano kasi…”
“Sige ba, tapos next ay sa inyo naman.” mayabang na saad ni Suho. Hindi ko alam kung ano ba ang plano niya pero mukhang masama na naman ang pumapasok sa isip ko.
“Grabe,...


sobrang yaman mo talaga no. ” pamumuri ni Zoe.
“Hindi sakin ito, sa mommy ko lahat ng nakikita mo ay hindi sa’kin. ” walang interes na saad ni Suho.
“Sa Sabado, mag over night naman tayo samin Maricon. ” anyaya ni Dexter.
“Hala, hindi ko alam kung papayagan ako. “pangangatwiran ko, natanaw ko ang pagtaas ng kilay ni Suho.
“Sobrang Strict yata ng parents mo? ” nakangiting ani Zoe pero halata naman na pinagtatawanan nya’ko. “Ikaw Suho? Sasama ka? ”
“Dipende sa Mood ko, malayo pa naman.”
Siguro ay napansin ni Alaiza ang pananahimik ko kaya hinawakan nya ang kamay ko at tipid na nginitian.
“Thanks for Dinner. ” ani Dexter pero nginusuan lang sya ni Suho.
“Nabusog ako Suho salamat, sa uulitin ulit. ” ani Alaiza, hindi na sila nakapag paalam ng ayus ng dumaan ang bus.” hindi kapa sasabay? “tanong ni Alaiza.
“Hindi na, ano… Tri- – -” hindi ko naituloy ang sakitang Tricycle ng hatakin ni Suho ang kamay ko.
“Ako na ang maghahatid sa kanya.”
“Naaaah! Napaka unfair mo! “nagmumurokolyong ani Jade na naman tsaka inis na sumakay sa Bus.
“Kita tayo Bukas Maricon! ” paalam ni Dexter.
“Ul*l mo! ” galit na saad ni Suho, pero natawa lang si Dexter.
“tara, ihahatid na kita. ” aniya tsaka hinila ang kamay ko na hawak nya padin, pumara sya ng tricycle at doon kami sumakay.
Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko habang nasa byahe kami. “Soccer Player na’ko. ” napalingon ako sa tinuran nya
“anong naisipan mo at sumali ka don? “umiral ang kuryosidad ko.
“Baka kasi ganun yung mga tipo mo, yung mga Soccer player.. Diba nga gusto mo si Dexter? ”
Napangiwi ako sa sinabi nya. “At saan mo naman napulot ang mga impormasyong iyan? Tsaka ano’t ganoon ka nalang kung umasta kay Dexter? ”
Matagal bago sya sumagot, narinig ko pa nga ang buntong hininga nya bago sya mag salita.”Paano kung sabihin kong Gusto kita? ”
OH KALMA MUNA PAPASOK NA ANG AUTHOR NYO SA WORK MAMAYA NA ULIT ANG UD
Noo’y para kong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top