The Broken Angel Thirteen


The Broken Angel🌻
Thirteen:
Handa na ba akong sabihin ang lahat? Handa na ba akong ibahagi ang aking nakaraan? Ang nakaraan na pilit kong itinago.
Naabutan ako ni Kuya dito sa kama at umiiyak, ng dahil sa panaginip ko nasira ang araw ko.
“Tatlong taon ka ng nasa puder ko ngunit ni minsan hindi ko tinanong kung anong nangyari sa iyo. I helped you without asking why? Kahit na maraming tanong ang nasa isipan ko.” Saad niya.
“Kuya..”
“I understand you baka hindi mo pa kayang ibahagi sa akin o wala kang tiwala. Just please let me carry your pain, sweetheart. Hayaan mo akong ipagtanggol ka, hayaan mo akong tulungan ka, hayaan mo akong mangialam sa iyo. I will never do such thing you wouldn’t like.” Aniya.
Napapikit ako at napaiwas ng tingin, paano kung husgahan niya ako? What if he will leave me? What if magbago na ang tingin niya sa akin? Maraming what if ang bumabagabag sa isip ko.
“I am not ready to tell yet.” He sighed at carrassed my hair.
“Aright! I understand. I won’t force you to tell. I respect you.” Saad niya.
Natatakot akong baka may gagawin siyang aksiyon o kaya ay hahanapin niya si Tito or imbestigahan, may pera siya at may taohan siya para gumawa ng bagay na iyan. Ayaw ko lang na lumaki ang gulo at baka mapahamak pa siya.
Kilala ko si Tiyo, hindi siya naawa kasi kung makaramdam siya ng awa di sana hindi niya ako sinaktan.
“Be happy and enjoy your day, your eighten’th birthday is nearly approaching.” Ang bilis ng panahon parang kailan lang Fifteen pa ako ngunit ngayon ay magdedebut na.
“Can I invite Ronnie and make him my scort?” Tanong ko.
Ang pagkakaibigan namin ni Ronnie ay nagsimula lang sa isang papel, nung araw na nasiko ko siya at mula noon ay lagi na kaming magkasama, nung una nagalit si Kuya dahil ayaw niyang may kaibigan akong lalaki ngunit kalaonan ay pumayag din siya.
At sila Marco? Wala na akong balita kay Marco ang sabi nila nagmigrate daw ito sa America, dahil sa kahihiyan ay pinatigil siya sa pag-aaral habang sila Kara at Rico naman ay nasa school pa rin, same school na pinapasukan.
“Alright, as long as I am your last dance.”
“He’s my scort so it means Ronnie will be my last dance.” Saad ko.
“Ayaw kong may kahati, pasalamat nga siya at pumayag akong maging escort siya.”aniya.
Anim na taon na ang lumipas at ng dahil kay kuya kaya ako naging malaya, sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal na hindi naibigay ni Tito, parang ang lahat ng mangyayari ay nakaplano na, dahil sa kasamaan ni Tito kaya ako tumakas at sa pagtakas ko ay tsaka ko naman nakilala si Dimetrio Leonardo Ventura.
“And about our marriage. Kung hindi ka pa handang magpakasal hindi kita pipilitin, makakapaghintay naman ako basta ba’t nasa akin ka, kontento na ako.” Aniya.
Ito ang gusto ko sa kanya, hindi lahat ng lalaki ay inu-una ang iba kaysa sarili niya. Si kuya lagi niyang inu-una ang naramdaman ko kaysa sa kanya, kahit anong gusto ko basta’t alam niyang nakakabuti sa akin ay pinagbigyan niya ako. Hindi niya ako kailanman pinilit kahit na ang dahilan kung bakit ako napad-pad dito sa pamamahay niya.
“Ayaw mo ba akong pakasalan?” Kung may lalaki man akong nais na makasama sa habang buhay ay siya lang, tanga ako kung papakawalan ko ang tulad niya, sa anim na taon na pagsasama namin nakita ko kung paano niya ako alagaan, kung paano niya pinaramdam sa akin na mahal niya ako.
He is my hero, my savior, my knight in shining armor and my one and only prince charming that will kissed me every time I got poison. He’s always there to save me, to take good care of me, lahat ng...


bagay na ginawa niya ay nakita ko kaya bakit ko pa siya papakawalan?
“Bata pa ako para magpakasal ngunit gusto kung tumanda ng kasama ka.” Nakita ko siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
“Pero hindi pa sa ngayon.” Natatakot akong baka mahanap ako ni Tito, nangangamba ako bawat oras.
“Do not worry, as what I’ve said. I can wait.” Aniya.
May mga bagay na kahit gustong-gusto mo ay hindi pa pwedeng hawakan, kailangan mong maghintay dahil may tamang panahon para diyan. Kahit gusto ni Kuya na pakasalan ako ay hindi niya ginawa dahil alam niyang darating din ang tamang panahon para mangyari ang gusto niya. Sometimes being patience in everything is better than being in hurry. Those who’s in hurry will get disappointed while those who wait will be succeed.
“Ako talaga ang scort mo? Aminin mo.” Pagkatapos ng pag-uusap namin ni kuya ay inihatid niya ako sa school kaya ngayon ay nag-uusap kami ni Ronnie.
“Aminin ang alin?”
“Aminin mong may gusto ka sa akin noh?” Natatawa naman ako sa sinabi niya.
“Baliw.” Ngayon ay nasa labas kami ng school dahil tapos na ang klase, uwian na kasi. Lumingon-lingon ako para hanapin si kuya ngunit iba ang aking nasilayan.
Fear and others negative emotion are finding it’s way into my spine, I shiver in fears. Si Tito ay nasa harap ko nakangiti na para bang walang ginawang masama sa akin, I remember my dream, kaya ba ako laging nanaginip dahil babala ito na mahahanap niya ako?
“Tayo na Angela, let’s go home.”
“Angela who is he?” Ronnie.
“Bata ako ang Tito ng kaibigan mo at susunduin ko lang siya.” Umiling ako kay Ronnie para ipakita sa kanya na ayaw kong iwan niya ako.
“Sege..Angela..dito na ako..nandiyan na pala ang sundo mo.” Naiiyak ako at nanigas sa kinatatayuan, just by looking at him ay bumalik ang lahat.
“Let’s go Angela.” Hinila ako ni Tito para makaalis na ngunit iwinaksi ko ang kanyang kamay at tumakbo, hinabol niya ako ngunit mas lalo kung binilisan ang aking takbo.
Ang tanging nasa isip ko ay si Kuya, ayaw kong iwan siya, ayaw kong makuha ni Tito dahil gusto ko kay Kuya.
“Hindi ka na makakatakas pa.” Dahil sa takot na maabutan niya ako ay tumawid ako sa kabilang side ng daan, hindi ko nakita ang isang malakas na takbo ng sasakyan.
“Peeeeep…peeep.”Namanhid ang aking katawan, sigaw ng mga tao ang aking naririnig.
“Ang Bata..nasagaan.”
“Tulungan niyo..Diyos ko..”
“Call an ambulance before it’s to late.”
“Bilisan niyo baka Hindi na ito makaabot sa hospital.” Parang isang pelikula at bigla na lang bumalik ang aking ala-ala na kasama si Kuya, sa simula ng pagkikita namin hanggang sa kinukop niya ako at dahil minamahal niya ako kaya nagbago ang isip niya.
Mahal kita Dimetri, patawad kong hindi ko maamin, patawad kung hindi ko maipakita sa iyo. Kung bibigyan ako ng dalawang pagkakataon ipapangako kong kahit bata pa ako ay magpapakasal ako sa iyo. Isang luha ang tumulo sa aking mga mata, luha ng pagsisisi.
“Tulongggg..”
“Ang daming dugo.” Hanggang sa unti-unting lumabo ang kanilang mukha, hindi ko na rin narinig ang kanilang pinag-usapan hanggang sa lamunin ako ng kadiliman.
(Salamat po sa patuloy na suporta, nakakakaiyak ang mga comments niyo, binasa ko po lahat kahit negative or positive pa iyan, kahit nga next lang ang comments binasa ko pa rin. Tanong ko Lang po, Kung matapos ang kwentong ito at gagawa ako ng panibago, susuportahan niyo pa rin ba ako? Magbabasa pa rin po ba kayo? Kasi Kung Hindi titigil muna ako sa pagsusulat. Joke Lang! Kahit walang magbasa sa kwento ko, susulat at gagawa pa rin ako. @Madelyn Manatad this chapter is for you. Thank you.)
Dahil umulan ng update ngayon walang update isang linggo. Biro Lang, Hindi ko magagawa iyan sa mga readers ko.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top