π— π—”π—›π—”π—Ÿ π—žπ—œπ—§π—” π—žπ—”π—›π—œπ—§ π—›π—œπ—‘π——π—œ π—žπ—”π—‘π—” 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗬𝗔


π— π—”π—›π—”π—Ÿ π—žπ—œπ—§π—” π—žπ—”π—›π—œπ—§ π—›π—œπ—‘π——π—œ π—žπ—”π—‘π—” 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗬𝗔
(π™Ύπ™½π™΄πš‚π™·π™Ύπšƒ)
β€œ Hon, Ito na yong baon mo, mag ingat ka papunta sa trabaho mo ah, tsaka kainin mo itong baon masarap ‘to sigurado akong ma—”
β€œ Pwede ba! Tumigil kana sa ginagawa mo! Hindi na ako bata para padalhan mo ng pagkain at hindi ako tanga para hindi mag ingat! ” sigaw niya sa’kin. May namumuong luha sa’king mga mata pero pinipigilan ko na hindi pumatak.
β€œ Oh! Iiyak kana naman! Para kang bata na inagawan ng candy! Alam mo! Ba’t di mo nalang ako iwan total naman wala kanang silbi sa’kin, ” tinitigan niyako na parang gusto niya na akong isuka.
Lalabas na sana siya ng pinto pero…
β€œ H-hindi ako aalis hangga’t wala akong sapat na dahilan para iwan ka, ” sabi ko.
β€œ Tsk! Bahala ka! ”
He was Jason my husband and I Anna his wife. We married 5 years ago.
Bagong kasal palang kami masasabi ko talagang perfect couple na kami. We love each other pero nagbago ang lahat no’ng nalaman niya na hindi ako makakaanak. Na hindi ko siya mabigyan ng anak dahil may deperensya ako.
Kaya ngayon nag titiis ako sa pangbabaliwala at masasakit na salita na ibabato niya sa’kin.
Wala akong sapat na reason para iwan siya. Mahal ko siya kaya ako nagtitiis kahit nahihirapan na’ko.
β€œ Excuse me, I’ve been looking for Jason Santos, nandito ba siya?”
Tanong ko sa staff.
Nandito pala ako sa Hotel ngayon kung saan nagtatrabaho si Jason.
Manager siya sa hotel na’to.
β€œ Sino po sila?”
β€œ Ah, I’m his...


wife, can i see him?” pangalawang punta ko palang dito dahil pinagbabawalan ako ni Jason kaya hindi ako nakikilala ng mga tao dito.
β€œ Ah, ma’am nasa office niya po, gusto niyo samahan ko po kayo?”
β€œ No, it’s okay. Thank you” ngumiti ako sakanya bago umalis at sumakay ng elevator.
Gusto ko siya isurprise because today is our 6th Anniversary.
Sa labas palang ng office niya naririnig ko agad ang lakas ng tugtog sa loob. Hindi ba siya nabibingi?
Kumatok ako sa pinto kahit alam ko ‘di niya naririnig.
Kusa ko binuksan ang pinto na sana hindi ko nalang ginawa.
May babaeng nakakandong sakanya na halos wala ng damit.
Nakatitig lang ako sakanila habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa’king pisngi.
Nabitawan ko ang bag na dala ko dahilan ng pagtigil nila sa paghahalikan.
Expected kona walang reaction akong makikita sa mukha ni Jason. Wala naman kasi siyang pakialam sa nararamdaman ko.
β€œ Anong ginagawa mo dito?! Diba sabi ko h’wag kang pupunta dito!”
β€œ G-gusto kolang naman isurpresa ka kasi 6th Anniversary na natin ngayon, pero ako pala yong masusurprise.”
β€œ Umuwi kana! Wala naman akong pakialam sa surprise mo o sa anniversary na’yan!”
β€˜ Isang dahilan lang naman ang hindi ko nagawa Jason ang hindi ka mabigyan ng anak pero bakit parang isinumpa mona ako’
Mga katagang gusto ko sabihin sakanya pero mas pinili kong tumahimik.
Huminga ng malalim at tumingin sakanya.
β€œ Hindi na kailangan, sapat na dahilan na’to para iwan ka. Mahal kita kaya pinapalaya kona sarili ko sayo.”
π™Ώπ™·π™Ύπšƒπ™Ύ π™½π™Ύπšƒ 𝙼𝙸𝙽𝙴.
_____________






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top