One Nightstand with Stranger. Chapter 3


One Nightstand with Stranger.
Chapter 3
“Sir Luke malabo po ang kuha ng lahat ng Cctv. kung may malinaw mang kuha ay hindi makita ng mukha ng dalaga nais ninyong makita.
“Ano ba simple lang pinapagawa ko! hindi nyo pa magawa ng maayos?
“Sir Luke ginawa na namin lahat ng proseso. Sadyang malabo ang lahat ng kuha.
“Anong silbi ng binabayad ko kung hindi ninyo magawa ang mga pinapa-trabaho ko sainyo?
“Pasensiya na po sir Luke, Ginawa naman po namin lahat ng paraan. Upang makakuha ng malinaw na footage.
Nang malaman ng binata na walang makuha na malinaw na footage sa cctv ay nadismaya ito.
Nahihirapan akong malapitan ang dalagang si Tricia. Nais kung magpaliwanag sa nabungaran nito sa aking Condo. Oo totoo naman ang lahat ng sinasabi nito. Na nadatnan niya ako na may kasamang babae sa aking condo. Ang babaeng iyon ay si Gwen. Matalik na kaibigan ng aking kasintahan na si Tricia.
Wala akong matandaan sa mga nangyari. Ang naalala ko lang ay umiinom ako sa isang bar. Hindi ko nga alam kung paano ako naka-uwi at kung paano ko nakatabi ang kaibigan nitong si Gwen. Mahal na mahal ko si Tricia, kahit ni minsan hindi sumagi sa aking isipan na lukuhin ito. wika ng binatang si Lucas sa kanyang sarili
Magiging akin ka Lucas. Hinding hindi ko hahayaan na mapunta ka sa kaibigan kong si Tricia. I hate Tricia very much. Kinaibigan ko lang naman ito dahil nais kong mapalapit saiyo. Kaya tiniis ko lahat ng sakit at selos na aking nadarama. Sa tuwing nakikita ko kayong masayang magkasama.
Ngayong nasira ko na kayo. Hindi ko na hahayaang magkaayos pa kayong muli. Wala naman talagang nangyari sa amin ng binatang si Lucas. Planado ko lahat ang nangyari. Alam ko rin na darating ang kaibigan kong si Tricia sa araw na iyon. Kaya hindi ko sinayang ang araw na nakita ko si Lucas na umiinom sa bar. Na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ko. Binayaran ko ang bar tender ng malaking halaga upang lagyan ng sleeping pills ang alak na iniinom ng binata.
Hindi ko sasayangin ang halos dalawang taon. Na pagtitiis na maging santa-santahan kung wala akong mapapala. Sorry ka Tricia dahil may pagka-t*nga ka. wika ng dalagang si Gwen sa kanyang sarili
Hindi ko malimutan ang lalaking naka One nightstand ko. Naalala ko parin ang mga h*lik at mga haplos ng binata sa aking isipan. Minsan nga napapanaginipan ko pa sa aking pagtulog. Malinaw sa aking isipan ang gwapo nitong mukha pati ang makisig na pustora nito. Hinahanap-hanap ko ang mabangong amoy nito. Na tila para na akong isang ad*k kaka-amoy sa longsleeve na damit na pagmamay-ari ng binatang iyon.
Hanggang napagpasyahan ng dalaga na bumaba. Dahil nakaramdam ito ng gutom.
“Anak isang buwan kanang hindi lumalabas ng bahay. Mula ng huling labas ninyo ng mga kaibigan mo?
“Mom gusto mo bang mag gimmick ako at umuwi ulit ng ganoong oras?
“Anak nag aalala lang ako saiyo! tingnan mo oh nangangayayat kana.
“Mom sexy ang tawag sa pangangatawan ko! hindi payat.
“Anak tumigil ka nga sa mga biro mo. Nag aalala kami ng dad mo saiyo, mabuti pa magpa check-up tayo.
“Mama naman okay lang po ako. Ganito na lang mom...


pangako kakain ako sa tamang oras.
“Anak baka mamaya may sakit kana, na hindi pa natin alam.
“Mom relax healthy po ako. Sige ganito na lang pag may nararamdaman ako na hindi maganda sa akin kataw*n ay sasabihin ko po sainyo agad.
Dahil sa sinabi nito ay hindi na kinulit ng ina ang dalagang si Tricia.
“Alam mo naman anak na ikaw lang ang nag-iisang hunica hija namin ng dad mo. Kaya pagpasensiyahan muna kung over protective kami saiyo.
“Mom maraming salamat sa pagmamahal ninyo ni dad.
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ilang araw na akong nag iisip kung paano ko matagpuan ang dalagang iyon.
Gabi-gabi akong nababal*w kakaisip sa mga nangyari sa amin. Nais kong maranasan at maulit ang gabing iyon.
Sino ka ba talaga Tricia? Bakit ang hirap mong mahagilap?
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng opisina. Tatayo sana ang binata upang buksan ito. ngunit kusa na itong bumukas.
“Bro kamusta? balita ko may pinapahanap kang chicks.
“Alam mo jhon. Kung pumunta ka lang dito upang guluhin ako ay umalis kana.
” Hey Bro napaka badmood mo naman. Alam.mo pumunta ako rito upang tulungan ka na hanapin ang dalagang kina babaliw*n mo.
“Paano mo naman ako matutulungan?
Ako pa ba? siguro naman natatandaan mo ang itsura ng dalagang pinapahanap mo? hindi ka naman mabab*liw kaka-hanap dyan ko hindi diba?
” Obcourse yes.
“Alam mo may magaling ako kaibigan na pintor. Baka nais mong ipa sketch ang dalaga. Sabihin mo lang sa kaibigan kung pintor. Kung ano ang natatandahan mong hulma ng mukha, ilong ,mata ,labi at iba pa.
Baka sakali sa paraan na iyon ay makatulong sa paghahanap mo.
” Brilliant idea jhon! ni minsan hindi pumasok sa aking isipan ang idea na iyan.
“Paano mo pa maisip ang ganitong bagay. Kung parang bal*w kana kaka isip at kaka imahinasyon sa dalagang yon. Kaya dapat pasalamatan mo ako bro, dahil mayroon kang kaibigan na matalinong mag-isip.
“Oo na… alam mo hanggangg ngayon mayabang ka parin talaga. hindi kana talaga nagbago jhon Carlos. Mula ng highschool ganyan kana talaga.
“Grabe ka naman sa akin Bro. Alalahanin mo ako lang ang pag asa mo ngayon, upang matagpuan mo ang dalagang gumising ng iyong pagka-lalaki.
” Haist parang nais mo iparating sa akin na b*kla ako noon.
“Jhon maraming salamat sa iyong tulong. Pero lumayo ka ng kunti sa akin. Baka dumilim ang aking paningin.
“Bro alam mo naman kong gaano kita kamahal diba? kaya relax ka lang. Tinutulungan na nga kita ikaw pa galit.
” Kung hindi lang kita kaibigan jhon talagang kanina ka pa bumal*gta sa iyong kinatatayuan.
“Alam ko naman hindi mo magagawa sa akin yan. Kasi mahal mo talaga ako.
“Haist…
Hindi na muling sumagot si Luke sa mga patutsada ng kanyang kaibigan na si jhon. Upang magkaroon ng katahimikan. maya-maya muling nagsalita si jhon.
“Ano kailan mo nais simulan ang idea na naisip ko? upang masabi ko sa kaibigan kong pintor.
” Bukas na bukas din tawagan muna ngayon ang iyong kaibigan. Sabihin mo dito na hwag siyang tatanggap na kahit anong trabaho bukas.
Hwag siya kamong mag alala sa kanyang kikitain sa araw na iyon. dahil dodoblehin ko ang bayad nito kung magawa niya ang nais kung ipagawa.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. How do Microsoft and the owners of Firefox make money? Google is planning to create a browser also to compete with them called “chrome”. I was wondering where does the source of revenue come in? There are no ads, etc. These programs are free..

Leave a Reply


top