𝗟𝗔𝗦𝗧 𝗪𝗜𝗦𝗛


𝐖𝐑𝐈𝐓𝐓𝐄𝐍 𝐁𝐘: 𝐁𝐈𝐍𝐈𝐁𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐘𝐍 𝐑𝐎𝐁 /
𝐏𝐑𝐈𝐍𝐂𝐄𝐒𝐒 𝐋𝐘𝐍 𝐑𝐎𝐁 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐄𝐑𝐒
–𝖱𝖤𝖷 𝖯𝖮𝖨𝖭𝖳 𝖮𝖥 𝖵𝖨𝖤𝖶–
“Babe anong gusto mong regalo sa birthday mo?” Ang tanong ko sa girlfriend ko. Agad naman siyang tumingin sakin at tinaasan ako ng kilay.
“Bakit kaya mo bang ibigay? You know Rex mag trabaho kana lang para may pakinabang ka naman.” Ang sabi niya at saka pumasok sa kwarto niya kaya naiwan akong nakatunganga sa sala, sinundan ko parin siya hanggang sa pinto ng kwarto niya.
“Baby naman, oo nga pangako mag kikita ulit tayo.” Ang sabi niya habang tumatawa. I know she don’t love me anymore, pero gusto ko lang naman siyang makasama sa isang linggong natitira sa buhay ko.
“Rex kanina ka pa ba diyan?” Ang biglang sabi ni Alexa habang gulat na gulat na nakatingin sakin, hindi ko alam na umiiyak na pala ako.
“Gusto ko lang ulit tanongin sayo kung anong gusto mong last wish sakin habang kasama mo pa ako, alam ko kasing aalis kana sakin at aalis na rin ako sa buhay mo A-alexa.” Ang sabi ko habang di mapigilang masaktan.
“Rex, matagal ko nang sinabi sayo wala akong hihilingin sayo kundi ang hayaan mo na ako.” Ang walang pag aalinlangan niyang sabi na siyang dumurog sakin ng husto.
“I don’t love you anymore Rex huwag ka naman sanang maging selfish, gusto ko lang lumigaya.” Ang naiinis niyang sabi kaya napatawa ako ng mapait.
“I’m sorry for being selfish babe.” Iniwan niya na ako at saka nag mamadaling lumabas ng bahay.
I’m Rex and she’s Alexa, we almost four years in relationship, mahal na mahal namin ang isat isa hanggang sa isang araw nag bago na lang siya.
Baka nga tama ang iba na kapag matagal na ang relasyon ninyo nag babago na. Wala akong alam na pag kukulang sa kanya dahil ang alam ko binigay ko naman ang lahat.
“Babe… buti naman umuwi kana I miss you.” Agad ko siyang niyakap ng makauwi siya ng bahay, isang gabi siyang hindi umuwi at wala akong pakealam kung sa ibang lalaki siya nang galing. Ang gusto ko lang yakapin siya, dahil mahal na mahal ko siya at mamimiss ko siya ng sobra.
“Pwede ba Rex pagod ako.” Ang galit niyang sabi at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig, ayos lang yon mahal ko parin siya.
“Pwede bang matulog ako sa kwarto mo babe?” Ang sabi ko kay Alexa.
“Bakit may kwarto ka naman ah? Tsk?” Agad akong ngumiti dahil ang ganda ganda parin niya.
“I want to be with you, this night babe please? Last wish kona lang yun sayo at matutupad na rin ang huling hiling mo sakin.” Ang sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi ang pumayag.
I’m here right now with her room, kasama ko siya at tulog na tulog na siya habang nakayakap saking dibdib, pinag mamasdan ko lamang ang maamong mukha niya habang natutulog siya, ramdam ko na rin ang pag kirot ng ulo ko.
Agad kung kinuha ang cellphone ko at saka nag record nang message para sa kanya, kinanta ko na rin ang paboritong tugtog niya nung una pa lang kaming mag kakilala.
Ang sabi ng doctor ay may taning na ang buhay ko at nalalabi na lang ang araw ko dito sa mundo kaya sinusulit ko na ang oras at minuto ko habang kasama ang babaeng mahal na mahal ko.
Agad akong umalis sa tabi niya at iniwan ang cellphone sa tabi niya, pag katapos ay lumabas ako ng kwarto niya at saka dumeretso sa bahay ni mama.
It’s already 3:00 AM pero wala parin akong tulog hanggang ngayon.
“Anak, bakit naman bumyahe ka pa ng ganitong oras?” Ang nag aalalang sabi ni mama at saka niyakap ako ng husto.
“Gusto ko lang makita ka mom.” Ang natatawang sabi ko at saka yumakap sa kanya pabalik.
“Ay naku sige na matulog kana, bukas na lang ulit tayo mag kwentuhan.” Ang sabi ni mama at saka kinurot ako sa ilong, sana nga may bukas pa.
Agad na rin akong pumasok sa kwarto ko dito sa bahay ni mama at humiga sa kama ng may ngiti sa labi. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, pero bago yun nakita ko pa ang maamong mukha ng babaeng mahal ko sa isip ko.
I’m sorry babe but I need to let you go. I love you.
–𝖠𝖫𝖤𝖷𝖠’𝖲 𝖯𝖮𝖨𝖭𝖳 𝖮𝖥 𝖵𝖨𝖤𝖶–
Iminulat ko ang mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko, tumingin muna ako sa tabi ko kung nandun pa ba sa Rex pero wala na siya doon.
Agad akong pumunta sa banyo para mag hilamos at saka lumabas na din ng kwarto.
It’s my day.
Agad akong nag bihis dahil susunduin ako ni Yuri, dahil sa labas kami mag celebrate ng aking birthday and I’m happy about that.
“Baby happy birthday.” Ang bungad sakin ni Yuri ng buksan ko ang pintuan ng bahay namin dahil kumatok siya.
“Baby thank you, so much for the flowers.” Ang masayang sabi ko at hinalikan siya sa labi, inilibot ko muna ang tingin ko sa buong sulok ng bahay pero wala akong Rex na nakita, mas okay yun para walang sturbo.
“Let’s go baby?” Ang sabi...


ni Yuri kaya tumango lang ako, bago umandar ang sasakyan namin ay tumingin ulit ako sa bahay baka sakaling makita ko si Rex pero wala talaga.
Iwan ko ba perong nakaramdam ako ng kalungkutan, parang mas gusto kung kasama si Rex kaysa sa kay Yuri.
“Baby, sa bahay na lang kaya tayo mag celebrate ng birthday ko?” Ang sabi ko sa kalagitnaan ng byahe namin.
“Ano, nababaliw kana ba baby? Andito na tayo bakit ngayon mo pa yan sinabi?” Ang naiinis na sabi ni Yuri kaya wala akong nagawa kundi ang manahimik.
“By the way who’s Rex?” Ang sabi ni Yuri habang nag mamaneho siya kaya naman kinabahan ako dahil don, potrages, ano na naman bang kalokohan ang ginawa ni Rex.
“I don’t know baby.” Ang sabi ko at saka tumingin sa labas ng bintana ng cotse.
“I know the truth don’t deny, Alexa.” Ang seryosong sabi niya kaya kinakabahan ako, hindi ko alam ang dapat kung sabihin.
“I want to ask you, don’t you really love Rex?” Ang tanong niya, inihinto din niya ang cotse sa tabi ng kalsada.
“Yuri, akala ko ba mag celebrate tayo ng birthday ko, bakit andito tayo?” Iniba ko na din ang usapan.
“I asking you Alexa.” Ang sabi niya na mangiyak ngiyak kaya hindi ko maintindihan kung anung gustong sabihin niya.
“Rex is my brother.” Ang panimula niya at doon tumulo na nga ang luha niya, pero nagulat ako ng sabihin niya iyon.
“You know Alexa, ang swerte mo kay kuya, alam mo kung bakit, dahil gagawin niya ang lahat para sa ikakasaya mo. Isa na doon ang palayain ka at gawin ang gusto mo, he wants you to be happy, kahit na ikakadurog niya pa iyon.” Ang sabi niya habang umiiyak kaya tumulo na rin ang luha ko.
“Pero ang mas masakit, habang sumasaya ka sa feeling ng iba nasasaktan siya habang lumalaban sa sakit niya.” Ang dagdag niya pa at saka tumawa ng mapait.
“Isang linggo na lang ang itatagal niya habang humihingi siya ng atensyon mo, alam mo ba yun, sinasaktan mo siya habang sumasaya ka. Ang nakakatawa pa dahil sinunod ko ang hiling niya kahit alam kung masasaktan siya. Yun ang alagaan ka.” Ang walang humpay niyang iyak ganun rin ako, sobrang sama ko, hindi ko alam.
“Yuri, puntahan natin si Rex I want to say sorry.” Ang naiiyak na sabi ko pero tanging iling lang ang itinugon niya.
“It’s too late Alexa he’s gone, wala na siya.” Ang sabi niya at saka nag maneho na para iuwi ako sa bahay.
“Yuri, please dalhin mo ako kay Rex.” Ang hagulgol ko, pero ngumiti siya.
“Alexa dadalhin na ang katawan ni kuya sa ibang bansa, pasyensya kana.” Iniwan niya na akong umiiyak sa pintuan ng bahay namin ni Rex.
Ang bigat ng dibdib ko, feeling ko may isang malaking parte sa buhay ko ang nawala.
Agad akong pumasok sa kwarto namin at nakita ko ang cellphone ni Rex doon. Binuksan ko iyon at bumungad agad sakin ang wallpaper niya.
Ang picture naming dalawa nung sinagot ko siya, mas lalo akong naiyak dahil don.
Agad kong tinype ang pangalan ko bilang password at bumukas naman iyon, record agad ang bumungad sakin kaya naman binuksan ko iyon at pinakinggan.
“Babe, happy birthday, dapat masaya ka ngayon babe kasi ako masayang masaya na ako kasi nakasama kita ng matagal. Ibinigay ko na rin sayo ang last wish na gusto mo, mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan. I want you to be happy babe, I love you until my last breath. Ingatan mo palagi ang sarili mo, huwag kang mag alala babe babantayan kita lagi kahit ayaw mo na sa pangit mong jowa na to hehe, mahal na mahal na mahal kita, I’m sorry for being selfish babe, gusto lang kitang makasama, pero ngayon huwag kang mag alala hindi na akong mangungulit at manggugulo pa, I’m sorry sa lahat lahat babe, ng kasalanan at pag kukulang ko sayo. I’m happy for you, babe, happy birthday again. But before I off this record, I want to sing your favorite song.”
Ang sabi niya, sobrang iyak ko na rin yung tipong hagulgol ko na lang ang maririnig a buong kwarto.
PANGAKO BY: CUESHE
KISLAP NG YUNG MGA MATA
AKO’Y IYONG NADADALA
PARANG ANGHEL ANG YUNG GANDA
DI MAIWASAN HAHANAP-HANAPIN KA
O KAY TAMIS NG YUNG MGA NGITI
AKO’Y IYONG NAAAKIT
TULAD NG ROSAS, NAKAKAALIW
DI MAPIGILAN MABIGHANI SAYO
AT HINDI KO HAHAYAN NA IKA’Y MAWAWALA
PIPILITIN KO ANG PUSO MONG MAHULOG SAKIN
PAG SAPIT NG GABI
SA ISIP AY IKAW PARIN
MGA LARAWAN MO SA AKING TABI
AY LAGING NAKAMASID
AT HINDI KO HAHAYAN NA IKA’Y MAWAWALA
PIPILITIN KO ANG PUSO MONG MAHULOG SAKIN
AT HINDING HINDI KA MAG 𝖠ALINLANGAN
PANGAKO ITO
GAGAWIN ANG LAHAT PARA SAYO
I’m sorry babe, please comeback to me.
Agad akong napayakap sa sarili ko ng umihip ng malakas ang hangin, pero nakakapagtaka lang kasi hindi naman nakabukas ang bintana, ganun rin ang aircon.
“Babe, I love you I’m sorry.” Ang muli kung sabi habang nakatingin sa cellphone niya at nakatitig sa picture namin doon.
Ang sakit para sakin ang nangyari, hindi ko alam kung saan muli akong mag sisimula.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top