Until We Meet Again CHAPTER 6


Until We Meet Again🌼
Author: Scrappy writer
Genre: romance
CHAPTER 6
Kanina pa ako naghihintay kila Cyril at sa mga bata.Text na ako text walang reply di matawagan pareho out of reach ang cellphone pati kay Susan nasaan na kaya ang mga iyon bakit ang tagal nila.
Diko maiwasang magalala habang nasa salon dito ako pumunta pagkatapos kung bumili ng mga kailangan kò.
Nakatulog na nga ako habang finificial ng bakla.
Pinabawasan ko din ang abot bewang kong buhok medyo mabigat na pakiramdam ko dahil sa makapal ang straight kong buhok saka pinakulayan para medyo maiba naman ang histura ko.
Wow ma’am!bagay na bagay po sayo ang bago niyong hairstyle pati ang chocolate ash brown hair colour mo.
Lalo po kayong gumanda saka iyong napakaganda mong assit maam iyong abuhin mong mata…wika ng bakla na nag ayos sakin.
May lahi ka po ba ma’am?.
Oo sa father side ko sa great great grandmother ko.
Bagay ba talaga? Tanong ko sa bakla habang hinahawakan ang aking buhok ginawang curly ang dulo, parang di ako kumbinsido sa nakikita ko sa reflection ko sa salamin.
Kahit wala kang make up ma’am bagay lalo pa siguro kung mag make up ka pa winner ka sa kagandahan..puri ng baklang hairstylist.
Lalo mainlove sayo ang boyfriend mo ma’am. dagdag ng bakla.
Wala akong boyfriend,.anak meron.
eh! Di si mister ma’am.lalong maiinlove sayo iyon…sabi ng madaldal na bakla.
Tipid lang akong ngumiti habang naka harap sa salamin.
Ngumiti din ang bakla nakita ko salamin.
Kailangan kong gawin mag ayos dahil sa lunes merong malaking kleyente na kakausapan tungkol sa house design nila.
Iyong secretary lang ang nakausap ko sa telepono last time.
Ang ibang details si Cyril ang nakakaalam..magkasama naman kami sa monday.Medyo nababagot ako dito sa parlor diko nasabihan si Cyril na di kami dapat gabihin sa paguwi.
Kailangan hintayin ko nalang sila Cyril at ng mga bata para sabay sabay kami pauwi.
May sasakyan namang dala si Cyril makikisakay nalang ako para makatipid din sa pamasahe.
Pagkatapos ko sa parlor nag decide ako sa parking area nalang mag antay.
——–
Tita Cyril ang dami naman po naka man in black.wika ni Kate Ashlin
Body guards niyan baby.paliwanag ko sa bata.
Kasakasama namin ang mga bodyguard ni kenneth kahit saan kami mag punta.
Merong sa unahan namin merong sa likod na laging nakabuntot at palingon lingon.
Nasa sampo katao siguro.
Grabe naman pala itong si Mr.Esguerra siguro may dala itong diamond sa dami ng bantay..
Masaya ang mga bata sa bawat puntahan namin sa loob ng Mall
Hindi naman sila katulad ng ibang bata na kung may gusto ay magpupumilit na bilhin.Alam na ng kambal ang halaga ng pera.
Tita ninang pag may pera na si mommy bibili kami ng toy na ganyan turo ni ken sa isang sasakyang laruan na pwede siyang sumakay.
Yes Ken pag marami ng pera si Mommy bibilhin niya lahat ng gusto ninyong toys.
Ayuko rin bumili ano! Baka pag uwi namin na marami kaming bitbit baka masermunan naman ako ni Ashlin.
Sasabihin na naman niya na ini spoiled ko masyado ang mga inaanak ko.Wala ibang kinuhang ninang si Ashlin ako lang..
Siya na bahala mag paliwanag sa inyo bakit ako lang.
Go ahead ken get what you want.wika ni Mr.Esguerra.Iyon bang gusto mong 2 seater electric ride on toy car?
Parang nahihiya pang tumango si Ken..sa nagtatanong na si Mr.Esguerra.
Huwag na kenneth baka ako ang masermunan ng mommy nila.tangi ni Cyril
Nasaan ba ang mommy nila bakit hindi siya kasama?Nagtataka kong tanong.
Ano kasi busy pa sa presidente ang mommy nila kailangan mag tudo kayod para sa future ng kambal.
Na konsensiya ako sa sinabi ni Cyril.
Sakin dapat ang responsibilidad na iyon.
Sige na hayaan muna ang bata Cyril.Tsaka pwede naman nating sabihin na si Leandro ang bumili para hindi talaga mag duda ang mommy nila pwede ring sabihin mo sponsor yan galing sa company sabihin mo din lifetime sponsor..suhistyon ni Mr.Esguerra naka ngiti samin ni ken Ashlin. Dahil sa narinig nito.
Thank you very much po.ken
Wala iyon little man..kulang pa nga iyan sa isip ko.
Can I call you daddy? sabi kasi nila magka mukha tayo nahihiyang wika ni Ken Ashlin
Of course you can call me dad. Mabilis kung sagot na excite din ako sa sinabi ni Ken Ashlin na tawagin niya akong daddy.Ito rin ang pinakagusto at inaatay ko na ang...


bata mismo ang magsabi. sa loob loob ko.
Kung alam lang ng batang ito na ako talaga ang totoong ama niya.napailing nalang ako dahil nahihirapan na ako ngayon habang nasa harap ko ang kambal.
Minabuti kong hindi na muna magpakilala sa kambal.
Mahirap na baka mabanggit nila sa mommy nila na meet nila ako.
Lalo na kay Kate Ashlin na madaldal.
Di malabong matandaan nila ang pangalan ko kahit na si Ken Ashlin na tahimik lang.
Halatang matatalino ang kambal.
Ang swerte niyo naman mga inaanak.
Di mapigilang sabi ni Cyril.
Si Kate ashlin naman ayun aliw na aliw kasama si leandrong antipatiko…
Lagot ako nito mamaya kay Ashlin ang daming pinamili ni Mr.Esguerra sa mga bata merong mga damit sapatos para sa mga bata pati samin ni Susan may grocery at marami pa, parang kukuha pa yata ako ng sasakyan ng magdedeliver sa dami ng pinamili..Swerte naman ng babaeng mapapangsawa ni Mr. Esguerra iyon ay kung wala pa siyang Asawa..
Feeling ko tuloy ngayon isa kaming one big happy family…
Hayaan niyo na ako assumira talaga ako pa minsan minsan..
Can we talk later Miss Almodiel.seryusong wika ni Kenneth.
Doon tayo sa isang restuarant.Kumain muna tayo bago kayo umuwi at ng mga bata.
Pagkatapos naming kumain.
Nag usap kami ni Mr. Esguerra.
Iniwan muna namin ang mga bata kay Susan.
Umalis na din si Leandro matapos kaming kumain dahil may importante daw na lakad kaya kami nalang.
Marami kaming pinagusapan ni Mr. Esguerra.
Napaiisip ako sa lifetime sponsor kanina kaya pala si Mr.Esguerra malaki ang atraso niya sa Bff ko.Patay ako pag nalaman ito ni Ashlin kaya kung pwede tahiin ko pansamantala itong bibig ko gagawin ko.Ako pa talaga mismo ang nakalaam na si Mr.Esguerra ang ama ng kambal sabagay kahit ako hindi nagdalawang isip.
Carbon copy siya ni Ken Ashlin…Sino bang magaakala na ako pa mismo ang makakakilala sa kanya.
Matutuwa nito si daddy sa isip ko
Nahuli ko rin ang malaking matabang isda si Mr.Esguerra ang next CEO ng Axxel constuction. Im sure magiging proud sakin si daddy pag nalaman niya na mag iinvest sa company namin ang company nila Mr. Esguerra dahil big dream talaga ito daddy..
Si Mr. Esguerra pala ang panggalawang anak nila Don Herbert at Agnes Esguerra totoo nga pala ang balita medyo mailap itong lalaki dahil kahit picture or billboard ay ayaw nito..Ngayon lang ito nag expose..
Ang swerte ni Ashlin pati kami madadamay sa dala niyang swerte pati sa aming Company..
Kailangan ko ding kausapin si Susan na dapat walang maka alam,baka kasi e chika agad niya kay Ashlin na meron kaming na meet na kamukha ng anak niyang lalaki.
Pati iyong mga bata dapat ko din palang sabihan.
—–
Huwag mo nalang kaming ihatid mr.Esguerra may dala naman kaming sasakyan.Cyril
Okey,mauna na din ako sa inyo.
Ako ng bahala sa mga pinamili ko sa inyo at sa mga bata.May magdidilever nalang doon.Bago pa umalis si kenneth nilapitan niya ang kambal.
Halos di rin kami matapos tapos ni susan ang pasasalamat kay Mr.Esguerra ganun din ang mga bata na subrang nagenjoy.
By for now kiddos.tipid niyang wika sa kambal.
Kailangan ko din magpigil at magingat kung ano ang dapat baka maguluhan ang kambal.
Darating din ako sa punto na makilala nila ako bilang daddy nila not now but soon..
Bigla nalang akong niyakap ng kambal bago pa ako makaalis.
Medyo nagulat din ako sa ginawa ng dalawa.
Mamimiss ka namin agad.malungkot ang mukha ni Kate Ashlin ng kumalas sa pagkakayakap sakin.
Don’t worry baby magkikita pa naman tayo.Malay mo next time araw na tayong magkita..
Pati bata parang may instinct din.
Siguro pareho kami ng nararamdman ngayon..
Natuwa ang bata sa sinabi ko na araw araw kami mag kikita kaya napatalon talon ng sabay ang kamba,kita ang excite sa kanilang mga mata
By for now kiddos see you next time.
Ako na ang unang umalis.
Ayuko kasi makita na paalis na ang kambal.
Na mis ko din sila bigla.kahit sa sandali lang kami nagsama.para na akong mababaliw ngayon nais ko silang makasama agad pati si Ashlin.
Pero saan ako magsisimula?
Masasabi ko na maganda ang pagpapalaki sa kanila ni Ashlin.
Kahit wala ako sa tabi niya napalaki niya ng maayos ang anak namin..
Hangga na talaga ako sa kanya noon pa.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. wala po bang chapter 7 ?

  2. wala bang chapter 7 to.

Leave a Reply


top