Meant to be? Chapter 21


Napagod sila sa laro pero biglang sikat agad ang couple Nice-Ace . ” The Nicest ” agad ang bantog sa kanila. Palihim silang natuwa.. Tinutukso pa talaga sila dahil ang alam pinares lang din sila.
“Sinong tinutukso nyo dyan.. E magkakaanak na nga kami, Heheh”! lihim na kinikilig ang binata .. Di tulad ni Nice na magaling umiwas at magsawalang bahala sa mga tukso.
Sa isip ni Ace” kunyari ka pa mommy, if I know maiihi ka na sa kilig.. ” sabay titig dito, umiiwas lang sya kapag natyetyempuhan nito.
” Wah! Huli ka! ” HAHAHAHA bat pa daw iiwas e alam nang die hard.” nangingiting usal sa isip ni Nice. Nasa umpukan kasi ng mga lalaki si Ace at nasa mga close na kasamahang babae naman si Nice.
Pagsapit ng gabi, another pakulo na game na naman!
Ang 20 ladies ay may hawak na kalahating hugis puso. At yong each partner naman nila ang maghahanap ng karugtong ng kalahati non saan mang sulok, at kung sinong couple ang makakabuo ang syang panalo.
Ang sabi pa ng in charge ng game may apat lang daw na kalahating hugis puso ang hahanapin out of 20 guys na maghahanap.
Pero may secret daw, at isang couple lang talaga ang mananalo. Kahit naguguluhan ang mga lalaki, gora pa din sila. Excited nga masyado.
Ang mga ladies ay nakahilirang nakaupo sa mga upuang nasa gilid ng swimming pool. Mas mainam kasi kung sa labas sila maglalaro dahil natural ang simoy ng hangin at medyo maliwanag din ang buwan.
Nag umpisa nang maghanap ang mga binata. Lumingon pa si Ace kay Nice.. Nginitian naman ito ng dalaga, at nakuha nya agad ang inusal nito sa hangin. “good luck”
Napangiti rin sya ng kay tamis.. “bat sobrang nakakakilig yon?” hmm.. Inspired si daddy nak.” bulong nya sa sarili. Tsaka sya ng umpisang maglakad papuntang kusina. Yong iba excited masyado na makita agad, may pasigaw sigaw pa..habang nag che cheer naman ang mga partners nila.
Muling lumabas si Ace, sa mga damuhan at sa area na pinaglaruan nila kanina . Marami ring naghanap na don. Sa may mga gamit malapit sa pool. Hanggang bumalik sya sa dining area.. Sa living room, sa labas at loob ng mga comfort rooms. Sa stockroom pinuntahan nya na rin. May naaabutan din syang galing na don.. Nag aaper na lang din sila.
‘Gang sa naisipan nyang pumasok sa kwarto nilang mga lalaki.. Wala pa rin syang nakita..
Napansin nyang nakabukas ang kwarto ng mga babae.
Bawal pumasok don! Lage itong nakasarado kapag nasa labas ang mga babae. Pero nagtaka syang bukas ito ngayon.
Naisipan nyang pumasok.. bahala na, malinis naman at nakaligpit lahat at tanging nakahilirang mga unan at kumot ang naroon.
Di nya mawari pero syempre utos ng puso diretso sya sa higaan ng dalagang iniirog nya.
Kabisa nya na yon dahil binilang nya kung pang ilan mula sa kanan nong minsan na syang nakasilip don.
Nag emote pa sya sandali,hinimas ang malambot na kutson at inimagine na nagtatabi na sila sa iisang higaan. Sya na siguro ang pinakamasayang tao pag nangyari yon.
Kinuha nya ang kumot at inamoy amoy tsaka niyakap.. Nalanghap nya pa ang nakadikit na bango ng dalaga. Ang sarap sa kanyang pakiramdam. Parang yakap nya na rin ito. Nawala na yata sa isip nya ang laro.
Sunod nyang Itinaas ang unan nito para amuyin din. Nang…..
Nagsigawan na sa labas…
Lumabas na rin sya at inilock ang pinto.
May dalawa nang nakahanap at walang tingin tinging dumiretso sa mga partner nila para pagdungtungin . Ngunit parehas pala kanang kalahati iyon. At di syempre mabubuo. Dahil kanang Kalahati din ang hawak ng mga ladies.
Yon ang sinabing sekreto ng in charge. 3 ang kanang kalahati at isa ang kaliwa.
Yong makakakuha ng kaliwa ang makakabuo at mananalo. Nanghinayang lamang ang mga lalaking nakakita ng maling hugis. Pero meron pang dalawang kalahati na hindi pa nahahanap .
Nakita ni Nice si Ace na palapit sa kanya.. Walang ekspresyon ang mukha nito. Napalabi sya.. “Napagod na yata sa kahahanap at sumuko na” sa isip nya.
May biglang sumigaw sa likuran, nakahanap ng isang kalahati..
Meron na rin sa loob ng bahay.. yong naging close na ni Ace na parang si bro Alvin din nya. Medyo kwela at maloko.
Sinabi nang in charge para daw may thrill, ilagay muna nila sa mga bulsa at sabay nilang idudugtong sa mga partner nila after the count of 5.
Excited na ang dalawa.. Mas lalo na si kwelang George. Nangingiti ngiti pa ito, ngiting di mawari.
Lumapit naman si Ace sa partner nya at nag squat sa harap nito.. Kita nya ang pagkadismaya at lungkot sa mukha ng dalaga, pinisil pisil nya ng patago ang kamay nito.
Na nakikitingin na lang sa mga magpares na inaantay na magdudugtungan.
“So let’s all count guys.. sabayan nyo ako!”
Sigaw ng in charge.
1
2
3
4
……….. 5!!!
Tsaran!! Sigaw ni George..
HAHAHAHA!! GAGO!!
Tugon ng ilang mga kalalakihan.
Nabuo nga pero Berdeng puso kasi ito.. Sya mismo ang may gawa. Binatukan tuloy ito ng partner nya..
Tawang tawa silang lahat pati na ang in Charge at sila man ding dalawa. Nang mapansing na abala ang mga naroon . Hinimas ni Ace ang mukha ni Nice pero iniwas din agad ng dalaga dahil baka makita sila sa camera.
Yong isa naman ay kanang kalahati ang nahanap.. So di rin nabuo.
Maghahanap uli sana ang mga lalaki.. Pero biglang dinukot ni Ace mula sa bulsa ang kaliwang kalahating hugis puso at itinaas ang hawak sa kamay na kalahati ng dalaga tsaka dinugtong. At yon nabuo na nga ang pulang papel na hugis puso.
Napatabon ng bibig si Nice at ng alisin nya ito ang tamis ng kanyang ngiti dahilp di makapaniwalang si Ace ang makakahanap talaga. Nagpalakpakan, nangantyaw at nanukso na naman ang mga kasamahan nila. At binati na...


rin sila ng in charge.
May lihim namang na inggit sa kanilang eksena.
Nag announce na rin ang in charge na yong mga nananalo daw sa game ay maeexempted sa elimation. At magiging basehan din daw yon para mag karoon ng points para sa mga advantages sa susunod na mga activities at dagdag points para basehan ng judge.
ibig sabihin lang na ang couple na nananalo sa laro ay nagpapakita lamang ng pagiging persuasive, enthusiastic, flexible at determined. Mga katangiang kakailanganin bilang magiging endorser ng produktong toothpaste.
Nag simula ng nagsi alisan ang iba papasok sa loob dahil tsitsibog na ng mid night snack nila kahit di pa midnight.. Lalo na si George dahil na gutom daw sya sa kakahanap. Lumabas na rin ang in charge matapos mag good night sa kanilang lahat.
– Pano mo nahanap at saan.
Naka harap sya sa dalaga habang Naka squat pa rin habang chat chat lang muna sila.
May ilan ding tunay na couple na naroon nag u usap pa sa may mga upuan.
– Di ka maniniwala, pero sa ilalim ng unan mo.
– huh? ” di talaga makapaniwalang si Nice bat ganon? Sa di ami dami ng pwede ng mapaglagyan. Bakit don pa?
– pumasok ka Don?
, tumigil na sya sa kaka hat dahil nag sipasok na ang ilan.
Pabulong bulong na lang sya medyo dim light na sa bandang upuan nila. Kinuha nya ang towel sa likod ng upuan ng dalaga at tumabi sya dito malaki kasi ang upuan na gawa sa “nito” o kawayan tinakpan nya ng towel sa may bandang side nila na mahahagilap ng camera .
Kinuha nya ang palad ng dalaga at pinagsaklop sa palad nya. Tsaka nya dinala sa mga labi upang halikan.
Medyo nailang si Nice at nababahala sya sa pag ka katabi nila. Pero pinipigilan syang makaalis ni Ace.
” Stay..”
Tsaka ito nag salita
Tulad nang una nating encounter sa bar, nakatadhana yon. Sa ilang beses kong nag punta kina Khate di man lang kita nasilayan non. Sa bar lang pala tayo unang magtatagpo.Yong nakita kitang hinihila ng mga gagong yon! Nakatadhana rin yon, bat ako laging nakakakita sayo diba?
Yong pagpunta ko sa recognition nyo, di ko sinadya na mag acting guardian mo non Nagkataong wala kang escort kaya umakto ako. Malay ko bang solo flight ka pala. Tingin mo, di yon tinadhana.
At nong gabing yon na nasa swing ka. Hinanap kita sa party pero wala.. bigla kong naisipang mag punta ng swing dahil tambayan ko din yon doon. At yon nga nakita kita.. At kahit nakamask ka.. Alam ko, ramdam ko agad, ikaw yon! Tingin mo di itinadhana yon?
At nong Muli akong humiling na makasama ka sa gabing nag confess na tayo sa isat isa. Tingin mo Nice Nagkataon lang ba na may staff ng advertising na to ang makapunta don at ma spotted tayo? At ngayon nga heto na tayo..
At ang pagkakahanap ko nito “sabay abot sa hugis puso na papel. Halos di rin ako makapaniwala but as I started to realized every unexpected happenings in us.
I am convince now…
that all of these are meant to be 💞
Nakatingin si Ace sa gilid nya.. Kay Nice.
Napatingin na rin ang dalaga.
” Di mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon” ang isang buwan nating walang komunikasyon at walang bonding ito ang naging kapalit, isang buwan din na haller!! Buong araw at gabi kitang makakasama at araw araw!!!! Excited pa ako sa next days ahead…being here with you.. Just like this, I wish we can still have this kind of scenery in our future. Here beside you always and forever..
” Hehe Abnormal talaga oh, from drama biglang may pa haller!! Haller!! Nahawaan ka na ng George na yon! ”
HAHAHAHA” sabay pingot nito sa ilong nya.
“You’re the Nicest ever happened to me.”
Huwag kang bibitaw ha, Ano man makita mo, marinig mo, isa lang paniwalaan mo. Die Hard si Ace sayo! Boom! ” sabay smack sa pisngi nya
“Lang hiya. Bilis ng galawan ah
Pinagtitripan mong cheeks ko.”
“Oo crush ko… Ang cute mo lalo sa cheeks mo.”
Humilig ito bigla sa balikat nya.
Hoy umayos ka dyan..
“Mahal mo ba akong talaga Nice?” hmm? ”
Kinabog ang dibdib nya
Oo. Mahal na kita, mahal na mahal na. At kapag iniisip ko na baka iba ang makakatuluyan mo dahil sabi ni Papa ipagdadasal ko na lang daw na matanggap ako ng side mo.
Pano pag hindi.. Masakit isip in na sa iba ka mapupunta. Masakit isiping sa future ka piling mo ay iba. Tapos, makakalimutan mo rin ako, ito.. Itong ganito tayo.
Ganito tayo ngayon, pero pano bukas? Sa hinaharap.
Sshh.. Tama na, ang sarap mong halikan.
Pero next time na lang.. Basta huwag kang sumuko, akong bahala.
Lagi na lang e
Ikaw bahala.. Ako kawawa
Hinimas ni Ace ang tyan nya..
Baby.. Maging lucky charm ka samin ni mommy ha. Ikaw ang magdugtong sa aming mundo. Maging way ka na mag ka isang dibdib kami.
Napatingin si Nice sa binata..
Bigla syang nakasama ng pag nanais na mayakap at makulong sa mga bisig nito. Parang inuutusa sya ng nasa sinapupunan nya.
Gusto nyang lumingkis dito at amoy amuyin ito.. Gustong gusto na nya! Pero Nahihiya sya, buti nagkusa ito. Matapos haplusin ang mukha nya niyakap na sya nito. Ang sarap. Sa pakiramdam nya, para syang na relieve. Ngunit ng akmang kakalas na ang binata, pinigilan nya ito. Sabay ungol nya ng pag reklamo.
Napangiti ang binata at kinilig. Muli nya itong niyakap. Kung sa unit nya walang problema kahit pa magdamagan sila.
” Dito na ba tayo matutulog?”
Dahil wala pang balak kumalas si Nice.
Hinimas himas nya ang likod nito.
” 30 mins. More.”
“Huh? ” nabigla talaga sya
“Seryoso ka?”
, pagbigyan mo na ako. Mamaya nyan di ako makatulog.
Pabigla bigla yata sila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top