When I’ With You Part1


Genre: Romance, teenfiction
Author:@yellow00_
ZAYNE
” A-alis ka? ” Wala sa sarili kong tanong habang nakatayo at naninigas na sa galit.
” Let me explain Z. Please listen to m–.”
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng putulin ko ito.
” Explain?!? What do you have to explain eh aalis ka na!? ” Garalgal na boses kong sambit at isa-isang tumingin sa aking pamilya. ” Ako lang ba..a-ako lang ba yung walang alam? Huh? ” Sigaw kong tanong ng dahil sa galit ko.
Ilang sandali pa ang lumipas at wala akong nakuhang kahit na anong sagot sa kanila, yumuko lamang sila ng may halong pag-aalala sa mukha at pilit nag-iiwas ng tingin.
Hindi ko na sila inantay pang makapag salita at lakad takbo akong dumiretso sa pinto at lumabas.
” Zayne! ” Tawag ng kapatid ko sa akin na may pag-taas ng boses . ” Zayne! Sandali! Zayne please! Let me explain. Please let your brother explain everything! I don’t want us to be like this lalo na at aalis na ako. ” Pasigaw niyang paliwanag habang patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang sa tuluyan na akong nakasakay sa aking kotse.
Aalis siya? B-bakit siya aalis..
Sandali pa akong nag-isip nang biglang may sumalubong sa akin ng akbay.
” Good Morning. ” Taka namang yumuko ang kasama ko at tiningnan ang aking mukha ” You okay Z? What’s wrong…come on tell me. May concert tayo mamaya, kaya mo ba? ” Tingnan ko lang siya ng masama at saka ako huminga ng malalim bago sumagot.
” Marshall..kuya Red is leaving. “Matamlay kong sabi at marahang yumuko.
” Wait, you mean aalis? Sa work? Or–. ”
” Germany. ”
Yeah, sa Germany. Anlayo kaya non. Grade 12 student pa lang ako, paano naman ako makaka dalaw sa kanya ng madalas.
” Z? Nag panic ka na naman ba? Hindi mo na naman sila pinakinggan. ” Matapos niyang magsalita ay bahagya niyang ginulo ang buhok ko. “Z, matagal na yun. You can’t be afraid for the rest of your life. You have to move on. ” He said seriously while rubbing my cheek.
” But they hurt me Marshall. ”
” At sa tingin mo hindi mo sila nasasaktan sa ginagawa mo? ” Seryoso niya uling sabi at pilit na ngiting niyakap ako ” Think about what you did wrong and kapag alam mo na…talk to your brother later...


and apologize. And don’t contradict what I said, do it. ” Pagbabanta niyang sabi habang nakaturo sa aking noo.
Patalikod na nga siyang naglakad habang kuma-kaway sa akin hanggang sa maka pasok siya sa gate ng school.
May mali ba talaga ako? Ayoko lang namang malayo sa kanila..paano kung may mangyari ring masama sa kanila..ano nalag ang gagawin ko..
Hindi ko na ulit kayang mawalan.
ARIMA
[ For real?! Walang halong biro? Papasok ka na? ] Sigaw na tanong ng kaibigan kong si Rowan habang kausap sa telepono.
” Totoo nga, and can you please lower your voice Ali? Ang sakit sa tenga. ” Malamya kong sagot ng dahil sa antok.
Nakahiga ako ng padapa sa aking kama at sandaling pinisil-pisil ang aking unan at bumagon.
July nag start ang klase sa ACE HOPE INTERNATIONAL SCHOOL. Isang linggo pa lang akong nakaka pasok but I have to fly from here to London because of some family matters.
Today is Monday, August 21. Kababalik ko lang noong isang araw at kailagan kong pumasok para sa paborito kong araw sa AHIS.
[ Hello? Hoy Yuki! Ano nakatulog kana ba ulit? Langhiyang yan! Bangon na uy! Wag kang tokis pare!.]
” I just said to lower your voice Rowan… Stop pissing me off. It’s to early for you to make a ruckus. Sige na, I’m leavi–”
[Wait lang Yuki! a-ano..ang aga mo naman atang aalis? 7 palang oh. ] What do you mean maaga?
” I want to perform, so Im going to inform everyone right now. ”
[ Ano kasi…Yuki..a-ano..] Nauutal niyang pagsasalita.
What is wrong with this girl.
” If you’re keeping a secret, just drop it. You can’t keep anything from me. Tell me, what is the problem. ”
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago mag salita.
[ Hindi kasi mag pe-perform yung section niyo ngayun Yuki. Nag d-decide sila na wag na mag participate. H-hindi ko alam yung buong reason s-so you can just ask them later. I’m so sorry hindi ko kasi alam na hindi pa nila nasasabi sayo kaya hindi din kita nasabi—. ]
*TOOTT~TOOTT*
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng ibaba ko ang tawag.
Sandali pa akong natulala sa narinig at padabog kong binato ang telepono ko sa kama.
Why.. what is the reason kung bakit hindi sila nag participate..this is so important for them… I know it… So why..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top