Ikaw lang ang nasa puso ko – Chapter 4


Ikaw lang ang nasa puso ko
.
Chapter 4
.
Ariel : Ang tagal ng panahon na hindi tayo nagkita ano.
Mary Ann : oo nga, akala ko nga hindi mo na ako kilala, akala ko hindi mo na ako natatandaan.
Ariel : hindi kita kinalimutan Mary Ann, yun nga lang hindi talaga kita kilala nong binunggo mo ako sa labas, hindi ko alam na ikaw na pala yun, kasi iba na kasi yong itsura mo, lalo kang gumanda ngayon.
Mary Ann : hindi naman.
.
Naghuhumiyaw sa kilig si Mary Ann sa sinabi ni Ariel.
.
Ariel : meron ka na sigurong boyfriend ano, kasi sa ganda mong yan. Imposibleng walang nanligaw sayo.
Mary Ann : wala pa akong boyfriend.
Ariel : talaga!!!kung ganun pala ay dapat akong matuwa!!
Mary Ann : H-ha, bakit naman.?
Ariel : syempre kaibigan kita, at walang magagalit sakin, walang dadapong kamao sa mukha ko, dahil magseselos at dahil kasama mo ako. at gusto ko sana sa bakasyon kong ito ay lagi kitang kasama..gusto kong bawiin yong mga araw na nagkahiwalay tayo.
.
Napakasarap sa pandinig ni Mary Ann ang sinabi ni Ariel na gusto siyang makasama ng binata sa pagbabakasyon nito,
halos hindi hinihiwalayan ni Ariel si Mary Ann, si Carmela at Alexander naman ay nakapagpalagayan na din ng loob kaya, medyo naalis na din ang hiya ni Carmela sa binata, at samantalang ang ibang kadalagahan ay tampulan ng usapan si Mary Ann..
.
Dalaga 1 : naku, kaya pala walang pinapansin na manliligaw si Mary Ann ay dahil may hinihintay pala siya..si Señorito Ariel pala ang gusto niya.
Dalaga 2 : Ambisyosa pala yang babae na yan.
Dalaga 3 : gusto niya kasing maging doña kaya inaakit niya si Señorito Ariel.
.
At ang iba naman na kadalagahan ay natutuwa sila dahil nagkatagpo uli ang magkaibigan, dahil alam naman nila na magkaibigan sila noong bata.
.
Dalaga 4 : bagay sila Mary Ann at señorito Ariel ano.
Dalaga 5 : oo nga, ang ganda ni Mary Ann at ang gwapo naman ni Señorito Ariel.
Dalaga 6 : nakakatuwa sila ano, ang tagal din nilang nagkahiwalay na magkaibigan, at ngayon magkasama na sila..sana magkatuluyan sila..
.
At hanggang sa Malapit ng mag-12 Am. Ang iba ay mga nasi-uwian na, iilan na lang ang naroon, at hanggang sa nagpaalam na nga si Mary Ann kay Ariel na uuwe na..
.
Ariel : pwede bang ako nalang ang maghahatid sayo?
Mary Ann : naku huwag na, ihahatid naman ako nila Carmela at ang kapatid niya.
Carmela : ang problema Mary Ann wala pa yong kaptid ko sabi niya sakin ihahatid niya lang yong girlfriend niya, hanggang ngayon wala pa naman.
Alexander : magpahatid kana Mary Ann kay pinsan, at sasamahan ko si Carmela na hintayin yong kapatid niya.
.
Nagulat si Carmela at natuwa ng sabihin ni Alexander na sasamahan siya doon ni Alexander.
.
Ariel : oo nga Mary Ann, nahihiya ka na ba sakin ngayon?
Mary Ann : hindi naman, ang inaalala ko lang ay maaabala ka pa, imbes na makakapagpahinga ka na, eh ihahatid mo pa ako.
Ariel : anong maaabala, hindi ka naman abala sakin.
.
Hindi na nakatanggi pa si Mary Ann. Hinatid siya ni Ariel, at naiwan nga si Alexander upang samahan si Carmela..at habang nasa byahe naman sina Ariel at Mary Ann ay nag-uusap sila.
.
Ariel : nag-enjoy kaba sa party?
Mary Ann ; oo naman..ikaw ba?
Ariel : masayang-masaya ako, dahil kasama kita.
.
natutuwa na nman ang puso ni Mary Ann sa sinabi ni Ariel..dahil si MaryAnn ay masayang masaya din siya dahil nakita na niya si Ariel..
.
Ariel : sana makasama pa kita uli, baka pwedeng mamasyal naman tayo bukas.
Mary Ann : hindi ako pwede bukas, naipangako ko kay nanay na tutulungan ko siyang gumawa ng puto na ipapameryenda sa mga magbuburas ng mangga.
Ariel : ganun ba., eh baka pwede akong pumunta sa inyo bukas, kasi alam mo na nasasabik ako sa biko ni Aling Marissa, pwede ba?
Mary Ann : pwede naman!!
Ariel : Yes!! Sa wakas makakatikim uli ako ng biko..(malakas niyang sabi
.
Natuwa naman si Mary Ann sa isiping makikita niya uli si Ariel..at hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila Mary Ann.
.
Mary Ann : salamat Ariel ha, sige iwan mo na ako para makapagpahinga ka na din.
Ariel : hihintayin na kitang makapasok, bago ako umalis.
.
Hindi nagtagal ay narinig na ni Mang Andres ang tawag sa kanya ng anak.,at lumabas agad si Mang Andres upang buksan ang tarangkahan, nagtaka si Mang Andres at may nakaparadang kotse sa tapat ng tarangkahan nila, kaya naisip ni Mang Andres na si Franco iyon.
.
Ariel : Magandang gabi po Mang Andres, inihatid ko lang po si Mary Ann.
.
Nagtaka si Mang Andres at parang iba ang boses nito, at hindi si Franco, medyo kabisado na kasi niya ang boses ni Franco dahil nagpupunta iyon sa kanila, na lumiligaw kay Mary Ann..
.
Andres : aba sino ba siya Mary Ann?
Mary Ann : si Ariel po tay.
Andres : sinong Ariel?
Ariel : si mang Andres hindi na ako natatandaan, ako po yong kababata ng anak nio, anak po ako ni Arman..
Andres : Ay señorito Ariel ikaw na pala yan??
Ariel : opo mang Andres, ako nga po..
Andres : naku, tuloy po muna kayo señorito, pasensiya na po kayo at hindi talaga kita nakilala, abay mabuti po at nauwi ka din dito.
Ariel : opo, nakakasabik nga po dito satin, kaya naisipan ko ng umuwi.
Andres : tuloy po kayo señorito.
Ariel : naku, hindi na po mang Andres, kasama ko po kasi yong pinsan ko, iniwan ko po sa plaza, hinatid ko lang po si Mary Ann..tutuloy na din po ako, bukas nalang po ako pupunta uli, nabida kasi ni Mary Ann na gagawa ng puto si Aling Marissa, eh gusto ko po kasi makatikim ng puto, kaya maaari po ba akong pumunta dito bukas?
Andres : opo naman señorito..sige po, punta lang po kayo dito bukas,
Ariel : salamat po, sige tuloy na po ako, bukas nalang po,…sige Mary Ann(baling niya sa dalaga)
Mary Ann : sige, salamat. Ingat ka ha!
Andres : salamat señorito sa paghatid sa dalaga ko..
Ariel : wala po yun.
.
Napakasaya ng gabing iyon, para kay Mary Ann, hindi niya inaasahan na magkikita na sila ni Ariel ng mga gabi na iyon, hindi tuloy makatulog si Mary Ann dahil hindi niya makalimutan ang mga pangyayari sa sayawan, parang ramdam pa niya ang mga hawak sa kanya ni Ariel ng kasayaw niya ito, pati ang pabango ni Ariel ay parang nadikit na sa kanya..sa isip niya na talagang tumitibok ang puso niya para sa kababata niyang si Ariel, at sa kakaisip niya ay hindi na tuloy siya dalawin ng antok, dahil sobrang saya ng kanyang damdamin.
.
Alexander : pinsan, mukhang inlove ka sa kababata mo ah.
Ariel : ha, paano mo namang nalaman. Na inlove nga ako?
Alexander : kasi pinsan, kanina pa kita napanpansin na napapangiti ka eh.
Ariel : masaya lang ako dahil nagkita na uli kami ni Mary Ann, alam mo kasi pinsan siya kasi yong lagi kong kasama noong bata pa kami.siya lang yong palagi kong kalaro, kaya masaya lang ako, dahil nagkita kami uli.
Alexander : halos binakuran mo si Mary Ann, hindi mo na siya iniwan eh, tiyak kong madaming nagalit sayong kabinataan na gustong isayaw si Mary Ann, at dahil kasayaw mo nga lagi si Mary Ann ay hindi na tuloy nila naisayaw si Mary Ann.
Ariel : problema na nila yun basta ako,gusto kong makasama yong kaibigan ko.
Alexander : inlove ka nga pinsan!! Inlove ka sa kababata mo, kung ako sayo ligawan mo na agad, nakita mo naman sa ganda ng kaibigan mo, madaming nanliligaw doon baka maunahan ka pa.
.
Nakaramdam ng pag-aalala si Ariel sa sinabi ni Alexander..kaya napag-isipan niyang ligawan ang kababata..pero hindi niya alam kung paano uumpisahan, sa tanang buhay niya ay hindi pa siya sumusubok na manligaw, dahil puro pag-aaral lang ang inatupag niya, at ng makatapos naman siya ng pag-aaral trabaho naman siya naka-focus, kaya hindi niya alam kung paano magsisimula, ayaw naman niyang magtanong sa pinsan niya at baka ulanin siya ng tukso nito, kaya sabi niya sa sarili bahala na daw kung paano siya magtatapat kay Mary Ann…lumipas ang magdamag, maagang nagising si Aling Marissa upang maghanda ng kanilang almusal, samantalang si Mary Ann ay tulog na tulog pa sa oras na iyon, dahil halos umaga na siyang nakatulog sa kakaisip kay Ariel..at hanggang sa sumikat na ang araw ay tulog pa din ito, at hindi nagtagal ay dumating na nga si Ariel nagulat pa si Marissa ng makita si Ariel sa harap ng tarangkahan..hindi niya ito nakilala..
.
Ariel : Aling Marissa, magandang umaga po!
Marissa : magandang umaga naman, sino po sila, at anong kailangan nila?
Ariel : ako po si Ariel aling Marissa.
Marissa : ay señorito ikaw na pala yan.tuloy po kayo!
Ariel : salamat po!
Marissa : pasensiya na po at hindi ko na kayo nakilala katagal ko po kasing hindi ko kayo nakita.
Ariel : opo nga, biglaan po kasi yong pag-alis namin noon.si mang andres po?
Marissa : nasa bukid na po señorito.
Ariel : mukhang tulog pa po si Mary Ann aling Marissa ah.
Marissa : ay opo señorito..pasensiya na po kayo at hindi pa kami nakakaluto ng puto, mag-gagawa pa lang po ako. Kulang pa nga po ng sangkap yong lulutuin kong puto, nakatulog pa kasi si Mary Ann na uutusan kong bibili sa bayan..pumasok po muna kayo sa loob at ipagtitimpla ko kayo ng kape.
Ariel : salamat po.
.
Pumasok nga si Ariel sa loob ng bahay at naupo siya sa may tanggapan..at hindi nagtagal ay pumasok din sa bahay si Annabelle, at kinausap niya si Ariel.
.
Annabelle : magandang umaga po. Sino po kayo?
Ariel : hello, ako si Ariel, ikaw anong pangalan mo?
Annabelle ; annabelle po.
Ariel : ako naman si Tito Ariel..
Annabelle : bakit po kayo nandito sa bahay nila lolo at lola?
Ariel : bibisitahin ko sana si Tita Mary Ann mo! Nandiyan ba siya?
Annabelle : opo, sandali lang po ah, gigisingin ko lang po.
.
Nagtungo si Annabelle sa pinto ng kwarto ni Mary Ann na katapat lang ng pinaguupuan ni Ariel, at binuksan ang kwarto ni Mary Ann, at ginising niya ang tita niya na mahimbing na natutulog,nabuksan ni annabelle ang pinto dahil hindi ito naisarado ni Mary Ann. nagulat si Mary Ann ng maramdaman niyang niyuyogyog siya ng pamangkin at ginigising, at samantalang si Ariel naman mula sa kinauupuan niya ay kita niya si Mary Ann na nakahiga sa kama..na excite si Ariel na makita uli si Mary Ann.
.
Annabelle : tita, tita gising na po ikaw.
Mary Ann ; oo baby, sandali na lang at inaantok pa ako baby ko!!
Annabelle : meron po ikaw bisita, ayon po oh..
Mary Ann : sino daw siya Baby?
Annabelle : sandali po nakalimutan ko po pangalan niya,,sandali po itatanong ko.
.
Lumabas muli si Annabelle para itanong muli ang pangalan ni Ariel at nagkataon namang pumasok din si Evelyn dahil hinahanap ni evelyn ang anak.
.
Evelyn : belle nariyan ka na pala, naghahanap ako sayo sa labas wala ka naman pala, andito ka lang pala.
.
At hanggang nakapagtimpla na ng kape si Marissa para kay Ariel..
.
Marissa : eto po señorito ang kape,, kinulit po ba kayo ng apo ko?
Ariel : ay naku hindi po, nakipagkilala lang po siya sa akin.
Marissa : may pagkamadaldal nga yang apo ko na yan eh.
Ariel : matalino po yong apo nio, magaling po siyang makipag-usap eh.
Marissa : ay opo, nakow yang bata na yan ay, walang nakakapasok na manliligaw ni Mary Ann dito, ayaw niyang papasukin, ang ginagawa naman ng ina ay kapag may dadalaw sa tita niya, ipinupunta muna ng tindahan at saka nililibang, kami ngay nahihiya sa mga dumadalaw sa kaibigan mong yan.
Ariel : mabuti nalang pala at nandiyan si Annabelle(bulong niya)
Marissa : ano po señorito may sinasabi po kayo?
Ariel ; wala po aling Marissa, nakakatuwa po pala yong apo mo.
Marissa : ay opo sinabi nio pa po, ay maiwan ka muna jan señorito at yong aking sinasangag ay baka masunog, maya maya po ay magigising na si Mary Ann.
Ariel : opo.
.
Muling sumulyap si Ariel sa may kwarto ni Mary Ann at mula sa kinalulugaran niya ay tanaw niya ang nakahigang si Mary Ann na himbing sa pagtulog..at hanggang sa nagpaalam si Marissa sa kanya na may pupuntahan ito, bibili daw sa tindahan, at tuloy magdidiliver ng gatas ng kalabaw sa mga suki ni Aling Marissa.. at si Ariel naman ay nanatili lang sa inuupuan niya, medyo natagal si Aling Marissa sa pagdidiliver, dahil medyo malayo din kasi ang mga bahay na pinagdalan nito, at medyo nakaramdam ng pagkainip si Ariel, hanggang sa muli niyang sinulyapan si Mary Ann, at hindi na siya nakatiis ay pinuntahan na niya ito sa kwarto, himbing na himbing pa din sa pagtulog. Naupo siya sa gilid ng kama nito at Tinitigan niya ang magandang mukha ni Mary Ann, matagal din siyang nakatitig dito, hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ang pisngi ng dalaga at hinawi pa niya ang mga ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha, samantalang si Mary Ann Sa mga sandaling iyon ay nananaginip, sa panaginip niya ay kasayaw niya si Ariel.
.
(Panaginip)
Ariel : ang tagal ng panahon na hindi kita nakita Mary Ann. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong makasama ka..lumayo ako pero hindi kita kinalimutan, ikaw lang ang laman nito(itinuro ang dibdib sa may tapat ng puso)…..at dahan dahang inilapit ni Ariel ang mukha niya sa mukha ni Mary Ann, at unti unting inilapat ang mga labi sa labi ng dalaga..
Mary Ann : Ariel!!!(bigkas niya)
.
Sa panaginip niya ay binigkas niya ang pangalan ni Ariel at si Ariel naman ay malinaw niyang narinig na binanggit ni Mary Ann ang pangalan niya, akala ni Ariel ay gising na si Mary Ann ngunit nakapikit naman ito, pero hindi nagtagal ay gumagalaw na ito, natuwa naman sa isip si Ariel dahil hinala ni Ariel na nananaginip si Mary Ann at siya ang napapanaginipan nito, samantalang si Mary Ann ay medyo nagigising na siya medyo mabigat pa yong talukap ng mga mata, kaya hindi pa siya nagmumulat at nagtaka siya na parang may pamilyar na amoy ang naaamoy niya, isang napakabangong colonge na parang nakadikit sa ilong niya, at para daw pabango ni Ariel, sa isip niya ah talagang dumikit sa katawan niya ang amoy ni Ariel sa kanya kagabi dahil magkadikit sila ni Ariel kagabi, pero sa pakiwari niya ay parang may mga matang nagmamasid sa kanya, kaya unti unti na niyang iminumulat ang mga mata, at laking gulat ni Mary Ann ng makita niya si Ariel na naka-upo sa gilid ng kama at nakatitig sa kanya at nakangiti pa ito ng ubod ng tamis.sa isip niya nananaginip pa daw ba siya, at kung iyon daw ay isang panaginip sana daw ay huwag muna siyang magising.
.
Ariel : good morning!! (Sabay hawak sa pisngi niya)
.
pero nagkamali siya ng iniisip hindi siya nananaginip at dahil ramdam niya ang mga pagpisil ni Ariel sa pisngi niya, at hanggang sa inulit ni Ariel ang pagpisil sa kanyang pisngi, dalawang pisngi na niya ang pinisil nito, at napabalikwas na si Mary Ann dahil totoong naroon sa kwarto niya si Ariel.
.
Ariel : gising ka na tanghali na!!
Mary Ann : Ariel! kanina ka pa ba dito?
Ariel : oo, sarap ng tulog mo, pasensiya kana ha pumasok ako sa kwarto mo naka-bukas kasi eh..binuksan ni Annabelle.
Mary Ann : ha ibig sabihin ikaw pala yong sinasabi niyang bisita ko?
Ariel : oo.
.
At tuluyan ng bumangon si Mary Ann at dali dali siyang bumaba sa kama niya, dahil sa malapit sa kanya si Ariel ay kumakalabog ang puso niya, at nakalimutan ni Mary Ann na naka-pantulog lang siya, manipis at maikli ang suot niya, kaya kinuha niya agad ang kumot at pinantabing sa katawan. at napansin naman ni Ariel ang kinilos niya kaya lumabas naman agad ang binata sa kwarto ni Mary Ann.
.
Ariel : sorry lalabas na ako.
.
Natutup naman ni Mary Ann ang dibdib niya sa pagkabigla, at hindi na naman normal ang tibok ng puso niya, at agad niyang sinara ang pinto at nagpalit ng damit. At ng makapagpalit ay, lumabas na din siya, sakto naman na dumating na ang nanay niya na galing ng tindahan at sa pagdidiliver ng mga gatas ng kalabaw.
.
Marissa : anak. Ngayon ka pa lang nagising, kanina pa dito si Señorito Ariel..pasensiya ka na señorito at siguro talagang napuyat yang si Mary Ann.
Ariel : okay lang po yun..(ngunit kay Mary Ann siya nakatingin)
Mary Ann : sandali lang ha, maghihilamos lang ako.
Ariel : sige!!
Marissa : ah señorito gusto nio po ba ng gatas ng kalabaw, diba mahilig ka ng gatas ng kalabaw noon, gusto mo pa ba ngayon?
Ariel : ah opo, gustong gusto ko nga po, sa katunayan po yun pa po yong gusto kong matikman kaya nagpunta po ako dito..
Marissa : sige po señorito at bibigyan ko kayo, dito na po kayo mag-alamusal ha, Mary Ann Maghain ka sa lamesa at dito mag-aalmusal si Señorito Ariel..(baling niya sa anak niya)
.
Natuwa naman si Mary Ann dahil nalaman niyang doon mag-aalmusal si Ariel at makakasabay niya ito..at hanggang sa nakadulog na nga sa hapag-kainan sila Ariel at Mary Ann..
.
Marissa : sige señorito kumain na po kayo, pagpasensiyahan nio po ang aming ulam, daing at piniritong saging at itlog lang ang ulam namin.
Ariel : masarap nga po yong ganitong ulam, ito po yong kinasasabikan kung ulamin, at tapos po may sariwang gatas, napakasarap!! Kayo po aling marissa sabayan nio na po kami.
Marissa : naku kumain na po ako kanina señorito.
Ariel : ah Aling Marissa, meron po sana akong hihilingin sa inyo. Naiilang po akong tinatawag nio po akong señorito at saka pinopopo. Ariel na lang po ang itawag nio po sakin.
Marissa : naku pasensiya ka na syempre amo ka namin kaya ka namin iginagalang.
Ariel : pwede naman pong hindi, kasi po, gusto ko po kasi kapag may mas edad sa akin ako lang po ang mag-popo at opo..kaya po tawagin nio na lang po akong Ariel.
Marissa : oh sige, iho kung yaan ang gusto mo..sige kumain na kayo ni Mary Ann, at anak pupunta ako ng palengke para magpagiling ng malagkit at bibili na din tuloy ako ng kulang na sangkap para sa ginataang bilo-bilo..bahala ka muna kay Ariel.
.
Natuwa si Ariel dahil sinunod naman siya ni Aling Marissa.
.
Ariel : sige Mary Ann kain ka lang ha, huwag kang mahiya, isipin mong bahay mo din ito..(at ipinaglagay niya ng sinangag sa plato ni Mary Ann)
.
Nangiti naman si Mary Ann sa sinabi ni Ariel.
.
Mary Ann : syempre di ako mahihiya bahay namin to eh.
Ariel : ay, akala ko kasi dito yong bahay ko..
.
Nagkatawanan sila..
.
Ariel : mas gumaganda ka kapag nakangiti ka!!
.
Namula naman ang mga pisnge ni Mary Ann dahil sa sinabi ni Ariel..
.
Ariel : uyy, nagba-blush siya!(sabay pisil sa mga pisngi ni Mary Ann)
Mary Ann : ikaw kasi eh, kumain ka na nga, bahay kaya namin to..
Ariel : ay sorry akala ko dito ako nakatira eh..(nakatawa niyang sabi)
.
Maganang-magana kumain si Ariel, natutuwang pinagmamasdan ni Mary Ann si Ariel na panay ang subo, na animoy nag-skip ng tatlong kainan, at nang makatapos kumain ay tumulong pang nagligpit si Ariel kay Mary Ann ng pinagkainan nila, at ng makatapos ay bumalik sila sa sala hanggat hinihintay nila si Marissa upang maumpisahan nila ang paggawa ng puto…at nang makarating sila sa sala ay naroon na si Annabelle.
.
Annabelle : tito Ariel. Liligaw ikaw tita ko po? Bakit po wala ikaw bulaklak?
.
Nabigla si Mary Ann sa sinabi ng pamangkin niya.
.
Ariel : hayaan mo bukas ay magdadala ako ng bulaklak para sa tita mo.
.
Lalong natuwa naman sa isip si Mary Ann dahil sa sinabi ni Ariel na dadalhan siya nito ng bulaklak, ang ibig bang sabihin ay liligawan siya nito.
.
Evelyn : Annabelle, nangungulit ka nanaman ba jan sa mga tita mo?
Ariel : hindi naman po, kasarap nga pong kausap yong anak po ninyo.
Evelyn : marami nang alam na sabihin yang bata na yan parang matanda kung makapagsalita, buti hindi kaniya pinapaalis, lahat kasi ng dumamadalaw sa tita niya na manliligaw pinapaalis niya.
Mary Ann : ah ate hindi siya nanliligaw, kababata ko siya ate, Anak nila señor Arman at Doñia Elena..hindi mo siya lagi nakikita dahil sa america sila nagtira, bumalik na lang siya ngayon, ah Ariel ang ate Evelyn nga pala. Asawa ni kuya benjie, (pakilala niya sa hipag)
Ariel : kumusta po ate!!
Evelyn : ah kayo po pala yong Kababata ni bunso..lagi nga po kayong naikukwento ni Bunso eh..
.
Nagpanic si Mary Ann na baka kung ano pa ang masabi ni ate Evelyn niya.
.
Ariel : talaga ate?
Evelyn : oo… at saka bunso siya pala yong nag-hahanap sa iyo nun na hindi ko matandaan yong pangalan..
Mary Ann : ganun ba ate!
Evelyn : oo, paano naman yong pamangkin mo iyak ng iyak, hindi tuloy kami magkaintindihan ni Señorito Ariel.
Ariel : Ariel na lang ate, huwag mo na akong tawaging señorito.
Evelyn : naku hindi ba nakakahiyang tawagin ka lang sa pangalan?
Mary Ann : pagbigyan mo na ate si Ariel, kasi hindi siya magseseñorito ngayon dahil tutulong daw siyang gumawa ng puto.
Ariel : oo tutulong talaga ako, at baka sakaling upahan ako ni Aling Marissa ng puto.
.
dumating na si aling Marissa na galing sa palengke na nag-pagiling ng Malagkit dahil gagawa sila ng Bilo-bilo, at gagawa din sila ng biko, at putong puti..
.
Ariel : tulungan ko na po kayong magbitbit niyan aling Marissa.
Marissa : salamat Ariel.
.
Napakasaya ni Mary Ann ng mga sandaling iyon, dahil kasama niyang nag-bibilo-bilo si Ariel, katulong nila si Evelyn.si Aling Marissa naman ay inaasikaso na ang gagawing...


biko, habang nag-bibilo-bilo sila ay masaya silang nagkuwentuhan, napagkukwentuhan nila yong mga panahon na bata pa sila Mary Ann at Ariel.
.
Evelyn : masaya pala kayo noong bata kayo ano.
Marissa : hay sinabi mo pa, para nga silang magkapatid noon, lagi silang magkasama..sa gabi na lang silang naghihiwalay noon.
.
Madami pa silang napagkwentuhan, nagkwento naman si Ariel ng mga naging buhay niya sa America, at hindi sila nainip sa pagbibilo-bilo ng malagkit, hanggang sa sumapit na ang tanghalian ay doon na din kumain ng tanghalian si Ariel, at ng makatapos kumain ay nagpahinga lang sandali at nag-umpisa na silang nagluto ng biko. Si Mary Ann ang naghalo ng biko, tinulungan naman siya ni Ariel..pinapakunat nila ng mabuti ang biko, tagaktak ang pawis nila sa paghahalo.
.
Marissa : naku, napasabak si Ariel sa paghahalo ng biko ah, basang basa ka na ng pawis iho.
Ariel : okay lang po.
Marissa : Mary Ann, kumuha ka ng facetowel mo, at ng makapagpunas si Ariel ng pawis niya.
.
Kumuha si Mary Ann ng towel, samantalang si Ariel ay patuloy ang paghahalo niya sa biko..at ng makabalik si Mary Ann ay inabot niya ang facetowel kay Ariel, ngunit di naman inabot ni Ariel dahil madumi ang kamay niya.
.
Ariel : paki punasan mo nalang yong mukha ko..madumi kasi yong kamay ko.
.
Wala namang nagawa si Mary Ann kundi punasan ang mukha ni Ariel, bumibilis ang tibok ng puso ni Mary Ann habang pinupunasan niya ang mukha ni Ariel.
.
Ariel : pati yong likod ko pakipunasan din.
.
At pinunasan din ni Mary Ann ang likod ni Ariel..at basang basa nga sa pawis ang likod ni Ariel, pati yong damit ay nabasa dahil sa init sa pagkakadarang sa kalan, at gawa pa ng pagkaka-pwersa sa paghahalo ng Malagkit..kumuha pa si Mary Ann ng isa pang towel at sinapian ang likod ni Ariel.
.
Ariel : salamat ah.
Mary Ann : wala yun..dapat nga ako magpasalamat sayo, dahil ikaw ang nagpakahirap na naghalo diyan sa biko, ayan, alam mo na kung paano gumawa ng biko.
Ariel : oo alam ko na.
.
Kanya kanya sila ng trabaho, si Evelyn ay niluluto niya ang ginataang bilo bilo, at si Aling Marissa naman ay ang putong puti ang niluluto niya, at sina Ariel at Mary Ann nga ay yong biko, minamadali nila ang pagluluto dahil idadala nila iyon nang bukid para ipameryenda sa mga nagbuburas ng mga mangga, at pati na sa mga gumagapas ng palay, at samantalang si Elena ay nagtataka siya kung bakit wala pa daw ang kanyang anak na si Ariel kanina pa daw niya umaga hindi nakikita, kaya nagtanong na siya kay Alexander.
.
Elena ; alexander nasaan ba yong pinsan mo at hindi ko nakikita kaninang umaga pa.
Alexander ; ah tita sabi po niya kasi sakin kanina ay pupunta daw siya kila Mary Ann.
Elena ; ganun ba, mainam naman at para hindi siya mainip, para malibang naman..bakit hindi ka naman sumama sa kanya?
Alexander : ah, tita may lakad din po ako ngayon eh.
Elena : ha, saan?
Alexander : sa bayan po, may nakilala po kasi akong isang kaibigan eh,maglilibot po kami tita.
Elena : ah okay. eh sino naman yong nakilala mo nayun?
Alexander : ah, kaibigan din po ni Mary Ann.
Elena : sino, si Carmela?
Alexander : opo. kilala nio din po pala si Carmela..
Elena : oo, kaklase nila yun nong elementary..mabuti at meron kayong napaglilibangan dito.kumusta naman yong sayawan kagabi?
Alexander : okay naman po tita. hindi nga po hiniwalayan ni pinsan si Mary Ann eh.
Elene : ganun ba. naku mukhang nagugustuhan na niya ang kababata niya, sana nga hinihiling ko na maisipan na niyang mag-asawa, para magkaroon na siya ng takot sa buhay niya hindi yong sugod siya ng sugod sa mga laban, tuloy ako ay hindi mapalagay sa napasukan niyang iyan..sana nga mawili na dito sa asyenda si Ariel.
Alexander : opo nga tita sana nga po.ah tita aalis po muna ako ah.
Elena : sige iho, ingat ka ha.
.
Natapos na silang magluto ng puto, at idinala na ni Aling marisa ang mga puto sa bukid, kasama nito si Evelyn at belle..
.
Mary Ann : buti pa mag-mirienda na tayo.
Ariel : sige, para matikman ko na yong luto mo. Sigurado akong mSarap.
Mary Ann : luto mo din kaya to.
.
Natutuwa naman si Mary Ann habang pinagmamasdan niya si Ariel na kumakain ng biko, naaalala niya noong bata sila na talagang paborito ni Ariel ang biko.
.
Mary Ann : masarap ba?
Ariel : oo masarap.!!
Mary Ann : magaling ka pa lang magluto ng biko eh.
Ariel : thank you!! Bakit di mo pa kainin yong biko mo? Eto tikman mo (susubuan niya ng biko si Mary Ann)
.
Napalunok naman si Mary Ann ng ilapit sa labi niya ang biko na nakatusok sa tinidor ng binata, dahil alam ni Mary Ann na naidampi na sa mga labi ni Ariel yong tinidor..nahiya namang tumanggi si Mary Ann dahil ayaw naman niyang mapahiya si Ariel..kaya kahit nahihiya ay isinubo na lang niya ang idinulot sa kanya ni Ariel.
.
Ariel : oh ano masarap ba yong luto ko?
Mary Ann : pwede na!!
Ariel : ha, parang napipilitan ka lang na nasarapan eh.
Mary Ann : masarap..eto yong pinakamasarap na biko na natikman ko!!
.
Nabigla si Mary Ann sa sinabi niya, dahil mukhang napaghahalata na siya..
.
Ariel : totoo ba?(nakangiti niyang tanong)
Mary Ann : O-oo!!
Ariel : Mary Ann, pwede na tayong mamasyal bukas? Siguro naman wala ka ng gagawin.
Mary Ann : saan naman tayo mamamasyal?
Ariel : sa paborito nating tambayan noon!! Sa ilog!!
Mary Ann : sige! Mga anong oras?
Ariel : mga 9 pwede ka? Doon na tayo maglunch, magbaon tayo ng pagkain..basta ako ang bahala sa pagkain ha, wala kang iintindihin, ako na ang bahala sa lahat.
Mary Ann : sige.ikaw ang bahala!
.
Lumipas ang mga oras ay dumating na sina Aling Marissa at Evelyn galing sa bukid. At hindi nagtagal ay nagpaalam na din si Ariel na uuwi na..ipinagpauwi ni Aling Marissa ng mga puto si Ariel.
.
Ariel : salamat po dito sa mga puto aling Marissa, tiyak pong matutuwa si Mama dito, dahil paborito niya po ang ginataang bilo-bilo.
Marissa : ganun ba.
Ariel : opo. Sige po Aling Marissa tutuloy na po ako, siya nga po pala aling Marissa pwede po ba kaming mamasyal ni Mary Ann bukas?
Marissa : oo pwede naman!
Ariel : salamat po ah..sige po tutuloy na po ako.
Marissa : sige iho..salamat din sayo..sa pagtulong mo samin na mag-gawa ng puto.
Ariel : wala yun, basta po kung sakaling kailangan nio ang tulong ko tawagin nio lang po ako..pano po tuloy na po ako..sige Mary Ann, bukas ha, wag mong kalimutan..
Mary Ann : sige.hindi ko kakalimutan..
.
Masayang naka-uwi si Ariel sa Mansion, sinalubong siya ng mama niya..
.
Elena : kumusta anak? Mukhang masaya anak ko ah..
Ariel : masaya talaga ako ma,..(humalik sa ina)
Elena : ano ba yang dala mo?
Ariel : ah mama, meron kang paborito dito?
Elena : ano ba yan?
Ariel : puto ma, pina-uwi ni Aleng Marissa, ginataang bilo-bilo..
Elena : wow!!! Ang sarap niyan, paborito ko nga yan, akin na at ng makain na..
Ariel : eto po ma,.(at iniabot ang paper bag na pinaglagyan ng mga uwi niya).
.
At isa isang inilabas ni Elena ang mga food keeper na may laman na mga puto.
.
Ariel : ah ma si Alexander po?
Elena : hindi pa siya dumadating eh.
Ariel : ganun po ba, sige po ma akyat po muna ako sa kwarto.
Elena : sige anak, at ako naman ay titikman ko yong uwi mong puto.
Ariel : sige po ma, siya nga po pala ako yong nagluto ng biko. Kami ni Mary Ann.
Elena : talaga ba anak? Naku marunong palang magluto yong anak ko ng biko.
Ariel : opo, tulong po kami ni Mary Ann.
Elena : hindi na ako makapaghintay na matikman ang luto ng anak ko at girlfriend niya!!(nakangiti niyang sabi)
.
Kinilig naman si Ariel sa sinabi ng mama niya na girlfriend niya si Mary Ann, naisip pa niya na sana nga ay maging kasintahan niya ang kababata. At nang makapasok siya sa kwarto niya ay nagtanggal na siya ng damit sa pang-itaas dahil nabasa ng pawis ang damit niya, pahinga muna siya ng sandali pagkatapos ay maliligo daw siya, hanggang sa pagkatanggal niya ng damit at kasabay ng facetowel na nakasapi sa may likod niya na isinapi ni Mary Ann dahil sa basang basa ang damit niya kanina. bigla siyang natigilan, dahil yong facetowel na isinapi ni Mary Ann sa likod niya ay kaparehas din ng towel na napulot niya sa may ilog, parehas na may initial na M.A. kaya natuwa si Ariel dahil kay Mary Ann pala yong napulot niyang towel, natuwa siya dahil sa isip niya ay pinupuntahan pa din ni Mary Ann ang paborito nilang tambayan..at hanggang sa lumipas ang magdamag at sumapit ang kinabukasan, maagang nagising si Ariel, hindi na kasi siya makatulog dahil excited siya para sa pagpunta nila ni Mary Ann sa ilog, excited dahil makakasama niya uli si Mary Ann.
.
Arman : Anak. Kaaga mo naman nagising?
Ariel : hindi na po ako makatulog kaya bumangon na lang ako.may pupuntahan po ba kayo papa?
Arman : oo anak sa bayan, ikaw saan ang punta mo at nakasapatos ka?
Ariel : magjo-jogging po kami ni Alexander..
Arman : ah okay.
.
Hindi nagtagal ay lumabas na ng guessroom si Alexander, at nakapang-jogging nadin.
.
Alexander : tayo na pinsan.
Ariel : sige pinsan.doon tayo magpagawi sa bahay nila Mary Ann..
Alexander : sinabi mo eh…
.
At hanggang sa lumabas na sila ng bakuran at inumpisahan na nilang mag-jogging.. at samantalang si Mary Ann ay maaga din nagising dahil sa maagang nagigising ang mga magulang kaya nagigising din siya ng maaga.
.
Andres : Anak, mag-jojogging ka ba ngayon?
Mary Ann : opo tay.
Marissa : siya nga pala anak. Anong oras ka bang pupuntahan ni Ariel?
Mary Ann : mga 9 daw po eh.
Andres : nililigawan ka ba ni Señorito Ariel. Ha Mary Ann??
Mary Ann : naku, hindi po tatay.
Marissa : eh alam mo namang noong bata palang ay magkaibigan na yan mga yan, syempre matagal silang hindi nagkita na magkababata kaya, ngayong nagkita na sila ay syempre balik na nanaman ang dati nilang pagkakaibigan.
Andres : nagtatanong lang naman ako!
.
Napabuntong hininga na lang si Mary Ann sa itinanong ng tatay niya.,sa isip ni Mary Ann na imposibleng magustuhan siya ng kababata niyang si Ariel, dahil mas higit daw na mas magaganda ang mga babae sa Maynila kesa sa probinsyanang katulad niya..at isa pa, baka daw may girlfriend na ito.
.
Mary Ann : tay, nay, magjo-jogging na po ako.
Andres : sige anak!! Ingat ka ha.
Mary Ann : opo tay!!
.
At lumabas na din si Mary Ann upang mag-jogging, kaya lang umiba naman siya ng ruta ngayon, sa papuntang bukid, nagjogging si Mary Ann, marami na din mga tao sa kalasada, mga pupunta ito sa bukid upang gumapas ng palay, at lumipas ang mga minuto ay nakarating na ang magpinsan sa tapat ng bahay nila Mary Ann at papalabas naman roon sa tarangkahan si Mang Andres.
.
Ariel : magandang umaga po sa inyo mang Andres!
Andres : Magandang umaga din naman, señorito Ariel.
Ariel : nagjojogging lang po kaming magpinsan.
Andres : ah. Ganun ba..naku eh si Mary Ann din nag-jojogging.
Ariel : ah nag-jogging din po ba si Mary Ann, mang Andres?
Andres : opo, hindi ninyo po ba nasalubong diyan sa daan?
Ariel : hindi po.
Andres : ah baka sa bukid nagpapunta yong bata na yun!!
Ariel : ganun po ba. Papunta na po ba kayo sa bukid?
Andres : opo señorito, tuloy magsusuga ako ng kalabaw.
Ariel : ah. Sige po mang Andres mauna na po kami sa inyo.
Andres : sige po.
.
Natuwa si Ariel ng malaman na gising na si Mary Ann at kasalukuyan ngayong nag-jojogging kaya excited si Ariel na makarating sa bukid at para makita niya si Mary Ann.
.
Alexander : pinsan mukhang napapabilis yong takbo mo ah(hinihingal niyang sabi)
Ariel : hindi naman pinsan, mabagal ka lang tumakbo, kaya parang nabibilisan mo ako.
Alexander : ganun ba insan, parang hindi naman ah. Gusto mo nang makita si Mary Ann ano!!mukhang ayon na siya oh sa gawing kanan na kalsada..
Ariel : oo nga ano, siya yun!!
.
At tinakbo ni Ariel ang gawing kanan na daan, dahil susundan niya si Mary Ann, at samantalang si Alexander ay iniwan na ni Ariel, natatawang naiiling na lang si Alexander sa pinsan niyang si Ariel, kaya sa dumiretso na lang si Alexander na kung saan ay madaming mang-gagapas ng palay..at samantalang malapit na si Ariel kay Mary Ann, hindi napansin ni Mary Ann na may nakasunod sa kanya, dahil hindi naman maingay ang mga yabag ni Ariel at hanggang sa naabutan na nga ni Ariel ang dalaga, nagulat pa si Mary Ann ng biglang may lalaki na sa tabi niyang nag-jojogging.
.
Ariel : Hi Miss!!
Mary Ann : ayy kalabaw!!!(sigaw nia)
Ariel : hala mukha ba akong kalabaw?
.
Napahinto si Mary Ann sa pagtakbo, at mukhang huminto din ang mundo niya ng pagkakita kay Ariel..at lalong bumilis ang tibok ng puso niya.
.
Mary Ann : A-ariel, ikaw pala!! Akala ko kung sino na.
Ariel : bakit hindi mo sinabing mag-jojogging ka, di sana sinamahan kita.baka mamaya may, magloko sa yo dito.
Mary Ann : wala naman mababait naman yong mga tao dito satin. At saka madami naman ng mga tao sa bukid..at nandiyan na si Kuya Benjie, ayon siya oh..(sabay turo sa kinalulugaran ng kuya niya, na kasalukuyang gumagapas)
.
At pinag-masdan na mabuti ni Ariel si Mary Ann, dahil naalala niya yong babae na dalawang beses na niyang nakita mula sa pagkakatanaw niya sa bintana, ngayon niya lang nalaman na si Mary Ann pala iyon.,dahil sa nakatali na mga mahahabang buhok na habang tumatakbo ay humahampas-hampas sa likod.
.
Mary Ann : oh bakit ka nakatitig sakin, huwag mong sabihin may dumi yong mukha ko.
Ariel : wala lang, sige halika na takbo na tayo.
Mary Ann : sige.
.
At nag-umpisa na uling tumakbo sina Mary Ann at Ariel, parehas na ganado sa pag-takbo ang dalawa, at naghamunan pa itong magkarera.
.
Ariel : karera tayo!!
Mary Ann : ha, sige!!
Ariel : oh sandali lang, huwag kang madaya, kailangang pantay tayo.
Mary Ann : ay, ayoko nga matatalo na ako kasi Ang-lalaki na ng hakbang mo eh, matatalo mo na ako niyan.
Ariel : sige payag ako, mauna kang tumakbo, bibilang ako ng 10 saka ako tatakbo.
Mary Ann : sige, hanggang saan ang hangganan?
Ariel : unahang makarating sa may Manggahan!
Mary Ann : sige.
.
At hanggang sa nauna ng tumakbo si Mary Ann, at si Ariel naman ay nagbibilang hanggang sampo, at ng makabilang na siya ng sampo ay nag-umpisa na din siyang tumakbo..mabilis tumakbo si Mary Ann, ngunit mas mabilis si Ariel dahil batak na ang katawan ni Ariel, at hanggang sa malapit na ang agwat nila ni Mary Ann.
.
Ariel : nandiyan na ako mauunahan na kita!
Mary Ann : Ayyy….hindi mo ako mauunahan!!(tumatawa niyang sabi)
.
At hanggang sa malapit na si Mary Ann sa hangganan at samantalang si Ariel ay malapit na din naman siya kay Mary Ann, at ng malapit na malapit na si Ariel kay Mary ay bigla niyang kinabig ang dalaga at ini-angat niya ito sa ere upang mapigilan niyang mauna si Mary Ann at hanggang sa nawalan tuloy sila ng panimbang, nabuwal silang dalawa sa may damuhan, nakapa-ilalim si Ariel at nasa ibabaw naman ni Ariel si Mary Ann..si Mary Ann ay sobrang bilis ng tibok ng puso dahil sa pagod at pagkabigla, at higit sa lahat na nakapagpakabog ng dibdib niya ay yong nakapadapa siya kay Ariel,at magkadikit na ang mga mukha nila, at nakapayakap pa ang mga kamay ni Ariel sa likod ni Mary Ann hindi agad makakilos si Mary Ann dahil sa pagkabigla, nanigas ang katawan niya, dahil sa ayos nila ni Ariel, sa sobrang hingal nila ay nalalanghap nila ang mga hininga nila, at ng nakabawi si Mary Ann sa pagkabigla ay unti-unti siyang bumangon, at naupo sa tabi ni Ariel, at bumangon at naupo din si Ariel, kapwa hingal na hingal pa din ang dalawa, hindi makapagsalita sa pagod..at ng makapagsalita si Mary Ann ay hinampas niya sa braso si Ariel.
.
Ariel : aray!!
Mary Ann : bakit mo ba ginawa yun??
Ariel : sorry!! (nakangiti niyang sabi)
Mary Ann : eh paano kung napilayan tayo sa pagkakabagsak natin.
Ariel : sorry ha, nasaktan kaba?
Mary Ann : hindi, ikaw ba?
Ariel : hindi naman! Hay naku, nakakapagod ah, wala ka pa ding kupas sa pagtakbo, ang bilis mo pa din.
Mary Ann : hindi na nga eh, mabagal na nga ako, ikaw nga ang bilis mo ng tumakbo.
Ariel : kailangan kasi sa trabaho ko yun, kailangan lagi akong mabilis sa kahit na anumang bagay.
Mary Ann : natupad mo rin yong mga pangarap mo nong bata ka pa ano..
Ariel : oo nga eh, ikaw din natupad mo na din na maging isang teacher!!
Mary Ann : oo nga sa awa ng Diyos kahit papano ay matutulungan ko na sila tatay at nanay.
Ariel : sayang wala ako dito noong graduation mo ng college ka..siguro maiinggit sila sa akin?
Mary Ann : ha bakit naman?
Ariel : kasi nga yong Magna Cum Laude nila ay Bestfriend ko!
Mary Ann : ganun!!
Ariel : oo, alam mo nalungkot ako nun noong umalis ako dito sa lugar natin, dahil wala naman akong magawa dahil kailangan, nalungkot ako dahil, naiwan ko yong bayan natin, yong paborito kong laruan, ang ilog, syempre mas nalungkot àko dahil naiwan ko yong kaibigan ko na lagi kong kalaro noong bata ako. at ikaw yun Mary Ann..
Mary Ann : (SA ISIP)..kung alam mo lang Ariel sobra din along nalungkot dahil umalis ka, mula noon, hindi ka naalis sa isipan ko, ikaw lang ang naging laman ng puso ko!!
.
Natutuwa ang kalooban ni Mary Ann ng malaman niyang nalungkot din pala si Ariel ng mga panahon na nagkahiwalay silang magka-ibigan..matagal tagal din sila sa pagkaka-upo nila sa damuhan, at hanggang sa tumayo na sila, unang tumayo si Ariel pagkatayo niya ay inilahad niya ang kamay sa dalaga upang tulungan itong makatayo sa pagkakaupo..inabot naman ni Mary Ann ang kamay ng binata, at saka siya tumayo, medyo malakas ang pwersa ng paghatak ni Ariel sa kanya, kaya napadikit pa siya kay Ariel, nakapahawak tuloy siya sa dibdib ng binata, bumilis nanaman ang tibok ng puso niya dahil napayakap si Ariel sa kanya..
.
.
Mary Ann : ang lakas naman, muntik mo na naman akong idapa..
Ariel : ay sorry!!hindi naman kita pababayaang masaktan!
.
Bumitaw agad si Mary Ann kaya Ariel, dahil baka mahalata ni Ariel ang panginginig niya, dahil sa sobrang tuwa ng puso niya, sinasaway ni Mary Ann ang puso niya, dahil napakapahamak nito, hindi kumikilos ng normal kapag malapit sa kanya si Ariel..at hanggang sa nagpatuloy na silang nag-jogging pabalik.
.
Ariel : mamaya ha huwag mong kalimutan yong pagpunta natun sa ilog, pupuntahan kita sa inyo mamaya.
Mary Ann : oo.
Ariel : basta hintayin mo ako sa inyo ha, at baka ma-late lang ako sandali, dahil ipi-prepare ko pa yong mga babaunin nating mga pagkain.
Mary Ann : okay!
.
Hindi nagtagal ay nakita na nila si Alexander na kausap yong mga manggagapas ng palay, naroon din ang tatay ni Mary Ann.
.
Alexander : hi Mary Ann!(bati ni Alexander)
Mary Ann : hi!!(sabay ngiti)
Ariel : mang Andres mukhang madami po tayong aanihing palay ngayon ah!
Andres : oo señorito, maganda yong kapalayan na yan, maani kapag panahon ng tag-araw.
Alexander : pinsan, madali lang palang mag-gapas ng palay.
Ariel : bakit sinubukan mo ba pinsan?
Alexander : oo pinsan.
Ariel : mang Andres, baka po kulang kayo ng mag-gagapas, ayan po yong pinsan ko, pag-gapasin nio po, bigyan nio po ng gagapasin!!(biro niya)
Alexander : naku pinsan, nakakatakot lang baka, mawalan ako ng daliri diyan, meron nga akong naka-usap dito kanina, nagapas daw niya yong daliri niya eh..
Andres : hay, oo pero kahit naputol na ang daliri nun, tuloy pa din sa paggapas yun, tatalian niya lang yong daliri niya tapos tuloy agad ang gapas.
Alexander : ganun po ba..naku kasakit naman nun.
Andres : talagang masakit
Mary Ann : ah tatay, uuwi po ba kayong mag-aalmusal sa bahay?
Andres : hindi anak. Nagpapabaon nalang kami dito sa nanay mo, pati tanghalian na namin.
Ariel : siya nga po pala mang Andres, maari po ba kaming mamasyal ni Mary Ann, doon lang po sa may ilog kami mamamasyal, magpipicnic lang po kami.
Andres : pwede naman señorito.
Ariel : salamat po mang andres.
Mary Ann : tay, uuwi na po ako(paalam sa ama)..kayong magpinsan, dito ba muna kayo?
Ariel : uuwi na din kami, paano mang andres uuwi na din po kami, maiwan na po kayo jan.
Andres : sige po señorito.
.
At hanggang sa umalis na din ang tatlo, samantalang si Mang Andres ay natutuwa dahil sa nakikita niya kay Ariel ay isang mabait na tao, na binibigyang halaga siya bilang ama ni Mary Ann na ipinagpapaalam sa kanya ang anak..at hanggang sa lumipas ang mga minuto ay nakarating na si Mary Ann sa bahay nila.
.
Mary Ann : o paano, dito na ako. Hindi ba muna kayo tutuloy na magkape?
Ariel : ah, hindi na muna Mary Ann, kailangan ko pang asikasuhin yong mga babaunin nating pagkain..
Mary Ann : sige.
Ariel : tuloy na kami Mary Ann.
Alexander : sige Mary Ann, punta na kami.
Mary Ann : sige.
.
Lumipas ang oras ay papunta na sila sa kanilang dating tamabayan.
.
Ariel : sorry ha, na-late ako..
Mary Ann : okay lang, kakatapos ko lang ding gumayak..
Ariel : oh pano, tayo na?
Mary Ann : sige mag-papaalam lang ako kay Ate Evelyn..
.
Itutuloy
Salamat po sa mga nagbabasa, sana po nagustuhan ninyo..salamat.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top