NINAKAW NA SANDALI Continuation of Chapter 4


Maganda,makinis ang kutis at katamtaman lamang ang taas ng isang Shanaira Ledezma. Iyon ang deskripsyon ni Bella sa sikat na mang-aawit na dalaga. May dalawang alalay ito na NASA Kanan at kaliwa nito at humaharang iyon sa mga taong mapilit na mahawakan ang dalaga.May mga pulis din na humaharang sa ilang Tao na narito sa Munisipyo. Kaya kahit paano ay nakakadaan ang dalaga.
“Balita ko ay Isa siya sa magiging Judge sa darating na singing contest.”
Napalingon si Bella sa babaeng katabi niya. At narinig niya ang sinabi nito na magiging Judge ang isang Shanaira Ledezma sa darating na singing contest. Kausap ng babae ang kasama rin nito.
“Bigtime talaga si Mayor Marquez at nagawa niyang pakiusapan ang isang Shanaira Ledezma.”
“Ang sabihin mo nagpapalakas si Mayor sa ating taong bayan.”
Napaayos ng tindig si Makoy nang makita na niya ang Pagpasok na ito ng iniidolo niyang si Shanaira dito sa Munisipyo. Oras na para sa unang Hakbang na gagawin niya para sa imbestigasyon. Saktong padaan na ito sa gawi niya nang walang alinlangan na ginawa na niya ang kanyang pagpapanggap bilang isang photographer.
“Miss Idol..smile.”agad niyang click ng camerang hawak
Nagulat ito sa bigla niyang paglitaw sa harap nito.
“Nagmamadali...


ang mam namin.”Sita sa kanya ng isang alalay nito
“Pasensya na .nahalina kasi akong kuhanan siya ng isang shot lalo na sa malapitan.”si Makoy na agad itong nasabi Pero walang salitang narinig ang binata sa sikat na idolo
Nilampasan lang siya nito.Pero sa bilis ng paggalaw ng kamay niya ay madali niyang naidikit sa jacket ng dalaga ang isang earpiece.
“I love you idol!”parang Tangang sigaw pa ni Makoy dito
Pinagtitinginan Tuloy siya ng mga ilang Tao na narito sa loob ng Munisipyo.
“Ganda mo talaga sobra!”
Dinig na dinig iyon ni Nicole sa lalakeng photographer. At Hindi na niya iyon ikakapagtataka kung Sabihan man siyang napakaganda.
“Mam this way po.”anas sa kanila ng isang Ginang
Ang opisina ng Mayor ang agad na tumambad Kay Nicole. At expected na niya na marami ang naghihintay sa kanyang pagdating.
“Welcome sa aming Lugar Miss Shanaira.”sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya
“Miss Shanaira,nagagalak ako at pinaunlakan mo ang aking kahilingan.”anang ng isang Ginoo at alam niyang ito ay si Mayor Marquez
“Walang anuman po Mayor. Parte na po yan ng aking Karera. Thankful po ako na ako ang nagustohan niyo na maging bisita sa darating na kapistahan dito.” Aniya






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top