I’LL NEVER GO THE FINALE


Napabalikwas sya sa higaan grabe tinanghali na sya ng gising.
Hinanap nya ang selpon para malaman kung anong oras na.Alas dyes na pala.Kelangan na nyang bumangon papasok sya ng botique ngayon.Madami pa naman silang gagawin.
Nagulat sya dahil hindi ito ang kwarto nya.Naalala nya na inuwi nga pala sya ng nobyo sa condo nito.
Pero asan ba sya? Hindi ba kami magkatabi matulog?
Pagkakaalam nya kasi ay magkasama sila dito kagabi.
“Love kanina ka pa ba gising? Nagprepare lang ako ng makakain natin?
“Tinanghali na tayo.Hindi ka ba papasok ng opis ngayon.”
“Hindi na half day lang kami ngayon.”
Pagkakain ay gumayak na sila pauwi ng bahay nina Xandie.
Nagtaka sila kung bakit andun ang sasakyan ng magulang ng binata.Akala nya ay meron ding ganung model ng sasakyan ang magulang ng dalaga.
Pero nagulat sila ng maabutan nila sa living room ang mga magulang at mukhang seryuso ang usapan ng mga ito.
“Mabuti naman at dumating na kayo mga anak.”
“Ma bakit ang aga nyo naman dito?”
“Tanghali na kaya anak.Kanina pa kami nag aantay sainyo.”
“Bakit anong meron Ma?”
“Anak kailangan na nating mamanhikan.”
“Ho? Mark may alam ka ba tungkol dito?”
“Wala.Paano ko malalaman eh magkasama tayo kagabi.”
“Exactly mga anak.Tumawag ang Tatay ni Xandie sa amin.Kailangan mo daw panagutan ang anak nila.”
“Nay,Tay wala namang pong nangyari sa amin.”
“Imposible anak,magkasama kayo sa condo nya.Ano sa tingin mo ang iisipin namin?”
“Oo nga balae nauna na ang homeymo*n nila kaya kailangan na natin pag usapan ang kasal nila.
Hindi na sila tumutol sa kagustuhan ng mga magulang nila.Tutal kahit ano pa ang paliwanag nila ay di naman maniniwala ang mga ito.
Naisip nya na okay lang na makasal sila para mawala na din ang agam agam ni Mark tungkol sa pag alis nya sana.
Mahal...


nya ang binata at wala na syang mahahanap na katulad nito.Kaya isasantabi na muna nya ang pangarap.
Tama naman ang Nanay nya makuntento na kung ano meron sya ngayon dahil sobra sobra na nga ang biyaya na natanggap nila.
“Love bakit di ka tumanggi sa kagustuhan ng parents natin?”
“Gusto mo ba tanggihan ko sila?”
“Di naman sa ganun,paano na ang pagtupad mo aa pangarap mo?”
“Sus nagdrama ka pa.If i know Mister Da Silva gustong gusto mo naman.Tungkol naman sa pangarap ko matutupad ko pa rin yun kasama ka.”
“Syempre tututol pa ba ako eh magiging Misis na kita.Mahal na mahal kita Xandie.” sabay yakap nya sa dalaga.
Hinayaan na nila ang mga magulang magplano tungkol sa nalalapit nilang kasal.Balak ng parents nila ay next year na ito ganapin para madami pa silang oras sa preparasyon.
Gusto sana nila ay simple lang pero ayaw pumayag ng Tatay ng dalaga.
Unica hija kasi ito ng pamilya kaya kailangan bongga ang pag iisang dibdib nila.
Pagkatapos ng usapan ay masaya na silang nagsalo salo sa tanghalian.
Nagulat sila dahil kumpleto ang mga kaibigan sa kusina.
Kanina pa pala ito sa likod ng bahay kaya di nila napansin.
“Beb aalis ka pa nyan?”
“Hindi na Beb ngayon pa na kailangan kong bantayan itong magiging Mister ko.”
“Napakapossesive naman pala ng Misis ko.”
Itinuloy na nila ang kasiyahan hanggang gabi.
Walang pagsidlan ang kasiyahan nya.Ganito pala ang feeling ng ikakasal nakakaexcite.
Magiging busy na naman ang araw nila ni Cassy sa botique dahil sila ang gagawa ng dream wedding gown nya.
Masarap pala sa pakiramdam na kahit di mo maabot ang pangarap mo basta kasama mo ang mahal mo sa buhay.
Basta marunong ka lang lang makuntento sa kung ano meron ka ngayon.Sobra pa nga ang ibinigay Nya.😙
💕the end💕






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top