THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 8


MICAH’S PUNTO DE VISTA
“BABY Mochi!,” masiglang bati ko sa malaking stuff toy na nakaupo sa ibabaw ng kama ko. Agad ko itong niyakap at hinayaan ang sarili kong magpahinga sa malalaki at malalambot nitong braso. Kagagaling ko lang sa interview. Magaalas-singko na nang gabi at ramdam ko na ang gutom, pero pagod na ako kaya tinatamad na akong bumangon.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa sobrang lakas ng ulan. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita na alas dyes na pala ng umaga. Napasarap ata ang tulog ko.
Bumangon ako sa pagkakahiga at agad hinarap si Mochi. Binati ko siya ng good morning at hinalikan.
Naghilamos at nagtoothbrush lang muna ako ngayong umaga saka lumabas ng kwarto at hinanap si lola.
“Magandang umaga ho, La. Kumain na po kayo? Pasensya na po nalate ako nang gising,” sabi ko kahit hindi ko pa nakikita si Lola. Maliit lang naman kasi ang bahay namin kaya, madali lang kaming magkarinigan.
“APO! HALIKA DITO BILIS!,” Tila nabuhayan ang natutulog ko pang diwa dahil sa lakas ng boses ni lola. Agad ko siyang hinanap at nakita sa gilid ng bintana namin. May hawak na selpon at may…
WAAAAH.
“Hi baby brother ko! Miss ka na ni ate!” agad kong lapit kay lola Anita. Nakikipagvideo call pala siya sa kapatid kong si Dinson.
“Ate! Mish you too!,” tugon ng kapatid ko.
Seven years old palang si Dinson. Meron siyang sakit sa puso kaya naman mas pinili kong ipagkatiwala siya kila Auntie na nasa Amerika dahil alam kong mas may kakayahan silang alagaan ito at ipagamot doon. Kahit mahirap sa’kin na mawalay sa kapatid ko, titiisin ko para lang mabuhay siya.
“Ate, kelan ka po pupunta dito? You promised to me po diba na you’ll be here before my birthday. Next month po mag e-eight na ako,”
Nagkatinginan kami ni Lola. Alam niyang imposible pang makapunta ako ng America dahil nga wala pa akong pera. Kulang pa ang ipon ko.
“O-oo naman. Your ate never b-breaks a promise diba. Pupunta ako jan, hmm. P-promise ni ate yan,” ani ko sabay lunok at iwas ng tingin sa kaniya.
“Pero dapat ipangako mo din sakin na magpapakabakit ka jan ah. Wag matigas ang ulo,.lagi kang sumunod. If merong kamang nafeel na pain, just let them know, okay. Kung ayaw mong mag-worry si ate sayo, alagaan mo sarili mo, hah. Magpalakas ka para pagnagkita tayo ulit, mamasyal tayo at maglalaro ng basketball, okay?,”
“Yes ma’am yes!,” Sabay saludo pa sakin ng kapatid ko.
“Sige na, may gagawin pa si ate eh. Tsaka matulog ka na, alam kong gabi pa jan. Nagpupuyat ka pa,” ani ko.
Gusto ko pang makausap ang kapatid ko pero hindi ko na kasi kayang pigilan ang mga luha ko. Ayaw ko namang makita niya akong umiiyak.
“Hehe, okay po. Sige ate, ba-bye. I miss you, i love you mwaaah!,” Huling sinasabi ni Dinson bago naputol ang tawag.
Hinimas ni lola ang likod ko dahilan para kumawala ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo mula sa’king mga mata.
Niyakap ko si lola.
“Shh, may awa ang Diyos apo. Wag kang mawalan ng pag-asa. Makakapag-ipon ka rin ng pera at makakapunta sa birthday ni Dinson. Tiwala lang hah,” lola.
Pinunasan ko ang basa kong mata at nakangiting tinugon si Lola, “Hmm,”

Dumaan ang hapon at wala akong ibang ginawa kundi humilata sa loob ng kwarto. Tapos na kasi akong maglinis sa buong bahay. Si lola naman abala sa pananahi. Hindi naman ako nakalabas ng bahay dahil maulan. Hayy.
Dahil sa sobrang pakaboring ko, naisipan ko na lang na ayusin at halungkatin ang mga luma kong gamit na nakasilid sa isang karton. Nasa taas ito ng kabinet.
Unang bumungad sakin ay ang mga pictures ko nung college. Karamihan, mga litrato kong nakasuot ng mga gowns pang pageant. Marami din akong mga koronang naiuwi sa mga beauty contest.
Mas lalo pang nadagdagan ang ngiti sa labi ko nang makita ang isang pirasong papel na may nakasulat na ‘I LIKE YOU MICAH,’ . Galing ito sa daddy ni Mochi. Sa taong nagkagusto sa’kin nung college. Sa taong naging first love ko.
“Micah apo, may naghahanap sa’yo sa labas,” katok ni lola sa pinto ng kwarto ko kaya agad akong napatingin doon. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil nga sa ulan.
Binuksan ko na lang ang pinto at hinarap siya. “Ano po ulit ‘yun la?,”
“May naghahanap sa’yo sa baba, lalaki,”
“Ho? ,” Sino naman kaya ang dadalaw sa’kin nang gantong oras ng hapon, at maulan pa..
Dala nang pagtataka, lumabas nga ako ng kwarto at agad pumunta sa sala.
Nagulat ako bahagya nang makita ulit siya. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.
“Hi,” bati nito.

“Gio, ”
“Yes sir!,”
“Inform Miss Salvador that she’s hired,” Andrius, habang abala sa pagpe-pirma ng mga papeles.
“Talaga sir? Sige po!— Pero sir Andrius, ano pong position ang ibibigay niyo sa kaniya?, Wala na pong vacant eh,” balik nito sa lalaki.
“She’ll be my personal assistant. Tell her that I want her to be here before 5 in the morning. Pag nalate siya ng sang minuto, hindi ko na siya tatanggapin,”
“Y-yes sir! Noted po. I’ll inform Miss Salvador about this ASAP!,” dali-daling sabi ng sekretarya saka lumabas ng opisina.

“Hi,” bati ng lalaki sa kaniya. Ngumiti si Micah bilang tugon.
“Anong ginagawa mo dito Wilton?,” tanong niya sa lalaki at...


naupo sa harapan nito.
“Pumunta ako dito para sabihin sa’yo na, nakakulong na si Mr. Ruise,” tugon nito na siyang ikinagulat ng dalaga.
“Talaga? Papano—Sino nagsampa ng kaso sa kaniya? Si Annie ba?,” Sunod-sunod nitong tanong.
“Hindi si Annie ang nagsampa ng kaso, kundi si….Lianna,” Wilton.
Si Lianna?
“Matagal nang hinaharas ni Sir Ruise si Lianna, Micah. Hindi lang ito nagsasabi dahil pinagbabantaan siya ng masama ni Sir Ruise. Pero nung isang araw lang, hindi na kinayanan ni Lianna ang pang-aabusong ginagawa sa kaniya kaya wala na siyang ibang nagawa kundi magsampa ng kaso laban dito,”
“E-eh asan na ngayon si Lianna? Kumusta siya?,” nag-aalalang tanong ng dalaga.
“Ang pagkakaalam ko nasa condo niya. Sabi ng isa niyang kaibigan, halos hindi na daw lumalabas ng condo si Lianna. Madalas daw itong tulala at kung minsan pa ay nagwawala,”
Bakas sa mukha ni Micah ang awa dahil sa narinig na balita tungkol sa dati niyang kasamahan. Kahit naman hindi maganda ang pagsasama ng dalawa, hindi pa din maiiwasan ni Micah na mag-alala sa kakilala.
MICAH’S PUNTO DE VISTA
Wala na kaming napagusapan ni Wilton pagkatapos nun. Kinailangan niyang umalis agad dahil may problema sa restaurant. Pumunta lang daw siya para ibalita sa’kin ang nangyare.
Nasa kwarto na ako’t malalim ang iniisip. Hindi maalis sa isip ko si Lianna. Nalulungkot ako dahil sa nangyare sa kaniya.
Kung puntahan ko kaya siya bukas? Hayy, bahala na nga.
Napalingon ako bigla sa ibabaw ng kama ko na mag ring ang phone kong nakapatong doon. Agad ko iyong kinuha at sinagot
“Yes Sir Gio?… P-po?…Talaga? maraming salamat po!….Opo, opo, aagahan ko po bukas…Maraming salamat po talaga!…Sige po, hehe,”
“WAAAAAAAH!!!!!!,” sigaw ko agad matapos mababa ang tawag.
“Anong nangyare? May sunog ba apo? Asan?,” sugod ni Lola sa kwarto.
Imbis na sagutin ang tawag niya, masaya ko siyang nilapitan at mahigpit na niyakap
“La, may trabaho na akoo!,” naeexcite na balita ko sa kaniya, nagtalon-talon pa.
“Aba! Magandang balita yan, apo,”
“Hmm, tama po talaga kayo. May awa si God, hehe. Hayyyy,” ani niya
Muli siyang niyakap ng lola at masaya niya naman itong tinugon.

Alas tres ako nang madaling araw nagisjng kinabukasan. Naghanda na ako ng susuotin ko para mamaya. Nagluto na din akong almusal mga bago mag 4 Am. Pagkatapos naligo na ako, nagayos saka nagbihis. Saktong alas kwatro ako natapos. Masaya akong tinitingnan ang sariling nakatayo sa harap ng salamin suot ang mini skirt na itim saka puting blouse. Bagay na bagay sa’kin ang damit. Medyo hapit na hapit kasi ito saking katawan. Matangkad ako kaya nagmumuka akong isang mannequin. Nakalugay lang ang mahaba kong buhok. Naglagay lang ako ng konting make-ups para di naman ako magmukhang maputla.
Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko sa sala si lola. Ngumiti siya nang makita ako. Nagbulahan lang kami sandali pagkatapos umalis na ako.
Nakaabot ako sa AZTon Company mga 4:45 ng umaga. Napahinga ako nang malalim dahil sarado pa pala ang building. Anong oras kaya magbubukas toh? Napaaga ba ako?
“Magandang umaga po ma’am,” bati sakin ng security guard nang makarating.
“H-hello po, good morning din,” bati ko saka bahagyang yumuko.
“Binilin ka po sa’kin ni Sir Zapanta. Pinapasabi niya po na kailangan niyong linisin ang opisina niya bago siya dumating ng alas singko,”
“H-ho?!,” gulat kong ani. Napatingin ako sa relo ko. Ow sheyt! 4: 5O na! Waaaaah.
Pumasok na ako sa loob, pero agad din bumalik dahil hindi ko naman alam kung saan ba ang opisina ni Sir Zapanta.
“Nasa last floor po ma’am ng building. Sa 50th Floor.,” Guard.
“P-po?!—a-ah eh, sige po salamat!,” nasabi ko na lang saka kumaripas ng takbo papunta sa elevator.
Nakaabot ako sa last floor ng building 5 minutes before mag 5 Am. Wala na akong sinayang na oras at dali-dali nang pumasok sa opisina ni Sir Zapanta. Madali lang naman kasi hanapin ang room niya dahil mas malaki ito kumpara sa ibang kwarto. At meron pang nakalagay na isang note sa pintuan nito.
“Fvck yourself and never disturb me!,” Yan ang nakalagay sa pintuan ng opisina niya. Napatsked na lang ako dahil sa nabasa.
Pagkapasok ko sa loob, halos malaglag ang dalawa kong eye balls dahil sa sobrang kalat. Parang dinaanan ng bagyo ang bawat sulok. ANG GULO! Ano bang pinaggagawa nung Mr. Zapanta bakit ganto ang opisina niya. Tsked.
Sinsubukan niya ba ako? HUH!
“Waaah 3 minutes na lang!!!!!,” balik ko sa realidad dahil sa tunog ng orasan. Dali-dali akong kumilos at agad pinulot ang mga nakakalat na papel at basura sa buong sulok ng opisina.
5:10 na pero hindi pa din ako natatapos. Sobrang kalat kasi kaya nahirapan ako.
“Good morning sir!,”
“Morning sir!,”
“Sir, breakfast po,”
“Magandang umaga ser!,”
Shuta! Anjan na si sir Zapanta, hindi pa ako tapos!
Hindi ako tumigil sa pagkilos hanggang sa bumukas ang pinto.
“WHAT THE…FVCK?!,” Gulat niyang sabi habang nakatingin sa ilang basurang nakakalat sa opisina niya.
Agad kong iwinagayway ang kamay ko, “Sir, wala po akong kinalaman jan!,”
Tila nagiba ang awra niya nang makita ako. Gulat ang nababasa ko sa mukha niya na may…may konting paghanga? Waah, ang assuming ko naman yata.
Mula sa pagkagulat, nagbago ang emosyon niya. Wala akong mabasa na kahit ano. Nakapamulsa siyang nakatayo sa harapan ko’t mataman akong tinitingnan.
Halos magwala ang puso’t kaluluwa ko nang bigla siyang naglakad papalapit sa’kin at agad akong kinorneran.
Jusko Lord! Hahalikan niya ba ako?
TO BE CONTINUE..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top