Ang Manliligaw kung CAMPUS CRUSH
Writer: Seira Writes
Genre: Teen-fiction, Romance
SYNOPSIS :
Hi I’m Analisa Beckett isa akong nerd, manang kung manamit na ang gusto lamang ay mapayapa at tahimik na buhay not until nagkagusto sa akin ang kanilang tinatawag na CAMPUS CRUSH! ano na lamang ang gagawin ko?!
____
PART 1
“Tumabi ka nga!” asik nito saka ako tinulak ng malakas dahilan para mapa upo ako sa sahig.
“That’s what you got! Paharang harang ka eh!” dagdag niya pa saka ako tinawanan at umalis.
Tiningnan ko naman ang paligid halos lahat sila nagpatuloy lamang sa ginagawa walang pakialam sa nangyari na tila sanay na silang may ganoong pangyayari.
Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo na ng kusa alangan namang magexpect pa akong may tumulong sakin eh para lamang nila akong hangin kung ituring.
Nabitin ang aking pag iisip ng biglang may sumigaw.
“Look girls! Andyan na ang mga Royalties!”
Naglakad sina Tristan papalapit sa lugar namin kaya pala ang iingay ng mga fangirls animoy may dumating na artista kung maka sigaw eh?
“Hi Girls!” sigaw ni Hendrix sa mga fangirls nito dahilan na mas lalo pang umingay sa loob ng cafeteria. Halos mabingi na yung tenga ko sa mga sigawan at tili ng mga babae.
Umupo sila doon sa isang malaking lamesa sa gilid. Tumayo ang isa sa kanila upang patahimikin ang mga nag sisigawan na fangirls.
Hindi ko na sila nilingon pa at nagpatuloy na lamang sa ginagawang pag order ng mga pagkain.
“Ito po.” naglahad ako ng pera saka kinuha ang tray nito na may laman na pagkain.
Umalis na ako doon at naghanap ng bakanteng upuan.
“Uh Excuse me?” tanong ko sa babae ng makita ang bakante niyang upuan sa harap.
“May nakaupo na diyan.” diretso nitong sabi hindi manlang ako pinatapos saka nag patuloy ito sa ginagawa.
Tumango na lamang ako saka naghanap ulit ng bakanteng upuan. Ito ang hirap sa pagiging isang Nerd hangin kang ituring.
“Hey miss!” sigaw ng isang babae hindi ko ito pinansin at nagtuloy tuloy lamang sa paghahanap bitbit ang isang tray na may lamang pagkain.
“Miss! Miss! na naka eyeglass ng malaki at hanggang paa ang taas ng saya!” natigilan ako sa sinabi nito at tiningnan ang sarili.
Eyeglass na malaki?
Hinawakan ko ang aking suot na eyeglasses.
Hanggang paa ang taas ng saya?
Tiningnan ko naman ang taas ng saya ko.
Agad ko siyang nilingon para mapakomperma ang hinala.
Tinuro ko ang sarili habang nagsasalita na walang lumalabas sa bibig “Ako?”
Tumango ito. “Halika dito kana!” sabi niya saka tinuro ang bakante na upuan sa tabi niya.
Hay! sa wakas akala ko pa naman maghihintay pa akong umalis sila sa upuan bago ako makaupo.
“Uh salamat.” nahihiya kung sabi ng makalapit sa kanya.
“No worries.” sabi niya at ngumiti. “Oh ano pang hinihintay mo? Umupo ka na! hindi ka pa ba napapagod kakatayo ng magdamag?”
“H-hindi sa ganon i-i mean uh s-sige” utal kung sabi saka umupo na.
“Sus! Huwag kang mailang sakin ano kaba ako lang to ‘no! Si Zara ang pinaka maganda sa lahat ng maganda charing!” masigla nitong sabi habang ginagalaw ang kamay na nasa chin nito.
“Maganda naman talaga ako! Agree ka naman dun diba? Diba?” pagpipilit niya Napatawa na lamang ako ng mahina saka dahan dahang tumango.
Totoo naman maganda talaga siya Napaka natural ng face niya walang bahid ng make up.
“See! napatawa kita! by the way ano name mo girl?” tanong nito habang natatawa, di ko ito ineexpect napaka daldal niya pala.
“Analisa.” sabi ko habang kumukuha nang pagkain sa tray.
“Analisa?” tanong nito habang hinihintay ang kasunod kung sasabihin.
“Beckett… Analisa Beckett” sabi ko.
“Nice name! by the way I’m Zarayah Welton just call me Zara for short and I’ll call you Ana as well” naglahad siya ng...