𝐀𝐍𝐆 πˆπ’πˆππ”πŒππ€ππ† 𝐏𝐔𝐒𝐀


\\P R O L O G U E//
Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang paaralan. May mga studyanteng papasok na sa loob ng school at may iba namang palabas na.
Ang tungkulin ko lang naman ay maka hanap ng lalaki na mamahalin ako ng tunay. Kapag ng yari iyon mawawala na ang sumpang ibinigay sa akin. Ang sumpang iyon ay walang iba kundi ang pagiging pusa ko.
Tumingin muna ako sa mag kabilang gilid ko para alamin kong may sasakyan ‘bang paraan, dahil sa maling hakbang ko lang pwede akong mamatay.
Humakbang ako sa kalsada at mabilis na tumakbo sa kabilang gilid. “Sasama kaba?” Rinig kong paguusap ng dalawang babae. “Oo naman.” Tinignan ko pa muna sila hanggang sa malayo na sila.
Pinagmasdan ko ang paaralan, may mga nakita akong mga lalaki na pwede na rin para sa plano ko.
Naglakad ako papasok sa loob. Wala naman akong nakitang naka bantay sa gate kaya mabilis akong naka pasok.
“Bro, may pusa.” Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko sila. Lumapit sa akin ang dalawang lalaki. “Hi, Kitty ” Sabi ng isang lalaki na naka itim na damit. Siguro kakagaling lang nila sa sports.
“Meow..” ang tanging lumabas sa bibig ko. Nalungkot ako na ang HELLO na dapat na sasabihin ko ay napalitan lang ng MEOW.
“Nawawala ka’ba? Nasaan ‘ba ang amo mo?” Sabi niya sa akin habang hinihimas niya ang akin ulo. Nakatingin lang ako sa lalaking kumakausap sa akin.
Siya na siguro ang lalaking hinahanap ko. Tama, siya na nga iyon. Siya ang mag tatangal ng sumpang ito sa akin. “Bro, malalate tayo.” Sabi ng isang lalaki. Tumayo na ang lalaking kumakausap sa akin ng naka tingin parin sa akin.
“Paano ‘yan Kitty, aalis na kami.” Naka ngiting sabi nito sa akin. Nagsimula na silang maglakad palayo sa akin. Tinitigan ko pa muna sila ng ilang minuto bago ko mapagtanto na dapat ko nga pala silang sundan.
Hintayin moko! “Meow meow!” Humakbang ako at sinundan silang dalawa. Medyo malayo layo narin sila sa akin. Maspinili ko paring sundan sila kahit ilang kilometro na ang layo nila sa akin.
“HAHAHHAHAHA! Ayoko nga!” Napahinto ako sa pagsunod sa dalawang lalaki. Napatingin ako sa tatlong lalaki na naka salubong ko sa daan. Lumagpas nasila sa akin dahil nag uusap ito habang nag lalakad.
Base sa nakikita ko, mukang pauwi na sila katulad ng dalawang babae na nakita ko kanina, dahil bitbit na nila ang kanilang mga bag. Samantalang ang dalawang lalaki na naka sa lubong ko naman ay papasok palang sa loob ng school.
Napatingin ako sa daan kung saan nag lakad ang dalawang lalaki na sinusundan ko. Lumipat ang naman ang tingin ko sa tatlong lalaki na palabas naman ngayon.
Imbis na sumunod sa dalawa. Maspinili kong sundan ang tatlong lalaki.
Hindi nila ako na malayan dahil nanatili akong tahimik sa likod nila ng naka sunod. “Mag Girlfriend kana kasi.” Sabi ng nasa kanang lalaki. “Ayoko nga.” Sabi ng nasa gitna. “Try lang naman.” Ang nasa kaliwa. “Tsk! Yoko nga…” Sabi ng nasa gitna.
Sinundan kolang sila kung saan sila pupunta. Habang sinusundan...


sila biglang napatingin ang nasa kanang lalaki sa likod niya at nakita niya ako. Pinawalang bahala niya lang iyon at parang hindi ako nakita.
Sinundan ko parin sila kahit na nakita na ako ng isa sa kanila. Nagulat ako ng tumingin ulit siya sa likod niya, ang lalaking tumingin kanina. “Pansin ko lang, ah? Kanina pa kasi naka sunod sa atin ‘yong pusa.” Bulong niyang sabi.
Malakas ang pandinig ko kaya kahit bulong ‘yan o kaloskos na subrang hina, para sa akin malakas ‘yan at maririnig ko parin.
Napatingin ang dalawa sa likod nila at nakita nga nila ako. “Huh? Baka uuwi na sa bahay nila.” Sabi ng nasa gitna. “Baliw! Talagang sinusundan tayo. Tumingin ako kanina sa likod at nakita ko ‘yan! Hindi ko na nga pinansin, eh. binalewala ko lang ang pusang ‘yan. Tapos hangang ngayon naka sunod parin siya!”
Tsk! Kahit bulong mo pa hagang
kalawakan ‘yan rinig parin kita.
Naglakad papalapit sa akin ang lalaking nasa kaliwa. “Guys.. pansin ko lang, ha? kakaiba ang pusang ‘to.” Nagtaka naman ang dalawa. Nag lakad narin ang dalawa papalapit sa akin.
“Wala namang kakaiba sa pusa, ah?” Ang nasa kanang lalaki. “Look! Pagmasdan n’yo ang mata n’ya.” Nakatitig lang ako sa kanila.
“Mata ng tao?” Napangiti ako sa sinabi ng nasa gitna. “Oo nga.” Ang nasa kanang lalaki.
“Di’ba? Kakaiba ang mata niya. Mata ng tao.” Ang nasa kaliwa.
Hinimas ng nasa gitna ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko ng buhatin niya ako. “Axiu? Anong gagawin mo?” Tanong ng nasa kanang lalaki. “Itatapon sa ilog.” Naka ngiti nitong sabi. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nag wala ako mula sa pagkakahawak ng nag ngangalang, Axiu.
“Sira ka talaga.” Sabi ng nasa kanang lalaki. “Iuuwi ko siya. Tingin mo, Harold?”
“Pwede rin, tapos gawin mong girlfriend.” Sagot ng nasa kanang lalaki. Siya pala si, Harold.
“HAHHAHAHA!” Tawa ng isa. “Anong nakakatawa, Marco?” Inis na sabi ni, Axiu. Marco, naman pala ang pangalan ng isa.
“Wala.” Nag pipigil na sabi nong, Marco.
Napatingin ako kay Axiu at nag tama ang paningin namin. Ang tangos ng ilong n’ya, ang ganda ng muka n’ya, ang panga, ang mata, ang buhok, lahat perpekto.
“Paano una na kami?” Pagpapaalam ng dalawa. “Sige, bukas na lang.” Nasa akin parin ang paningin ni, Axiu.
“Mahal mo na talaga ‘yang pusang ‘yan, ah?” Bakas ang mapang-asar nilang boses.
“Suntukan nalang?” Natawa ang dalawa kay, Axiu. “Walang papalag, Boss.” Pag suko ng dalawa. “Umalis na kayo.” Seryoso nitong sabi.
“Hahahhaha! Sige bukas nalang.” Natatawang sabi ng dalawa.
“Kakaiba nga ang mata mo.” Hindi makapaniwala na sabi niya. Nakatitig talaga ito sa akin ng mabuti.
Baka siya na ang lalaking hinahanap ko. Gagawin ko ang lahat para mahalin n’ya ako. At para makalaya na sa sumpang ito.
Sabagay pagabi na, maari ko na rin siyang makausap bilang tao. Nagiging tao ako kapag sasapit na ang gabi. at kapag umaga naman nagiging pusa naman ako.
Hi Readers! If you want na masubay bayan ang story kong ito? Visit my TL ang follow mo narin ako para lagi kang update sa story ko. πŸ˜Šβ˜ΊπŸ’•






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top