Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Kabanata 4
Naging ganoon ang araw araw naming set up ni Jay , usap Simula umaga pag gising hanggang magmadaling araw na … Masaya ako sa naging takbo ng aming paguusap , at ipinaramdam nya sa akin kung gaano ako kaimportante pati sa aking mga anak … Halos nawalan na ako ng pakialam sa aking asawa hanggang ….
Kring , kring , kring tunog ng aking Cellfon
” Hello , oh anong masamang hangin ang nagpadpad sayo para tawagan ako ? ” saad ko Kay Jojo
” Kamusta kana Mama , ang mga bata si baby kamusta na ? ” sagot niya ” Kumain na kayo ? ”
” Ayos lang , tapos na kaming kumain ” sagot ko parin sa kanya
” Ah , nga pala maghuhulog ako ng pera kuhanin mo nalang , 2500 yun ”
” Mabuti naman at naka alala kang magpadala sige at kukunin ko nalang ” sabi ko naman sa kanya pero pinakikiramdaman ko ang sarili ko , wala na akong...