KAMBAL KARIBAL CHAPTER 01


“Apo Elice samahan mo ako mag lako Ng mga Laing!” Tawag nito sa apong si Elice habang inaayos Ang mga panindang ilalako ito Kasi Ang pangunahing ikinabubuhay Ng pamilya, matanda narin Ang Lola Alicia nila mahigit singkwenta na ito
“Si Alice nalang ho Ang isama nyo nay! Sinusubukan ko pa itong lipstick na bigay Ng kaklase ko” Ani ni Elice habang nanalamin at nag po-pout pa dahil sa lipstick na gamit nito, NASA tabi Lang si Alice at nakikinig sa usapan nila habang gumagawa Ng mga assignments
“Aba! Eh kanina ka pa riyan! Hindi kapa ba tapos? Baka mapudpod na iyong labi Kaka lipstick mo!” Pag sesermon Ng Lola Alicia nya mahigit labing limang minuto na Kasi itong naka istambay sa salamin
“Hayaan nyo na po ako nay! Ah nay pwede po ba makahingi Ng pabor” pagpapa cute nito sa Lola nya na animo’y Bata na nag twi-twinkle-twinkle pa Ang mga Mata
“Ay naku Elice tigilan mo ako sa mga ganyan mo! Alam ko Ang gusto mong ipahiwatig” meron na Naman Kasi itong gustong ipabili
“Sige na nay please, bilhan nyo ko Ng isang set nang makeup katulad Ng Kay Pia binilhan Kasi sya nga mama nya gusto ko Rin po mag karoon Ng ganun” Sabi nito habang hawak Ang mga palad Ng matanda na Kung iisipin mo ay parang nag mamakaawa na bilhin Ang nais nito
“Alam mo Naman na kapos tayo ngayon matumal Ang benta ng Laing malapit na kayo mag graduate ng highschool kailangan natin maka ipon Ng pera pang kolehiyo nyo Ni Alice”Ani nito Kay Elice na Humaba Ang nguso dahil Hindi napag bigyan Ng gusto at nagdadabog pa na parang batang inagawan Ng kendi
“Bakit pag si Alice Yung nang hingi sa inyo agad nyo Rin namang ibinibigay pero pag ako madami kayong dahilan” himig pagtatampong Sabi nito Hindi Kasi Kaila na naiinggit ito sa kakambal
“Hindi Naman ako humihingi Kay nanay pag Hindi importanti lahat Ng Yun ay kailangan sa pag-aaral” Hindi na nakatiis sabat Ni Alice
“Ang sabihin mo! Ikaw nalang palaging bida, pati sa school ikaw nalang Yung magaling! Dahil ikaw Ang matalino! ako itsipwera Lang! Alam mo ba Yung pakiramdam na ikinukumpara ka nila sakin na kesyo mag kamukha nga tayo pero mag kalayo Naman Ang ugali natin! Ikaw ubod Ng talino Samantalang ako usad pagong dahil sa kabobohan” Hindi napigilang bulalas nito
“Alam mong Hindi Yan totoo Elice!” Anito sa kakambal ayaw nya kasing maramdaman nito na magkaiba sila
“Mag sitigil nga kayong dalawa! para kayong mga Bata! Elice halika na samahan mo akong maglako” matigas na utos ng kanilang Lola
“Ayaw ko nga nay! Masyadong mainit sa labas ayaw Kung umitim! Magandang mukha na nga Lang Ang meron ako papabayaan ko pa ba? Bakit Hindi si Alice Ang isama nyo sanay naman Yan mabilad sa araw” walang pakundangang Sabi nito at...


pumanhik sa itaas Kung saan Ang maliit na kwarto
“Ako nalang po nay Ang sasama sa inyo” Sabi Ni Alice habang nililigpit Ang mga libro at notebooks
“Sigurado kaba Alice baka Hindi kapa tapos sa mga Gawain mo sa eskwela” tanong Ng Lola nya
“Huwag po kayo mag alala nay tatapusin ko Rin to mamaya pag ka balik natin, so ano Tara na po baka nag aabang na Ang mga Suki ninyo” Aya nito sa Lola nya
Mabilis silang lumabas Ng bahay dala Ang Tig isang bilao na may lamang Laing
“Laing! Laing kayo dyan!” Sigaw Ng kanyang Lola habang nakalagay sa ulo nito Ang isang bilao Ng Laing naaawa sya sa Lola nila dahil matanda na ito Kung Hindi lang Sana namatay Ang kanilang ina at Kung Hindi Rin sila iniwan Ng kanilang ama Hindi siguro ito Ang naging buhay nila
“Aling Alicia pabili nga Ng Laing mo kanina pa kami dito nag-aabang” si aling Rosario Isa sa mga Suki nila
“Oo nga! Aba eh! Kala namin Hindi na kayo magtitinda paborito pa Naman ito Ng asawa ko” Sabi Naman Ni aling Berta
“Pwede ba yun! Medyo natagalan Lang Ng konti” Ani Ng Lola Alicia nya habang inilalagay sa supot Ang mga binili nilang Laing
“Aling Alicia Sino ba ireng kasama mo si Alice o si Elice aba eh sobrang mag kamukha walang palatandaan Kung Sino sa kanila” totoo Naman kasing Hindi mo malalaman Kung Sino sa kambal dahil mag kamukhang kamukha sila
“Ano kaba Berta hindi Naman mahirap hulaan sigurado akong si Alice Ang kasama nitong si aling Alicia eh sya Naman palagi nitong nakakasama” magka mukha nga sila Ni Elice pero mag kalayo Naman Ang personality nilang dalawa, Alam Ng ka nayon nila Kung anong merong ugali Ang kambal
“Ah oo si Alice itong kasama ko” Ani ng Lola Alicia nila
Matapos Ang buong mag hapon at ngayon ay papalubog na Ang araw
“Alice pwede bang ikaw na muna Ang gumawa Ng assignments ko” anito sa kakambal at nilapag Ang mga notebook sa maliit na laMesa
“Elice Hindi mo ba Alam Ang assignment madali Lang Naman Yun ah” anito sa kakmbal dahil palagi na lamang itong umaasa sa kanya
“Madali Naman pala eh! Di gawin mo diba matalino ka kayang Kaya mo na Yan” Sabi nito at mabilis na bumalik sa itaas Ng kwarto nito
Wala Ng nagawa si Alice kundi Ang sagutan lahat Ng assignments Ng kakambal ganito Naman palagi kapag tinatamad Ang kambal nya gumawa Ng mga aralin sya Ang gumagawa pati narin sa mga projects nito. Hindi nya matiis ang kakambal dahil sila nalang Ng Lola Alicia nya Ang pamilya kahit na feeling mayaman Ang kakambal nito ay pilit nyang iniintindi Ang ugali dahil Mahal Nya ito at handa nyang gawin Ang lahat mapasaya Lang si Elice Ang kakambal nya






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. next chapter

  2. next po

Leave a Reply


top