My BestFriend’s Husband Chapter 20


#Mystery_Triller_Romantic_Drama
🥀Step POV
(Mabait na Stephanie)
Kanina pa ako nakahiga sa Kama ko hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Naalala ko may nakita nga pala akong Diary sa Drawer kaya kinuha ko yun para paglibangan.
Nakita ko Diary yun ni Megan! Kwarto nga pala ito ni Megan kaya malamang maiiwan ang Diary nya.
” Ano kaya ang laman nito?”
Ang daming naka insert na mga litrato nila ni Sir.Vincent
“Ang swerty mo pinag aagawan ka ng dalawang lalaki. Ang haba ng hair mo. teka bakit puro kay sir vensent lang ang mga nandito. Walang ni isang picture nila ni Andrew. . Sino nga ba ang totoong mahal ni Megan ang Ex Boyfriend nyang si Vincent? O ang asawa nyang si Andrew. . Nakakalito naman sya? Babalik pa kaya sya?”
Gusto kung malaman ang laman ng Diary ni Megan. Hindi naman siguro masama kung babasahin ko.
Sinimulan ko nang basahin.
********
-Dear Deary
Ito ang araw na naging magkaibigan kami ni Stephanie. Masaya akong naging kaibigan sya. Alamo ba na ang daming lihim na nakatago sa pagkatao nya na diko pweding sabihin. Kahit dito pa sa diary na ito. Hindi ko parin pweding sabihin kasi walang dapat na maka alam.
*********
Teka anong lihim sa pagkatao ko?
Bigla akong kinabahan sa pagkatao ko. Alam kaya nya na may iba pang nabubuhay sa pagkatao ko? Gusto kong malaman ang lihim sa pagakatao ko. . Kung sino ba tlaga ako? At kung bakit dalawa kaming nabubuhay sa katawan na ito?
Binasa ko pa ang ibang laman ng Diary nya para alamin pa kung ano ang nalalaman saakin ni Megan.
********
-Dear Diary
June 24 20** ito ang araw na nagtapat saakin ng pag ibig si Vincent. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa alam kung mayron ba akong nararamdaman sa kanya. Mahirap magdisisyon pag dika sigurado sa nararamdaman mo. Ayaw kong gumawa ng disisyon na alam kong pagsisihan ko sa huli. –
Ayaw kung dumating sa punto na iiwan ko sya at pariho kming masasaktan.
******””*
Ano nanaman kaya ang pagsisihan nya sa huli? Ano kaya yun? Bkit hanggang ngayon wala parin akong malaalala tungkol kay Megan? Bakit hanggang ngaun blanko parin sya sa mga aalala ko!. gustong gusto ko nang maalala ang lahat. Ang lhat ng tungkol saakin.
Kailangan ko pang basahin ito baka may maalala pa ako.
*******
-Dear Diary
Sigurado na ako sa feelings ko na gusto ko nga si Vincent hindi pa iyon mahal ko na sya. Kaya lang natatakot parin ako na tanggapin ang pagmamahal nya paano kong hindi ko masuklian sa bandang huli ang pagmamahal nya paano kong dumating ang araw na iiwan ko din sya.
Paano kung dumating ang kinakatakutan kong mangyari. . Hindi habang buhay ganito lang ang lahat. Pero kaya ko naman iwanan ang lahat para lang kay Vincent. Kaya kung isakrepisyo ang lahat lahat para lang makasama ko si Vincent.
*******
Iniwan mo na nga sya ngayon at nagpakasal sa iba. . Iba karin Megan. Wala kang katulad.
Puro nalang ito kay Sir Vincent. Wala man lang syang binanggit tungkol saakin.
Magbabasa pa ako baka sakaling mayron syang maikwento tungkol saakin.
*******
Dear Diary
handa na akong mahalin si Vincent handa na akong tanggapn ang pag ibig nya. Kahit alam kong masasaktan ko sya huli pero pwede ko namang gawan paraan para magsama kami ng masaya at hindi masakta ang isat isa.
🔙Flash back↩️
Ang nakaraan ni Vincent , Megan at Stephanie
Naglalakad si Megan sa hallway ng school nila at sinusundan ang mga pitals ng bulaklak na nakakalat sa daan. Nang makita nyang papunta sa silid nila ay pumasok ito at nakita si Vensent na may hawak na guitara at nagsimula itong tu Naglalakad mogtog at kumanta. Kinilig sya pero hindi nya ito pinahalata napansin nyang palapit sa kanya si Vensent at hinawakan ang kamay.
” sasagotin mo na ba ako?” Romantikong pagkakasabi ni Vincent
“Oo naman sasagutin na kita. Ano ba ang tanong mo?” Pabiro namang sabi ni Megan
” Ang ibig kung sabihin can you be my Girl.”
” oo naman…. babae ako eh magugulat ka kung lalaki ako.”
” im serious! ” Seryusong sabi ni Vincent
“Seryuso din ako sa sinasabi ko. Sabihin mo nalang kasi ng malinaw para naman maintindihan ko ang ibig mong sabihin.”
“Gusto kitang maging Girlfriend? Papayag kabang maging Boyfriend ako? ” Paglilinaw ni Vincent sa kanya.
“Idi sigi tayo na. ” Seryusong sabi ni Megan.
Hindi naman makapaniwa si Vincenyt
“T-Talaga tayo na ! hindi kaba nagbibiro? ”
“Oo nga tayo na! Tayo na at maupo dahil magsisimula...


na ang klase natin”
Napasimangot naman si Vincent
” linawin mo naman ang sagot mo para hindi ako umasa. Megan” Malungkot na sabi ni Vincent
“Gusto mo ba ng malinaw na sagot? Oo sinagot na kita kaya bumalik na kayo sa mga upuan nyo. Malinaw na ba sayo ang sinabi ko?
“Girlfriend naba kita at boyfriend mo na ba ako?” Tanong ulit ni Vincent
“Uupo ka ba o babawiin ko ang sinabi ko” pang hahamon na sabi ni Megan.
“Sigi na babalik na ako sa upoan ko.”
Hindi parin malinaw kay Vincent kong Gf na nga ba nya ngayon si Megan.
Napangiti lang si Megan na tinitingnan na nakasimangot na umopo si Vincent .
Tumabi naman sa kanya si Stephanie.
“Kayo na ba talaga? Curious lang kasi ako eh..” pangungulit na tanong ni Stephanie sa kaibigan nyang si Megan.
“Oo naman Boyfriend ko na sya.”
“Eh kinilig kaba sa ginawa nya kanina?” Tanong ni Stephanie kay Megan
“Oo kinilig ako”
“Mukha ka namang hindi kinilig sa ginawa nya. ”
“kinilig nga ako. Eh. Dko lang pinahalata. Ano kaba ! ”
“ah ganon ba! Hindi kasi Halata eh. ”
Nang matapos ang klase nila ay sabay na lumabas ang magkaibigan at naghihintay sa labs si Vincent.
“Hatid kuna kayo.” Yaya sa kanila ni Vincent.
“Wag na kaya na namin ang sarili namin.” Sabi ni Megan
“Bakit ayaw mo diba boyfriend mo naman sya ngayon?”
“Oo nga naman diba boyfriend mona ako. Bakit ayaw mong magpahated saakin?”
“Wag na kasi nakakahiya naman kay Stephanie ” sabi pa ni Megan.
“Sya? ” Turo ni Vincent kay Stephanie
“Nahihiya ka kay Stephanie? Siryuso kaba? “Pabirong sabi ni Vincent
“Oo nga? bakit naman nakakahiya saakin. Ako nga ang naging tulay nyo eh ngayon kapa nahiya saakin.”
Biglang itinikup ni Vincent bunganga ni Stephanie
“Hoy diba secreto lang natin yun?”
“ops sorry!”
natawa nalang silang tatlo.
“Libre ko nalang kayo.”
“Aba yan ang gusto ko. Ang libre mo.”
“Sama nito. ” Patampong sabi ni Vincent kay Stephanie
“Nagjojoke lang naman ako eh. ”
(Masaya silang nagtatawanan na tatlo.)
↩️Flash back end🔚
🥀Step POV
(Mabait na Stephanie)
Ang sweet pala naming tatlo pero bakit ngayon? Parang ang sama sama ng trato saakin ni Sir.Vincent? Yung parang iwan. Minsan ang bait nya minsan naman hindi ko maintindihan kong galit ba sya saakin o may sama ng loob.
Bigla may kumatok sa pintoan ko kaya binuksan kona katulong lang pala.
“Gusto po kayong kausapin ni Chairwomen”
“Ah! Ganon ba sigi paki sabi baba na ako.”
“Upo siñurita”
Umalis na ung katulong
Gusto ko pa sanang magbasa kya lang pinatawag ako.
Pumunta na ako kay Chairwomen ano naman kaya ang pag uusapan namin?
“Bakit po lola? Ano po ung sasabihin nyo?”
” kumusta ang unang araw ng trabaho mo?”
“Ok lang naman po lola, mababait po sila saakin”
“Ganon din ba si Vensent sayo?”
Bigla akong natahimik.. actually hindi talaga magandan ang pakikitungo nya saakin. Sasabihin ko ba?
“tungkol po kay Sir vensent ok naman po syang boss. kaya lang po may pagka masungit sya minsan. At pinapagalitan din po nya ako. ”
“Ako na ang humihingi ng pasinsya sa para kanya, alam kong hindi mo pa naalala ang lahat . Kaya sana maunawaan mo kung bakit ganon nalang si Vencent. Napakasweet at napakamasayin nya dati pero nagbago sya ng hiwalayan sya ni Megan. Dahil mas pinili ni Megan ang Apo kong si Andrew. Kaya ganon nalang ang naging ugali nya ngayon. Tahimik magagalitin pero mabait parin nman sya.”
” actually po lola, naiilang na po ako sa kanya. Na aakward po ako minsan sa kanya. May galit po ba sya saakin? Or may kasalanan ba ako sa kanya? Kaya ganon sya saakin? Hindi ko po sya maintindihan ngayon.” Sabi ko kay lola.
“Wala ka namang kasalanan. Hindi naman sya galit sayo ayaw lang nyang pag usapan si megan. Dahil masakit sa kanya na malayo ang taong mahal nya. Wala ka ba talagang maalala iha?”
” pasinsya na po lola pero, hanggang ngayon wala parin akong maalala. Pero sisikapin kupong maalala ang lahat. ”
“Pasinsya kana kung naitanong ku sayo. Wag monang pwersahin ang sarili mo. Magpahinga kana. ”
” opo lola, lalabas na po ako. ”
Nakalabas na ako sa office ni Chairwomen at pabalik na ako sa kwarto ko kaya lang. . Nahihilo ako. Mukhang lalabas nanaman si Tiffany.
Wag sana syang gumawa ng gulo.
…….
Pagkalabas ni Tiffany sa katauhan ni Stephanie ay biglang nag iba ang aura nya napangiti nalang sya na para bang may masamang binabalak.
To be continue.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top