SHOOTING


SHOOTING
“Okay. In three, two, one..”
Click!
Mag i-isang oras na kaming nag s-shooting dito sa maraming mga puno at malayo sa lugar na maraming tao. Sa wakas, naayos din kahit papaano ang camera na hiniram namin sa aming Professor na ginagamit ng kaibigan ko. Kanina pa raw kasi ito nawawala sa katinuan sa hindi malaman na dahilan.
“Okay, Anne. Isa pa. Need n’yo na ayusin. Anong oras na din, baka gabihin tayo ng uwi.” aniya.
Sumama ako sa pagkuha ng litrato at nag-pose. Nakagawian na namin ang mga bagay na ito, at hilig na naming magkaka-ibigan ang Nature Photography.
“Okay na kaya ‘to kay Prof?” tanong niya sa akin at ipinatingin saakin ang nakuha niyang litrato.
“Bhe, i-landscape mo nalang, ulitin mo dali.” sabi naman nung isa naming kasama.
Pansamantala kaming kumukuha pa ng nakarinig kami ng kulog sa ‘di kalayuang lugar.
“Uulan ‘ata.” ani ko. Hindi pa naman umaambon ngunit lumalabas na ang guhit ng kulog.
Tiningnan ko ang oras. Mag a-alas kwatro palang ng hapon ngunit parang mag aala-sais na ng gabi. Nagtanungan ang bawat-isa saamin kung sino ang may dalang payong ngunit lahat ay sumagot ng wala.
“Paano ‘yan?” tanong ni Kim. Ang pinaka-lead sa aming grupo.
Kinuha ko ang selpon sa bag ko at tiningnan ang signal.
No signal.
“Wala rin akong signal.” sabi nung isa.
At halos lahat nga kami ay gano’n. Kaya’t napag-desisyunan naming maghanap ng masisilungan namin. At hindi nga umabot sa isang oras ng paghahanap, ay nakakita kami ng matao sa lugar na ‘yon at napakiusapan naming magkaka-ibigan ang pansamantala munang pagpapalipas ng gabi sa kanila.
Itinuro nila saamin ang kwarto kung saan makakapagpalipas kami ng gabi at may ilang layo pa ito sa bahay ng matanda.
Hindi kalakihan ang kwarto at may mga bintana ito, may electric fan din sa taas ng kisame at may dalawang double deck pa nga ito. Nagpasalamat kami sa matanda na nagpatuloy saamin at pagkaraan no’n ay kinain na rin namin ang dala naming baon.
08:00 pm | Fri, 2019 May 20
No signal
Napailing nalang ako. Siguro dahil magubat ang lugar at malamig din ang panahon. Napatingin ako sa labas, wala pa ring ambom ngunit nakakarinig kami ng kulog kahit nakasarado na ang bintana at pinto.
———-
Tulog na ang mga kasama ko, samantalang ako– hindi mapakali sa pwesto. Tiningnan ko ang oras.
10:13 pm pa lang ng gabi at wala pa rin ni isang guhit sa signal. Hindi rin ako makatulog sa huni ng mga kuliglig sa labas at ingay ng kulog. Ako lang yata saaming magkaka-ibigan ang hindi sanay sa ganoon.
Papikit na sana ako ng may narinig akong katok sa pintuan. Mahina ito ngunit narinig ko pa rin. Sinilip ko ang mga kasama ko at mahimbing silang natutulog ng mga oras na iyon kaya isina-walang bahala ko na lang. Tumagilid ako paharap sa semento. Laking gulat ko ng may lumitaw na kakaibang mukha doon at napaatras ako. Napayakap ako kay Kim na siyang katabi ko lamang at pumikit ng mariin. Alam kong nag ha-hallucinate lang ang kaisipan ko ngunit pagkadilat ko, parang wala akong makita. Sinubukan kong pumikit at dumilat ulit, at bumalik na ito sa dati.
Kumakabog na nang mabilis ang dibdib ko at nilingon ko ang mga kasama ko, natutulog pa rin sila ng mahimbing. Nilakasan ko ang loob kong bumangon para isindi ang ilaw. Nagbukas naman ito, at hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay nag brown out. Namatay din ang mga electric fan kaya nagising sila.


/> “Bakit nag-brown out?” kukunot-kunot noo pang tanong ng isa naming kaibigan.
“H-hindi ko alam.” nanginginig na sagot ko.
“Wala pa ring signal ‘yung–”
Lahat kami ay natahimik ng nakarinig kami ng katok sa pinto. Mahina lang ito. Nagkatinginan kaming lahat at kita sa mata namin ang pagtataka.
Wala pa rin kaming imik ng sunod-sunod na ang pagkatok sa pintuan.
Binuksan ko ang flashlight na galing sa cellphone ko ngunit namatay ito agad. Ganoon din ang nangyari sa mga kaibigan ko.
“Hindi naman ‘to lowbat.” ani Kim.
Nagpanic na kami ng sunod-sunod muli ang katok sa pinto, at sa oras na ‘yon ay palakas na ito ng palakas. Kaya napahawak na ang isa naming kaibigan sa braso ko, halatang natatakot na ito.
Naghawak kamay kaming magkakaibigan at sinabihan ang bawat-isa na lakasan ang loob. Dahil madilim nga ang kwarto na ‘yon ay hindi namin masyadong kita ang maaari naming matapakan.
Tumayo kaming lahat at hawak kamay pa rin kami. Nakarinig din kami ng ingay ng mga ibon sa tapat ng bintana, at sa oras na ‘yon— mga kalabog nalang ng aming dibdib ang maririnig. May pilit na bumubukas din ng bintana, kaya tumayo ako at sinubukang isindi ulit ang ilaw. Gumana nga ito ngunit maya maya’y nagpapatay-patay sindi ito.
“Bitbitin na ninyo ang gamit. Humawak lang kayo dahil bubuksan ko na ang pinto. Tayong lahat ay tatakbo.” ani Kim.
Tiningnan ko ang labas, hindi naman umuulan ngunit ang lakas ng kalampag ng hangin sa mga bintana.
Naglakad kami ng sabay-sabay at dahan dahan patungo sa pintuan. Kahit natatakot pa ay nilakasan pa rin ni Kim ang loob niyang buksan ang pinto.
Pagkabukas niya ay tumahik ang paligid. Nawala ang hangin at nagbukas ang mga ilaw. Bumalik sa dati ang paligid at nawala ang ingay ng mga ibon at kuliglig. Ngunit umulan ng malakas kaya dito na kami nagsabay-sabay tumakbo pabalik sa lugar ng matandang nagpatuloy sa amin doon.
Pagkaapak ng paa namin doon, ay saktong tumigil ang ulan at nakita naming nakabukas pa ang ilaw nila kahit mag aalas dose na ng gabi noon.
Hingal na hingal kaming kumatok sa pinto.
“Bakit?” nag aalalang bungad saamin ng matanda na mahigit singkwenta palang ang hitsura. Nagising din ang mga anak nito dahil sa ingay ng katok sa labas.
“Tumuloy muna kayo at uminom ng tubig.” ani ng matanda.
Wala pa rin ni isa ang umimik saamin kaya inunahan na kami nung matanda.
“Ano ba ang nangyari mga iha?” tanong nito. Kita sa mata nito ang labis na pag-alala. Ako ang nagkwento sa matanda kung ano ang nangyari sa mga oras na ‘yon. Napatingin siya saaming nagtataka at napunta ang tingin nito sa camera na nakasabit sa leeg ni Kim.
“Kumuha ba kayo ng litrato sa may bandang dulo?” tanong nito. Ipinaliwang nito ang sinasabi niya at napatango na lamang kami.
“Mag-iingat kayo sa susunod. Hindi na nakita pa ang ibang tao na nangahas na kumuha ng litrato sa lugar na pinuntahan ninyo.”
“Binulabog din sila ng ligaw na espiritu dahil nasama ata nila ito ng hindi nila alam sa litrato nila.”
“Sa lumipas na oras at mga araw, hindi na sila nakita pa ngunit may isang nakaligtas at dumiretso din dito sa bahay upang humingi ng saklolo.”
Nagkatinginan ang bawat-isa saamin. At susubukan pa sana ni Kim i-check ang mga litrato ngunit hindi na ito gumana pa.
Magmula noon ay hindi na kami bumalik sa lugar na iyon at pinanagutan na lamang namin ang pagkasira ng Camera.
written by: Valerie Lúx






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top