ALEXA’S MISSION CHAPTER TWO


” mister Vergara, maaari mo bang ipakilala ang iyong sarili? ” paanyaya ng Proffesor sa unang subject.
Tumayo si Jiro sa kinauupuan nya at tumungo sa Harap. “My name is Rain Jiro Vergara, nice meeting you guys. ” aniya.
“Ohhy, ilang taon kana? ” anang kaklase nyang lalake. Dahilan para bahagyang matigilan si Jiro.
“Hindi naman nasusukat sa Edad ang pag Aaral hindi ba? ” ang lahat ng naroon ay napalingon sa babaeng nakasandal sa gilid ng pinto. Rekta itong nakatanaw sa mga mata ni Jiro na naghahanap ng Sagot. Tipid na ngumiti ang dalaga para palakasin ang loob ng binata. “Ikaw nga, Pang Estudyante ang uniporme ngunit asal Kalye naman ang Ugali pero na nanatili ka parin sa loob ng paaralang ito kaya’t anong karapatan mo para kwestyonin ang Edad ng lalaking mas mukha pang bata ang Itsura kaysa sayo? ” tumaas ang kilay ni Alexa ngunit naka ngisi parin sya. ” Maupo kana, ang sabi ng guro mo ay magpakilala ka hindi mo obligasyon na sagutin ang tanong nila. ” anito pa kay Jiro. “Hindi ba? ” matalas ang mata nya ng lingunin ang propesor.
“Ah- – – oo naman, tama- – tama. ” tarantang anito.
Lihim na napangiting muli ang binata, dahil sa wakas ay may magtatanggol na sa kanya sa twing nasa alanganin syang sitwasyon.
“Kinakailangan bang nariyan ka? ” tanong ni Jiro habang naka upo sa likuran nya si Alexa, ngunit nakakapanibago ang tonong ginamit nito bagaman naroon ang inis ay kalmado nya naman itong nasambit.
“Malay ko ba kung may bigla nalang may Bumaril sayo atleast kahit mamatay ka ay nandito. ” natatawang saad ng dalaga na lalong ikinalukot ng mukha ng binata.
“tumahimik ka na nga lang kung wala kang sasabihing maganda! ” inis na anito tsaka muling ibinalik sa papel na sinasagutan ang pares ng mata nya. “Haisst! Ano ba kasing sagot dito! ” pabulong na aniya.
“Saan ba… ” hindi na nakalingon pa si Jiro nang biglang lumitaw sa gilid ng balikat nya ang mukha ni Alexa, bahagya pang sumayad ang malambot at makinis na balat ng pisngi ng dalaga sa gilid din ng pisngi nya na ikinapula ng pisngi nya. ” oh, madali lang to ah.. “ani Alexa, bahagya pa nyang binasa ng dila nya ang labi nya tsaka kinuha sa kamay ni Jiro ang Ballpen nito at sya ang nag sagot noon.
“Ano ba! “Galit na saad ni Jiro kaya napatigil si Alexa. “Lumayo ka nga! Kaya ko naman ah! ” sigaw pa nito palibhasay wala ang proffesor kaya ganuon na lamang kung sumigaw sya.
Napataas ang labi ni Alexa at muling naupo. “Sabi nya kanina pano nya daw sasagutan tas ngayong sasagutan ko..nagagalit haisst! ” bulong ni Alexa sa Sarili nya.
Samantala si Jiro naman ay mabilis na ginapangan ng Hiya, wala syang kaibigan o kahit malalapit na kaklase ito ang unang beses na may dumikit sa kanya kaya naman ganito sya umasta lalo at babae pa si Alexa.
~
“pwede ba, hwag mo naman akong sundan ng sundan! ” galit na anito nang matapos ang unang tatlong subject.
“Hindi pwede, kapag may nangyari sayo ay parang binaril ko na din ang sarili ko.” nakapamullsang saad ni Alexa habang tuloy sa pag sunod kay Jiro sa layong dalawang hakbang.
“Give me some privacy! ”
“Hindi pwede~” ani Alexa wariy nang iinis.
Kaya’t nilingon sya ni Jiro pero nagulat sya sa ginawa nito, kalmado ang mata nito pero mabilis na nahablot ni Alexa ang braso ng binata palapit sa kanya, nang mayakap sya ni Alexa ay umikot sila ng dalawang beses hanggang sa maisandal ng dalaga si Jiro sa pader.
“Nasaktan ka ba? ” tanong ni Alexa samantala si jiro ay tila isang Estatwa, hindi maka imik at hindi din makagalaw tanging pag kurap lang ng mata nya ang nagawa nya, hanggang sa bumaba ang paningin nya sa kamay ni Alexa na tumutulo ang dugo sa sahig.
“Anong nangyari sayo? ” labis ang pag aalala ni Jiro, mula sa patak ng dugo na nasa Sahig ay gumapang ang paningin nya sa di kalayuan at natanaw doon ang kumikislap na kutsilyo.
Ibinalik nya kay Alexa ang paningin nya ngunit nakangiti ang dalaga sa kanya kaya natigilan na naman sya. “Gasgas lang Master. ” nanunuksong saad ng Dalaga. ” kaya ayaw kong lumayo sa tabi mo dahil dito. ” nakangiting saad padin nya patungkol sa sugat. “Kaklase mo ang may gawa…Lika na baka gutom ka na.” anito wariy...


walang nangyari.
“Paano ka? ” nakatulalang saad ng binata.
“Hahahaha,, mas aalala pa’ko kung magugutom ka. ” biro ng dalaga.
“Hindi, ano.. Ipatingin muna natin yan sa Clinic. ”
Nagbuntong hininga si Alexa, tsaka nililis ang long sleve ng damit nya at ipinakita kay Jiro ang Sugat, Maliit lang iyon ngunit malapit sa pulsuhan kaya naman ganun kalakas ang Dugo, kung ihahambing sa buhay ng dalaga ay talagang gasgas ngalang iyon.
“Gusto mo bang makita kung nasan yung bumato? ” nakangiting saad ng dalaga, hindi sumagot si Jiro pero maghintay sya sa bawat pag kilos ni Alexa. ” para huminto ka sa pag aalala sakin ay ihaharap ko sya sa iyo. ”
Ang isang kamay nito ay kanina pa nakasuksok sa bulsa ng suot nyang pants kaya’t ang may sugat na braso nya ang ipinang pulot nya sa kutsilyo na nasa sahig.
“Pustahan, me malalaglag sa puno. ” nakangiting ani Alexa, pinag laruan nya sandali ang kutsilyo inihagis hagis nya ito ng ilang ulit at hindi manlang nag mintis na sa puluhan nya ito mahawakan matapos ang huling pag hagis ay nasalo ulit ni Alexa ang puluhan nito tsaka sya umikot at naging seryoso ang mukha, Ibinato nya ang Kutsilyo mula sa puno katapat ng hallway na nilalakaran nila at nalaglag ang isang lalake.
“EsTeve…. “naisatinig ni Jiro.
“Hello Sillvania” nakangising ani Alexa habang naka angat ang palad nya wariy na ngungumusta. ” Try to Shoot again, if you can..”nang iinis na saad ni Alexa, sa susunod ay.. Inilagay ni alexa ang dalawang daliri nya, sa sentido animoy bumabaril. “Beng!” pananakot nya. “Hindi na kita bubuhayin.” nakakatakot ang Reaksyon ng mukha ni Alexa, kinuha nya ang pulsuhan ni Jiro. “Lumayo ka don, anak sya ng taong gustong pumatay sa’yo.” ani Alexa.
“Pero paano kung bigla na lang nila kong patayin? ” sa wakas ay nakapagsalita din Si Jiro, alas Siete y’media na ng gabi ngunit mula mangangyari ang mga bagay na iyon ay para itong napipi at hindi na naka salita pa hanggang sa oag uwi nila. ” Gusto ko lang.. Mabuhay ng Normal.. ” nabasag ang tinig nito at unti-unting dumaloy ang luha mula sa mata nya.
“Kaya nga hwag mo akong itaboy dahil trabaho kong protektahan ka. ”
“Paano kung sa panahong wala ka? ” patuloy nag pagkutkot ni Jiro sa mga Kuko nya.
“Hindi mangyayari yun, kapag pinilay nila ko ay gagamitin ko ang mga kamay ko para gumapang at bumalik sayo, kapag binali nila ang braso ko ay gagamitin ko ang ngipin ko para mahatak ang katawan ko pabalik sayo, kapag nabungi lahat ng ngipin ko ay i-iikot ko ang katawan ko ppaunta sayo, sa madaling salita kahit sino pa ang humarang ay ipinapangako kong babalik at babalik ako. ” hinagod ni Alexa ang buhok ni Jiro, matapos ay naglakad ito palabas.
“pwede bang…….”
Huminto si Alexa sa pag hakbang. Lumingon sya nang wala syang marinig na kasunod sa pagsasalita nito.
“Hwag kang mag alala, magbabantay ako matulog ka ng mahimbing.” aniya ngunit hindi sumagot si Jiro.
Paglabas ng dalaga ay pumunta sya sa Kwarto nya at kinuha ang Sniper nyang baril tsaka bumalik sa Pinto ng kwarto ni Jiro. Naupo sya at sumandal, ipinikit nya ang mata nya ngunit na nanatiling alerto ang tainga at pakiramdam nya.
‘Ilang taon na ang nakakalipas ‘ nasabi nya sa sarili nya at muling inalala ang nakaraan.
“Ibenta nyo, sa’min ang Lupang kinatitirikan ng bahay nyo.. ” anang matanda habang nakasupalpal ang malaking tabacco sa binig nito
“pero mister Silvannia, saan naman po kami pupulutin kung ibebenta namin ito? “takot may itinanong parin ng Ama ni Alexa.
“Valdez…. Kailangan pa bang pati iyon ay problemahin ko pa?”
Hindi manlang kinausap ng maayos ang mga magulang ni Alexa basta na lamang ito pinag babaril sa katawan at nasaksihan iyon ng Batang Alexa.
~
“Mama! Papa! ” naimulat nya ang mata nya, nagpakawala sya ng buntong hininga.
“Dapat pala ay tinuluyan ko na iyong batang Silvannia para kahit paano ay nakabawi ako. ”
Napatigil sya sa pag iisip nang marinig nya ang bawat hikbi na nag mumula sa kwarto ng Binatang Vergara.
*EEEEEENGK!
Nakatalikod ito habang nakahiga sa kama at panay ang pag galaw ng Balikat.
“Master Jiro….” tawag nya dito, ngunit hindi ito umimik kaya’t nilapitan nya ito. “Palayain mo ang lahat ng takot, Nandito ko para saluhin ang lahat ng iyon. ” nasabi nya dahil alam nyang umiiyak ang binatang nasa tabi nya dahil din sa pagkawala ng Magulang din nitong babae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top